Donny's POV
"Papa D, wala ka bang ibabalita samin? " ani Jai
"Anong balita ba? May rally daw sa may Mendiola kaya traffic, yan ang last news na narinig ko. " papilosopong sagot ko.
Alam na nila? How? I am discreetly observing Shar hoping to see a different reaction pero wala. She's silent though. Patuloy sa pag-inom na nakatingin sa monitor ng videoke.
"Sus, alam na namin, we just want to hear it from you, baka mali yong source namin eh o hindi ka pa sigurado pero di ka na makaurong? " si Carl naman sabay tingin kay Shar
"Carl, stop that. Marining ka ni Janina oh. " si Jastin in his usual coolness
"San ka punta? Ayaw mo ba marinig ang confirmation? " narinig kong tanong ni Nash kay Shar when she stood up when I was about to answer.
Oo nga Shar, where are you going? Are you hurting? Sorry if you are but this is what you want diba? Please don't make me think na nasasaktan ka. Please don't make me regret what I did.
"Banyo lang, nasusuka na ako eh." sagot naman ni Shar.
Really Shar? Okay, I'll give it to you. Just be okay please.
"Kami na ni Janina, 1 month na. "
"1 month na and yet you didn't bother to tell us? " si Carl ulit.
"Carl ano ba, tone down your voice. Saka will you calm down, matatalo mo pa ata si Kisses kung maka-react ka eh. " ani Jastin.
Naiintindihan ko si Carl kung bakit ganon reaction nya kasi among the others, sya ang mas nakakaalam ng pinagdaanan namin ni Shar. Sya ang naging confidante namin ni Shar but never did he reveal whatever Shar told him and ganon din sakin. He knows both side of our complicated story. Naging stress absorber namin sya. And I know with that news, mas na-stress sya.
"I'm sorry, di ko naman kasi naisip na big deal yon. I don't think naman kasi na interesado kayo sa lovelife ko. Ang dami na natin hinahabol na requirements pag-aaksayahan nyo pa ba ng oras yon. "
"Pasensya na pre, nagulat lang kami. " si Carl ulit.
"Wala yon pre, di ko lang kasi talaga inakala na magiging interesado kayo. May balak naman akong sabihin din, naunahan lang ako ng nagbalita sa inyo. " nangingiti kong sagot.
"Dy, kanta tayo. " aya sakin ni Janina.
The intro of song Destiny is playing and since duet yon kaya siguro ako inaya ni Janina. Tatayo na ako para makalapit sa may videoke ng mahagip ng paningin ko si Shar galing banyo. Did she cry? And natigilan din sya ng makita si Janina na akay ako papunta sa may videoke. Please Shar, don't make me regret this. Please be okay.
"Mahaba ba yong cord ng mic? Dito na lang tayo, ayoko masyado malapit eh. " sabi ko kay Janina.
But to be honest, alibi ko lang yon. Gusto ko lang makita ng malapitan to check kung umiyak nga si Shar.
"Umiyak ka? " narinig kong tanong ni Jai kay Shar.
"Hindi ah. " sagot naman ni Shar.
"Bakit basa mukha mo? Bakit namumula mata mo? " patuloy na pagtatanong ni Jai
Thank you Jai. Salamat talaga mga observant at usisero mga ito, para bang nag-uusisa na sila on my behalf kasi yong mga gusto ko malaman ang naiitanong nila.
"Nasuka nga ako, wala ata sa kondisyon yong katawan ko. Naghilamos lang ako para mahimasmasan. Tanong mo pa kay Ai. " depensa naman ni Shar ng makita na duda si Jai sa sagot nya.
Buti na lang natapos ko yong kanta ng hindi nagkakamali. Hati kasi yong atensyon ko sa pakikinig kay Jai at Shar.
Ibinalik na namin ni Janina yong mic at inayos ko yong upuan paharap sa mesa na inookupa namin ng biglang niyakap ni Janina si Shar. Kitang kita naman ang gulat sa mukha ni Shar.
"Oh, bakit? Okay ka lang ba? " tanong ni Shar kay Janina
"Wala lang, thank you!" sagot naman ni Janina
"Para saan? Buang ka na ga? "
"Thank you kay Donny"
"Nge, wala naman ako ginawa, I just introduced him to you. Kung pano naging kayo, wala na akong kinalaman don, kayong dalawa na yon. "
"Still thank you, ikaw naging daan para magkakilala kami. I love you baby Shark! Happy birthday! "
"I love you more! Anything for you dear basta kaya ko. Ingatan mo relasyon nyo, pero mas ingatan mo puso mo. Just tell me kung nagloloko yan si Kuya ako babatok para sayo. " sagot ulit ni Shar sabay tingin sakin at nagpakita ng kamao.
You are wrong Shar. Malaki ang kinalaman mo kung bakit naging kami. Ikaw ang dahilan kung bakit naging kami. Ikaw ang dahilan.
"Grabe naman, para naman ang gago ko sa sinasabi mo. " sagot ko kay Shar.
"Hindi ganon kuya, irereto ba naman kita kung tarantado ka. I know you're a good man, you're a good catch actually kkaya masaya ako na sa mabuting kamay napunta itong kaibigan ko. Just promise me hindi mo sasaktan ito kundi friendship over tayo. "
Kuya! Friendship over! Bear that in mind Donato. You just made me fell hard Shar, you're one hell of a strong woman. How can I love Janina ngayon kung wala sa kanya yong mga bagay na nakita ko sayo.
"Grabe sya, binigay na nga yong gusto nya i-friendship over pa. "bulong ko.
"Ha? Ano sabi mo? " usisa ni Shar
"Shar, patulong dito. Kantahin mo tapos dedicate mo sakin. " tawag ni Mark kay Shar.
Buti na lang tinawag sya, nawala yong atensyon ni Shar sa sinabi ko. Pero I was shocked nong marealize ko kung anong kanta ang pinapakanta ni Mark kay Shar.
Please God, don't do this. Baka ako ang magbreakdown.
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...