Shar's POV
I was teary eyed on the last message Donny had sent me. How I miss our closeness. I really hope na bumalik kami sa dati and I believe we will, our pain wont go to waste.
As agreed, we all meet at school after two weeks break para sabay sabay mag-enroll. Donny have his pasalubong for me as promised. I don't know how but we're back to what we were before as if nothing happened. The remaining months of the year passed by so fast that its already February, birthmonth na ni Donny. Everything went back to normal. We're inseperable again kahit na isang subject lang yong classmate kami ngayon. His every vacant time were spent at CE Lab where we have our most class. I thank all the angels and Saint for the turn of events."Papa D, birthday mo na next week anong plano? " kantyaw ni Kobi.
We're currently at CE Lab for Engineering Materials Lab subject. Donny have taken this on his previous school kaya maki-seat in lang sya, refresher aniya.
"Dating gawi. Ano ba araw pinakamaluwag nyo sched? "sagot tanong nya kay Kobi sabay tabi sakin sa upuan.
Yes, the clingy Donny is back. But never again did he mention nor nagparinig about our mutual feelings which is good, baka kasi maging awkward ulit.
"Kaw ba, san gusto mo? " tanong nya sakin.
"Ako ba may birthday? Baka kapag ako namili ng lugar ako pagbayarin mo eh. "
"Sungit mo, bili tayo ice cream, libre ko. "
"Ngayon na? Tara"
"Magic word talaga sayo yong libre eh, biglang iba mood." tatawa tawang asar ni Donny sakin.
"Letse ka, lumayo layo ka sakin baka isama kita sa halo ng semento. Tamang trip ang putik. Tsupi! " napipikon kung sagot.
"Sus, ang sensitive mo, babae ka ba? " patuloy nya na kiniliti pa ako sa tagiliran. "Mamaya na after nyo dito, parating na prof nyo eh malate ka pa. "
"Promise? Sige, wag mo ako tatakasan ha. "
Sinagot nya lang ako ng mas malakas na tawa.
"Ang saya mo, bwisit ka. Mamaya may masamang hangin kami maamoy ha, naku, naku kuya. " komento ko na lalo lang nagpatawa sa kanya.
"Ang cute mo talaga. "
"Hoy, may sarili na naman kayong mundo dyan, baka gusto magshare ng joke, mukhang bentang benta kay Papa D eh. " ani Jai
"Tumira ata ng katol yan eh, kahit walang joke tumatawa. Baliw na. " aniko na sa muling pagkakataon, nagpatawa ng malakas kay Donny.
"Hala sya! Hoy huminahon ka nga, konti pa papatawag ko na guwardya. Check nyo nga kung nakainom ng gamot ito, Pebrero talaga eh. Bilog ba buwan ngayon? " baling ko kala Carl and for the nth time, nagpatawa na naman kay Donny.
"Hala sya! "halos sabay sabay naming nasabi.
Donny's birthday. Andito kami sa Lyca, the usual hang out place. Di ko alam kung bakit wala si Janina and hindi na rin naman ako nagtanong. Ang nadagdag sa grupo ay mga CE lower years na classmate ni Donny sa majority of his class this sem. Kakilala ko rin naman sila dahil classmates sila nong pinsan ko on their general engineering subjects.
"Ngayon lang namin kayo nakasama sa ganitong lakad, sana maulit. " biglang sabi ni CJ. "Akala kasi namin matitino kayo." dagdag biro pa niya
"Ang solid kasi ng grupo nyo, ang hirap pasukin. " ganting biro naman ni Donovan
"Balita nga namin as of now, batch nyo pa lang ang nakalusot ng buo kay Engr. Abestilla, lupit. " dagdag naman ni Trysty na bestfriend ni Kisses.
"Asan pala si Kisses? " biglang tanong ko at naramdaman ko na lang ang marahan pagsiko sakin ni Donny.
"Bakit?"natatawang tanong ko sa kanya na sinagot nya lang ng panlalaki ng mata.
"May emergency kasi sa kanila, nanghihinayang nga kasi ang tagal non hinintay itong araw na ito. " ani Trysty sabay tingin kay Donny ng nakangiti.
Hindi naman na pinansin ni Donny ang sinabi ni Trysty dahil kanta nya na ang nakasalang sa videoke.
"Kumusta? Pinsan mo kumusta? " Ricci asked me. Katapat ko pala sya ng upuan.
We're not friends but more than acquaintance naman. I knew him kasi player sya ng CE department sa basketball and dahil nga sa pinsan ko.
"Ok lang, kaw ba? Si Mika naman ayon, marunong ng magwelding. " pabirong sagot ko.
"Ok pa naman, nakakasurvive pa kay Engr. Abestilla. Ang lupit ng batch nyo ah, patutor naman. "
"Naku, tsamba lang yon, sinamahan pa ng swerte. Muntik na rin naman kami, si Kuya lang ang maayos don. Sabi nga nong mga nth year, makakuha ka lang ng 3 kay Engr. Abestilla magcelebrate ka na eh yang si Pangilinan 1.5 pa nakuha. Certified malupit. Sa kanya nga ako nagpapatutor eh. "
"Halimaw nga yan, yong mga subjects namin ngayon, easy lang sa kanya. Ang maganda sa kanya, hindi sya madamot, nagtuturo talaga. "
"True!" sang ayon ko sabay sulyap kay Donny na kumakanta pa rin. "Anyways, malapit na intrams, player ka ulit? "
"Sana makuha sa try out. Manonood ka ba? "
"Ako pa ba? Kelan ba ako nawala? Galingan nyo ha. Sino pala kateam nyo? "
"Basta ba manonood ka at manlilibre pagkatapos eh. ECE daw ata, eh andami nila player kaya di ko alam kung makukuha ako."
"Dapat fair ang hatian ng player, kung 12 kelangan, tig 6 dapat kunin. Di porke madami sila player sa kanila na lang kukuha. Saka sa pagkakatanda ko wala naman matangkad sa ECE, don pa lang sigurado ka na. Yang built mo na lang kasi problema, sobrang payat mo kasi. "
"Wow ha! Hindi ako payat, mataba ka lang. " ganting asar ni Ricci at sabay kami nagtawanan.
"Close pala kayo ni Rivero. " ani Donny na di ko namalayan na nasa tabi ko na at tapos na kumanta.
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...