Shar's POV
Its only 2 weeks before the semestral break. After that, birthmonth ko na. Wala pa concrete plan on when and where ang venue also the date of sabay sabay namin pag-eenroll wala pa din. Everything is going well. Even my scores sa quizzes ni Engr. Abestilla. I got my first perfect score in two semesters. He even joked na itago ko daw ng maayos baka ipisin. That's all because to Donny's word. I took his advise whole heartedly. From answering practice problems, to reviewing our previous quizzes. And it all paid off when I got 100 on our last quiz.
"Naks, humabol pa sa finals ang perfect score mo ha. " pang aasar ni Carl
"Pa birthday sakin ni Bro. " sagot ko naman.
"Speaking of birthday, anong plano?"
"Kayo, san ba? Basta hindi sa mismong birthday ko, I have to be in Bulacan on that day, alam mo naman, magtatampo si mudrabels."
"Ge, after na lang magsubmit ng requirements kay Bigots derecho Lyca na. "
"G! Sabihan mo na lang yong iba" aniko at nagpaalam na kay Carl dahil may susunod na akong klase.
"Uy Shar, malapit na bday mo ah, anong plano? " si Ai.
"Oo nga, naghiwahiwalay lang tayo sa major subjects kinalimutan mo na kami. " si Iñigo naman
Kasama ko ngayon yong ibang engineering department dahil classmates kami sa Numerical Methods. Simula ng mag third year kami 2 subjects na lang kami magkakasama.
"Ang OA nyo. Yan nga si Mark birthday din this April eh, hindi na naman magpaparamdam. "
"Wag mo ibahin usapan or iisipin namin na talagang kinalimutan mo na kami. " si Joseph naman.
"Adik! Hindi mangyayari iyon, ang laki ng utang na loob ko sa inyo ni Ronnel eh. Baka di ko naipasa Drawing 101 kung wala kayo. " natatawa kong balik sa kanya.
"So ano nga plano? " si Ai ulit.
"Ang lakas magtanong Ai ah tapos pag oras na ikaw ang wala. Wag kami ha. "
"Sama sama na lang tayo ng mga CE, kilala nyo naman na mga iyon eh. Sa last day ng submission ng requirements, sa Lyca. Ang hindi pumunta may pasalubong dapat sa balikan ah. "
"Game! " sabay sabay pa na sagot.
"Kahit kelan talaga late comers mga CE" pang-aasar ni Iñigo.
Nauna kasi ang grupo nila sa Lyca, kasalukuyan na silang nagiinuman at nagkakantahan.
"Pasensya naman, alam nyo naman yong adviser namin, late din dumating. " sagot ko.
"Happy Birthday Shar!" sabay sabay naman nilang sigaw sabay toast ng mga hawak nilang bote.
"Eh bakit parang kulang kayo? " tanong ni Mark
"Ha? " sabi ko sabay tingin sa mga kasama ko na CE. "Kumpleto naman kami, sino ba hinahanap mo? "
"Si kuya mo daw waley. " si Ai
Natigilan ako. Ngayon ko lang din napansin. Ang alam ko nasabihan naman sya. Kasama pa namin sya nagpasa ng final requirements kay Engr. Abestilla. Napatingin tuloy ako kay Carl.
Tingin lang din ang isinagot sakin ni Carl.
"Aba ewan, ang ayos ng usapan kanina eh, baka may emergency. " sagot ko na lang.
I was wondering what happened. Di man lang sya nagsabi. Di man lang nagpaalam. Sana emergency talaga para naman understandable.
Carl, Jai and Nash are watching me so I give them a smile assuring them that I'm fine and I can manage.
From: Kuya Donny
Shar sorry, nakalimutan ko magsabi. Nawala din kasi sa isip ko na sabay pala yong sched natin and yong event na sasamahan ko si Janina. May inuman din pala sa every after semester, ipapakilala nya daw ako sa iba pa nila kaibigan. Bawi ako next time.
Happy birthday! Enjoy! 😊
Matapos kung mabasa text ni Donny tiningnan ko si Carl ng nagtataning ang mata.
"Tinanong ko lang kung asan sya, bakit sayo ba nagreply? " ani Carl
I give him my phone para sya na ang magbasa. I don't know what to feel kaya tinungga ko na lang ang lahat ng laman ng bote ko.
"Oh" tanging nasabi na lang ni Carl at ipinasa kay Jai at Nash ang phone ko ng may message ulit na dumating.
From: Janina
Baby Shar, sorry, di ko alam na may schedule pala kayo ngayon, di naman kasi nabanggit ni Donny eh last week pa namin napagkasunduan na sasamahan nya ako. Meet the boyfriend kasi ang peg ng mga kaibigan ko, buti nga pumayag si Donny eh.
Anyways, happy birthday! Bawi kami sayo! And nga pala, kami na ni Donny! Thank you! Love you! The best ka talaga! See you!"Opss, sorry nabasa! Delete ko na baka mawala ka sa sarili eh" ani Jai sa tonong nag aalala.
"Buang nito, ano ba yan?" sabay kuha ko ng phone ko.
"Okay" nasabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...