""

228 7 2
                                    

Shar's POV

"Sa pagkakaalam ko hindi naman kayo classmate, bakit kayo magkasabay?  Ano nag-antayan? Magjowa?" salubong na pang aasar ni Kobi

Letse, kahit kelan talaga walang preno kung bumanat itong mga hinayupak na ito.

"Sa  pagkakaalam ko din iisa lang yong daan from school papunta dito so anong nakakapagtaka na magkasabay kami? Ang malisyoso mo lang, alam mo yon? " napipikon kung sagot kay Kobi

"Whoa,  ang taray ah.  Bakit pikon ka? Meron ka ba? " dagdag asar naman ni Igiboy

Hay naku,  ano nga ba aasahan ko sa mga ito.  Kung sasagot pa ako hahaba lang asaran ako rin lang matatalo kasi andami nila kaya nanahimik na lang ako.

"Tigilan nyo na si Shar,  baka magwalk out yan nasa kanya yong pambayad. "pagsaway ni Donny sa mga ito.

"Asus,  hindi magwalk out yan,  uhaw na uhaw na sa alak yan eh." sagot ni Kobi sabay lapit sakin na may hawak na menu.  "Oh,  pili ka na ng pulutan mo.  Kung anuman yang nagpapasungit sayo,  iinom mo na lang,  hindi bagay sayo mataray,  hindi ka naman babae eh. "

"Tangna mo talaga." sabi ko kay Kobi. "Pwede ba for once manahimik ka? For the past three years,  ngayon ko lang narealize ang ingay mo para sa isang lalaki. Yong totoo,  lalaki ka ba? O green blooded ka rin tulad ni Aris? " bawi ko kay Kobi na tinawanan nya lang.

"Okay na yan,  ang lakas na ulit mang asar eh.  But sorry not sorry,  di mo ako mapipikon. " ani Kobi

Have I mentioned na isa sa perks of being the only girl in the group is when there is an inuman session?  I got the last say kung anong iinumin at anong pulutan. Also I have my own serving. I got the chance na mauna sa videoke and I am the one who call it a night.  Sila nag aadjust sakin. I am so pampered by this group.

"O,  kaninong kanta ito?" tanong ni Jai ng matapos sya.

"Sakin yan" sabi ko sabay kuha sa microphone.

You tell me you're inlove with me.
That you can't take your pretty eyes away from me.

Simula ko sa kanta na "Sometimes". I don't usually sing this song pero ewan at bigla na lang sya nagpop up sa isip ko.

I wanna believe in everything that you say
Cause it sounds so good.
But if you really want me,  move slow
There's things about me,  you just have to know.

Sometimes I run, sometimes I hide
Sometimes I'm scared of you,
But all I really want is to hold you tight, treat you right
Be with you day and night, baby all I need is time.

While singing I can't help to think of my current situation. Pasok sa banga, hugot kung hugot. It would really feel so good nga siguro if Kuya tell me personally his feelings pero I'm scared and yes,  I really need time.

Natapos ko ang kanta with a more determination na isakatuparan ang plano ko so I texted Janina, my friend and Donny's textmate, and asked her if she's available at the time being. I told her that Im with Donny and the group and asked if she can come. Lucky me,  she said yes so I gave her the address.

Donny is currently singing Right Here Waiting.  I don't know if he just want to sing that or he remembered that I like that song. Whatever,  I shouldn't assume and put malice on it,  it will just cause me trouble. Though it feels good if the "I will be right here waiting for you" lines are answer on my "baby all I need is time".

Before Donny's song ends I excuse myself to see Janina who is at the entrance already.  Little did I know that Donny took it negatively and thought na umiiwas ako and lumalayo sa kanya when in fact,  he sang the song for me.

Donny's POV

I intentionally sang Right Here Waiting as answer to Shar's lines "baby all I need is time". And it hurts me when she excused herself kahit di pa ako tapos kumanta. Somehow,  it makes me smile also kasi the way I read her actions,  she gets the message clearly kaya sya umalis, para umiwas and para idismiss ang chance na maopen ang topic na ayaw nya pagusapan.
When she return, kasama na nya si Janina,  the last person na inisip ko makakasama namin ngayon. Shit,  she's really serious about pairing me up with her didn't she? Ganon talaga sya katakot kaya she will get every chance she had para mapush ako palayo. As I've said,  willing to wait ako but I just can't get it,  kung bakit kelangan nya pa maginvolve ng ibang tao, di ko naman ipipilit ngayon.

"Hi Donny!", nakangiting bati sakin ni Janina na nagpalingon sa mga kaibigan namin sakin.  Nasa mga mata nila ang pagtataka kung bakit ako kilala ng babaeng kasama ni Shar.

"Hi Janina,  buti nakarating ka.  Di naman nabanggit ni Shar na pupunta ka." ganti ko sa kanya na lalong nagpakunot ng noo sa mga kaibigan namin.

"Guys,  meet Janina,  high school classmate and friend ko and who knows,  baka maging part na rin sya ng grupo soon.  Looking forward on that syempre" ani Shar at isa isang pinakilala ang mga kaibigan namin.

"High school friend and classmate mo?  Eh bakit kilala ni Papa D? " takang tanong ni Nash na sumulyap din kay Carl,  Jai at sakin.

"Pinakilala ko,  nirereto ko kay kuya." simpleng sagot ni Shar.

"Naks,  iba ka talaga Papa D!" kanya kanyang kantyaw sila Kobi,  CJ at Igiboy samantalang tahimik lang kami nila Nash at Carl.

"Ingat ka kay Kissess ha,  stalker ni Donny yon eh. " paalala pa rin nila kay Janina

"Bakit kay Donny may nireto ka samin wala? Antagal mo na kasama si Kobi bakit di mo naisipan hanapan ng girlfriend?" sabi ni Jai na mahahalata mo ng may tama na sa nainom at pasimple naman syang siniko ni Carl.

Ayoko malagay sa hot seat si Shar and ayoko rin maramdaman ni Janina na hindi sya welcome kaya ako na lang sumagot sa komento ni Jai. 

"Nagbiro kasi ako sa kay Shar last time na hanapan ako ng girlfriend para tigilan ako ni Kissess."

Kobi,  CJ and Igiboy laughs at me while Carl,  Jai and Nash gives sarcastic reaction. Them, being fully aware of my feelings toward Shar do not understand my action.  They just raise their glass ang shouts tagay na.

"So Janina,  kwentuhan mo naman kami kung paano si Shar nong high school.  May nagtangka ba manligaw sa "The Sharlene San Pedro" o sya ang nanligaw? " nagtatawang tanong ni Igiboy na ipinagpasalamat ko ng lihim. Buti na lang mga tsismoso itong mga ito, I can fish some information without them questioning my curiosity.

"Ui grabe sya."sagot ni Janina.  "May nanligaw dyan,  madami may gusto dyan takot lang talaga.  Saka nahihiya rin siguro kasi class valedictorian eh. Kahit nga ako minsan naiintimidate eh. Kahit na sobrang approachable nyan, friendly and isip bata,  di pa rin maiwasan na mahiya at matakot yong iba. Pero kapag nasa harap nya yong crush nya o kahit nasa malapit lang,  naku dalagang pilipina,  natatahimik at kulang na lang magtago. "

"Hoy!" pigil ni Shar kay Janina.  "Sinisira mo reputasyon ko eh. Ang sabi sayo magkwento lang,  hindi manlaglag ng kaibigan. Eh lahat na ata ng nakakahiyang karanasan ko plano mo ikwento eh. " dagdag ni Shar na pinanlalakihan ng mata si Janina.

Ibig sabihin,  pwera kay Saspa may iba pang crush si Shar. Ano kaya meron sa kanila at parang napakadali kay Shar na aminin sa lahat na gusto nya sila samantalang sakin hindi,  and worst gusto nya pa mawala yong pagkagusto nya.

Wasted ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon