𝔓𝔬𝔯𝔱𝔞𝔪 𝔦𝔫 𝔳𝔦𝔞 𝔞𝔡 ℑ𝔫𝔣𝔢𝔯𝔫𝔲𝔪

1 0 0
                                    

Oɴᴇsʜᴏᴛs sᴛᴏʀʏ ᵖʳᵉˢᵉⁿᵗˢ
𝔓𝔬𝔯𝔱𝔞𝔪 𝔦𝔫 𝔳𝔦𝔞 𝔞𝔡 𝔦𝔫𝔣𝔢𝔯𝔫𝔲𝔪
Horror Mystery
Lira Luna

︎✍︎✍︎

Sabi nila ang tahanan ang pinakaligtas na lugar para sa pamilya. Ito ang nagsisilbing magbubuklod sa pamilya, dito 'rin hinuhubog ang mabuting samahan ng bawat membro.

pero..

nakakasiguro ka bang ligtas ang tahanang napili mo para sa pamilya mo?

BAGONG LIPAT ang pamilya Advencula sa tahanang binili nang kanilang ama sa isang probinsya.

Nagpasyang bumili ng bahay si Mr. Advencula sa probinsyang iyon para 'don na manirahan pagkatapos niyang mag-retiro sa pinapasukang pinakamalaking kompanya sa Manila.

Maaga pa lang nasa labas na ng kanilang mga tahanan ang mga tao sa lugar na 'yon para masimulan na nilang gawin ang kanilang mga araw-araw na gawain.

Abala sila sa kani-kanilang ginagawa ng mapadaan ang sasakyan na naglalaman ng mga kagamitan ng mga bagong lipat sa matagal nang inabandunang bahay.

"Mareng ikang, abe may bagong lipat sa malaking bahay?"

tanong nang isang babae na may katandaan na, naka duster ito at may hawak na walis. Napatingin naman 'yong tinawag niyang ikang sa sasakyang pumarada sa harap ng mansyon.

"Abay, seguro ai.. halika lapitan natin."

wika niya sa kasama sabay binitawan ang dalang walis, lumapit silang magkahawak ang kamay sa mga bagong dating.

Abala sa pagpapababa ng mga gamit nila ang haligi ng tahanan, habang ang asawa nito ay naunang pumasok sa kanilang bahay para ituro sa mga nagbuhuhat kung saan dapat ilagay ang mga gamit na kanilang dala.

Bumaba ang mga kabataan mula sa pulang sasakyan na sa tingin nila ay anak ng mag-asawa, halatang mayaman ang mag-anak dahil sa kutis ng mga balat nito, ibang-iba sa mga tao sa lugar na 'yon.

"mawalang galang na 'ho, kayo po ba ang bagong lipat?"

tanong ni ikang kay Mr. Advencula, napatigil naman ang ginoo sa kanyang pagmamando sa mga nagbubuhat saka nakangiting humarap sa kanila.

"opo"

magalang niyang sagot sa dalawa'ng matanda dala ang kanya'ng matamis na ngiti. Napangiti 'rin ang dalawa'ng matanda kay Mr. Advencula.

"ako si Ikang, eto naman si Tasya, diyaan kami nakatira."

Pagturo niya sa bahay nila, napatingin din si Ginoo'ng Advencula sa tinuro ni Ikang sabay napatango na may kasamang ngiti.

"ako naman po si Robert Advencula, ang asawa ko po nasa loob si Lucy.. at.."

pagputol niya sa sasabihin at nilingon ang apat na anak na nasa tabi ng sasakyan nila, napatingin naman ang kanyang mga anak sa kanya at agarang lumapit ang mga ito.

"at ito po ang aking mga anak, si Aldred ang aking panganay, si Alfred ang pangalawa, ito naman si Alvia at si Abegail ang aking bunso."

𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now