ONESHOT STORY
"Hiniram ng Kabilang Mundo"
GENRE: FANTASY
WRITER: LIRA LUNA"HINIRAM NG TAGA IBANG MUNDO"
ang mundo ay puno ng hiwaga, hindi lamang ikaw na tao ang naninirahan sa mundong ito. Maraming mga kababalaghan ang mga hindi kayang ipaliwanag ng ating mga isipan, mga kwento'ng sa panahon ngayon ay isa na lamang alamat.
pero sa mga kabataang ipinanganak sa nakalipas na dekada, ay mananatiling totoo ang hiwagang hindi na kayang saklawin ng mga makabagong henerasyong utak ng kabataan.
halika i'kukwento ko sayo, ang tungkol sa.. ibang mundo.
taong isang libo't siyam na raan, walumpo't isa, sa napakaaliwalas na panahon sa ilalim nang lilim ng mangga sa bakuran ng pamilya ay makikitang naglalaro ang mga anak ni wilfred at Minda, tatlong babae ang kanilang anak 'nong panahon na'yon. Ang panganay na si Nina, si Tata at si Bing, sa kanilang tatlo si Bing ang pinakabata.
Wala 'non si Welfred at Minda, madalas sila sa kanilang sakahan, magsasaka kasi ang kabuhayan nilang mag-asawa, pamana pa ito ng mga magulang ni Wilfred.
Abala sa paglalaro ang magkakaptid, hanggang sa nagpasya silang manguha ng mangga, hindi kasi sila pinapayagang lumabas sa bakuran at makipag laro sa ibang bata, kaya sila-silang magkakapatid lang ang naglalaro.
kakaiba sila sa mga kabataan 'nong panaho'ng iyon, maliban sa kanilang mga magarang bistida at mahahabang buhok, ay mapuputi silang magkakapatid, pero sa panahon 'ding iyon, si Bing ang namumukod tangi sa lahat, maliban sa maputi niyang balat, mahaba 'rin at napakakulot ang kanyang buhok, maliit ang mga labi at napakaganda ng hugis ng ilong, napakatahimik pa na bata.
Nang magpasya silang manungkit ng mangga inutusan ni Nina ang nakababatang kapatid na si Bing para kumuha ng asin, agad namang sumunod ang pitong taong gulang na si bing sa nakakatandang kapatid, Habang si tata ang nanunungkit. Dagling pumasok si Bing sa loob para kumuha ng asin at ang kanyang dalawang kapatid ay abala sa panunungkit.
TATLOMPU'T minuto na ang nakakalipas ay di parin nakabalik si Bing, nagtaka na ang kanyang dalawang kapatid dahil nabalatan na nila ang lahat ng mangga'ng nasungkit ngunit wala parin si Bing. Kaya nagpasya na silang puntahan sa loob, pero laking gulat nila'ng wala ang kanilang nakababatang kapatid. Malaki ang bahay ng pamilya, may pangalawang palapag pa ito kung nasaan ang kwarto ng mga anak ng kanilang lola, sa tatay nila kasi ipinamana ang bahay. Hinanap nila sa boung kabahayan ang kapatid, ngunit walang Bing silang nakita.
PALUBOG na ang araw, halos nag-aagawan na ang liwanag at dilim, mararamdaman mo na ang simoy ng hangin tanda na pagabi na. Sumasabay ang mga puno sa pag ihip ng hangin, at tanging tunog ng mga kuliglig lang ang nagsisilbing musika sa nakakabinging katahimikan.
Naabutan ng mag-asawang wilfred at Minda ang mga anak na nakaupo sa bunganga ng kanilang pinto, humihikbi ang mga ito kaya nagtaka sila, nang makapasok na sila sa kanilang bakuran at maisara ito ay hindi man lang sila sinalubong ng kanilang mga anak katulad ng ginagawa nila parati.
"ano ang nangyayari at bakit matamlay kayo?" ani wilfred sa kanyang mga anak, napatingin naman sa kanila ang mga anak na panay hikbi. "Eh kasi tatay, si Bing nawawala po." takot na wika ni Nina sa ama, "anong nawawala? lumabas ba kayo?" wika ng kanilang ama sa mahinahong boses, dahil alam niyang natatakot na ang kanilang mga anak, kaya hangga't maaari ay maging mahinahon sila.
"hindi po kami lumabas itay, nanungkit po kami ng magga, inutusan ko po si bing kumuha ng asin pero hindi na po siya nakabalik." iyak ni nina, habang si tata ay walang imik na humihikbi, tinignan ng mag-asawa ang mangga'ng kanilang binalatan, ni walang bawas dahil hindi na nagawang kainin ng dalawa.
YOU ARE READING
𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]
القصة القصيرةAll the contents of this book are stories of different people, stories of people with insecure stories. A short but sad story. Lalisa Luna, or better known as L, is a writer that is full of sadness. She was a sad writer, she was a lonely writer. She...