ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛʟᴇ: 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓚𝓲𝓽𝓪 𝓝𝓸𝓸𝓷, 𝓟𝓮𝓻𝓸 𝓗𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓝𝓪 𝓝𝓰𝓪𝔂𝓸𝓷
(𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈)Matagal nang magkasintahan si Drae at Mila, tatlong taon na silang magkasama sa iisang bubong, may anak sila isa.
Masasabi mong masayang pamilya sila, ang kanilang pagsasama ay hinahangaan nang mga taong nakapaligid sa kanila.
Mabait si Mila, maalaga at mapagmahal na asawa, ganyan siya kung i describe nang mga nakakilala sa kanya.
Si Drae naman isang mabuting ama at asawa, masipag at mapagmahal, kapag day off niya, madalas sila namamasyal na mag pamilya, mahal na mahal niya ang kanyang mag ina kahit na hindi pa sila kasal ni Mila.
Isang araw niyaya ni Drae si Mila na kumain sa labas, tuwang tuwa naman ang huli nang marinig iyon, nagdali dali siyang magbihis at pati ang anak binihisan na din niya.
--------------
DRAE: masaya ba kayo nang baby natin at nakagala tayo?
MILA: oo naman, mahal kaya maraming salamat.
Hinalikan siya ni Drae at pati ang baby.
"Drae? Drae Reyes?"
Sabay silang napalingon ni Mila sa tumawag kay Drae, isang magandang babae ang bumungad sa kanila, nakapula ito na maiksing dress at naka heels din nang pula, may dalang bag at ang mga kulay sa kuko ay kasing kulay nang sout niya.
Nangunot ang noo ni drae, maging si Mila natulala sa nakitang ganda nang babae.
"You must be Drae? Our school prince charming way back in High school?"
DRAE: i-im sorry miss, do i know you? M-magkakilala ba tayo?
Napangiti ang babae
"Ofcourse, kilalang kilala kasi since first year to fourth year kung ikaw ang school prince charming, ako naman ang school muse."
Nanlaki ang mata ni Drae nang ma kilala ang babae na hindi alintana na may asawa siyang kasama.
DRAE: Oh my gosh.. Larah? Larah Lopez?
LARAH: yes ako nga, kumusta ka na?
DRAE: ayos lang naman, ikaw kumusta ka na? (Ngiti) aba mas lalo ka atang gumanda ah!
YOU ARE READING
𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]
Short StoryAll the contents of this book are stories of different people, stories of people with insecure stories. A short but sad story. Lalisa Luna, or better known as L, is a writer that is full of sadness. She was a sad writer, she was a lonely writer. She...