ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛᴛʟᴇ: 𝓦𝓱𝓮𝓷 𝓜𝓪𝓻𝓲'𝓼 𝓗𝓮𝓪𝓻𝓽 𝓲𝓼 𝓑𝓻𝓸𝓴𝓮𝓷
𝓼𝓱𝓮 𝔀𝓻𝓸𝓽𝓮 𝓱𝓮𝓻 𝓵𝓪𝓼𝓽 𝓵𝓮𝓽𝓽𝓮𝓻
(Tagalog Story)VIDEO FOOTAGE:
Paano natin ipapaliwanag ang sakit? Yung hindi natin alam kung paano i describe..
Yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi kayang bigkasin nang isang libong salita.. Walang sino man ang makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko..
Ito ang kwento ko, ako si Mari isang asawa, partner o nobya na walang ginawa kundi ang mahalin siya, masakit sa akin makita ang mahal ko na may ka chat o ka text na iba, kahit hindi niya sabihin alam ko sa puso ko..
Nasubukan mo na ba na masaksak ka patalikod? O masugat ka habang naghihiwa nang gulay? Tatlong beses na doble ang sakit nun sakin.
Hindi alam nang mga nasa paligid ko na malungkot ako, kasi masaya lagi ang nakikita nila sa akin, hindi nila alam na sa loob loob ko ay merong nakabaon na pako at patuloy na pinupokpok, walang katapusang paglubog.
Habang siya, may kausap na iba.. Ako? Heto walang makausap, walang mapagsabihan nang bigat na nararamdaman ko..
Ang sakit lang na yung taong pinagkakatiwalaan mo nang lubos, na yung hindi mo maiisip na magagawa niya, ay magagawa pala niya.
Hanggang kailan masasaktan ang tao? Tanong ko sa Panginoon, ang sabi nang isip ko, hanggat nabubuhay ka, masasaktan ka.. At masasaktan ka nang paulit ulit.
Pero pag nagmamahal ka, lahat makakalimutan mo, magiging tanga ka sa bagay na hindi naman talaga dapat, na kahit nasasaktan ka ay magmamahal ka pa din nang paulit ulit.. At paulit ulit.
Yung puso ko alam ko humihina na siya, pero pilit ko paring binubuhay, dahil kailangan! Hanggat kaya mong ilaban, ilaban mo.. Basta mahal mo ilalaban mo..
Ang pagkukulang madaling punuan yan, basta magiging matapang ka na gawin ito, pero ang manakit ka nang taong nagmamahal sayo ay ay hindi madaling gamutin..
Naalala ko nung una naming pagkikita, feeling ko ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.. Sabi ko, "ito na ang taong pinapanalangin ko."
Ang taong madaling matukso ay malayo ang loob sa Diyos, kasi kung magmamahal ka, piliin mo yung taong pag may problema sa Diyos lumalapit, hindi sa kandungan nang ibang babae o lalaki man..
YOU ARE READING
𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]
Kısa HikayeAll the contents of this book are stories of different people, stories of people with insecure stories. A short but sad story. Lalisa Luna, or better known as L, is a writer that is full of sadness. She was a sad writer, she was a lonely writer. She...