SHORT STORY: #30 UNFAITHFUL

4 0 0
                                    

SHORT STORYTITLE: UNFAITHFUL(There is some of slight rated SPG)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SHORT STORY
TITLE: UNFAITHFUL
(There is some of slight rated SPG)

Trix ang pangalan ko, may anak ako at kinakasama ngayon.. Si Leo..

No'ng una kaming magkakilala ni Leo isa akong babaeng lugmok sa buhay at tila wala nang pag-asa.

Buntis ako no'ng mga panahong 'yon, iniwanan ako ng lalaking kasama kong gumawa nito, iniwanan niya ako dahil isa siyang lalaking walang paninindigan sa buhay.

No'ng mga panahon ding 'yon nag-iisip ako na ipalaglag na lang ang bata, pero dumating si Leo para bigyan ako nang lakas ng loob na ipagpatuloy.

No'ng una niya akong makita hindi naman naging kami agad, naging matalik na magkaibigan muna kami. Ang papel niya no'ng mga panahong iyon sa buhay ko ay 'tagapagligtas ko'

"Trix, kumain ka na para maging malusog kayo ng anak mo.'

"Nako, salamat Leo ha, naging pasanin pa kami sa'yo."

"Ano ka ba trix, isipin mo na lang na pinadala ako para sagipin kayong mag-ina.."

"Paano ba kita mababayaran Leo?"

"Trix, hindi ako nanghihingi ng kapalit, buhayin mo lang ang bata, maging malusog ka, mailabas mo siyang ligtas at ligtas ka, bayad ka na"

Napakabait ni Leo, siya ang naging silbing 'Guardian Angel' ko, inalagaan niya kaming mag-ina kahit 'di namin siya kaano-ano, samantalang ang tatay nitong bata iniwan kami dahil sa kadahilanang hindi pa siya handa.

Napaka iresponsableng sagot.

Pero si Leo, hindi ko naman ka ano-ano, heto siya nagpapakaama sa anak ko at nagpapapakaasawa sa'kin..

Kahit wala naman kaming label..

Walang kami..

At hindi kami..


Dumating ang araw na nanganak ako at hindi nawala si Leo sa tabi ko, mas kinakabahan pa siya kay'sa sa'kin bagay na natatawa ako..


"Trix, tiisin mo 'yong sakit, mamaya makakaraos ka din.."

Wika niya sa akin na ni-ninerbyos, kaya hindi ko maramdaman ang sakit dahil aliw na aliw ako sa kanya.

No'ng araw na 'yon may naramdaman akong kakaiba sa sarili ko para kay Leo, kaya naisip ko kung...

𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now