𝖍𝖊𝖑𝖑𝖊𝖓𝖆

0 0 0
                                    

TITLE: HeLLena
Genre: Horror-psycho
Written by: Lira Luna

☠︎︎☠︎︎☠︎︎

ayaw kong gawin dahil gusto ko, pero gusto ko talaga, bawat pagmamakaawa nila katumbas ay ligaya sakin, parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko sa tuwing naririnig ko ang kanilang paghihirap. Sila lang naman ang mga taong iaalay ko sa...

"Ghostmonth"

"P-parang awa mo na... p-paki-usap" pagmamakaawa niya sa akin, ako? heto ako at tuwang-tuwa habang nakikita kong takot na takot siya, gusto ko pa sanang patagalin ito, pero pakiramdam ko nanginginig na ang katawan ko sa kasabikang mataga ko na ang kanyang ulo.

hmmm, ang mga paa niya, ang ganda, at ang braso niya ang sarap sa mata, sabik na ako tanggalin ang mga iyon!Natutuwa akong makita siyang gumagapang, habang puno ng pulang likido ang kanyang damit na umaagos mula sa sugat na natamo niya sa paghiwa ko sa kanyang makinis na balat sa likod. Masaya akong sinusundan ang kanyang mabagal na paggapang, at pilit na lumalaban para sa kanyang buhay na alam naman niyang sa mga oras na ito ay wala ng kwenta para ipaglaban. sa totoo lang naaawa ako sa kanya, pero kailangan kong gawin 'to hindi dahil gusto ko, pero dahil gustong gusto ko. Malapit na ang ghost month at isa siya sa mga napili kong ialay para layuan na ako ng mga multo. Bawat buhay kasi na iaalay ko ay kapalit ng kalayaan ko sa kanila at malapit ko nang makamit ang kalayaan na 'yon.

"sege, gapang ka pa hanggat kaya mo!" masigla, magiliw at masaya kong sigaw sa kanya na para bang may malaki akong premyo kapag nagawa kong patayin siya. Naririnig ko ang kanyang impit na hikbi, na tila isang napakalamig na musika sa aking pandinig.

"hmm ang sarap sa pakiramdam na para bang lumulutang ako sa alapaap." Ganyan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang hirap na hirap. Hinampas-hampas ko sa hangin ang dala kong palakol na para bang ang dali lang sa akin na buhatin ito.

Abot hanggang teynga ang ngiti ko nang makita ko'ng tila pagod na siya. Napasigaw pa siya ng apakan ko ang sakong niya. Kung lupa lang ang sahig ay marahil lumubog na ang kanyang mga daliri sa subrang sakit na nararamdaman niya.
Natawa ako, at mas diniinan ko pa ang pag apak sa sakong niya, halos kiligin ako sa mga impit niyang hikbi.

"Magpaalam ka na sa mundo, ihahatid na kita sa empyerno" wika ko sabay hiwa gamit ang palakol sa kanyang ulo na sanhi ng kanyag agarang pagkamatay. At ako? Heto ako, tuwang-tuwa sa nakikita ko, sinipa ko pa siya para siguruhing wala na itong buhay, nang ma-seguro kong patay na siya, napangiti ako saka umupo sa may bandang ulo niya, hinawakan ko ang pulang likido na bumabaybay sa sahig mula sa wasak niyang bungo. Napangiti akong dinilaan ang kamay kong may dugo niya.

"Sarap" wika ko habang nakangiti na nakatingin sa dilat niyang mata. Napailing ako ng makita kong may luha pang umaagos mula rito. Hinawakan ko ang kanyang ulo na tila ba batang nilalambing ko, habang nakamarka sa mukha ko ang kunwari kong "awa" sa kanya.

"Happy trip, sana magkita kayo ni satanas."

☠︎︎☠︎︎☠︎︎

napakadilim ng paligid, hindi niya alam kung nasaan siya, basta ang alam niya kadiliman ang namumutawi sa kwartong iyon. Wala siyang makitang kahit kapiranggot na liwanag, talagang subrang napakadilim.
Nakakarinig siya ng mga tunog ng mga insekto sa paligid, naamoy niya ang malansang amoy na para bang nabubulok na patay na mga hayop.

Ang baho, subrang napakabaho, na sa subrang baho ay halos ilabas na niya pati ang bitoka niya. Pilit niyang inaaninaw ang ang paligid pero wala siyang nakikita, kundi tanging kadiliman. "kumusta? Buhay pa ba?" naririnig niyang wika ng isang boses na pamilyar sa kanya, pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig, at saan niya nakausap. Habang nag-iisip ay biglang tumahimik ang paligid, isang nakakabinging katahimikan ang namutawi, tanging ang tunog ng mga insekto at bangaw ang naririnig niya.

𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now