A SHORT STORY #17 (Broken Vow)

4 0 0
                                    

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ

ᴛɪᴛᴛʟᴇ: 𝓑𝓻𝓸𝓴𝓮𝓷 𝓥𝓸𝔀
(Tagalog Story)

Matagal nang magkasintahan si Kyla at Dante,

Sa unang taon nang kanilang pagsasama ay masaya sila, wala silang ginagawa pag day off nila kundi ang mamasyal, kumain sa labas at mag bonding sa isat-isa.

Malambing si Dante, lahat nang gusto ni Kyla binibigay niya, ganun din naman si Kyla sa kanya, masasabi mong napaka saya nang relasyon nila.

Para kay Kyla si Dante ang lahat sa kanya, wala na siyang ibang hinahangad kundi ang makasama sa pagtanda ang kasintahan.

Lumipas pa ang mga taon na masaya ang pagsasama nila..
Kada taon may surpresa si Dante, bagay na nakasanayan ni Kyla.

Nang mag ika-sampong na taon na sila, sinubok nang tadhana ang kanilang pagsasama nang pumasok si Trista,

Kasama ni Dante si Trista sa opisinang pinapasukan, may kasintahan din ito si Carlo.

KYLA: bok, kumain ka na.. Kanina ka pa diyan nakatutok sa Cellphone mo.

DANTE: tapusin ko lang 'to bok ang usapan namin ni Alvin.. About sa work 'to.

Hindi na lang pinansin ni Kyla si Dante at nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.

Lumipas pa ang mga araw na napapansin na ni Kyla na tila wala nang panahon si Dante sa kanya, nasa Cellphone na nito ang oras niya, madalas napupuyat kaka babad sa cellphone.

KYLA: bok, si alvin parin ba ang kausap mo? Inaabot ka nang madaling araw kaka text at chat sa kanya, baka naman magkagustuhan na kayong dalawa niyan?

DANTE: pwede ba kyl? Kung matutulog ka matulog ka na.. Kung ano- ano ang iniisip mo?

Para hindi sila mag away ay pinili na lang ni Kyla ang manahimik, ayaw niyang nag aaway sila dahil lang sa mga walang kwentang bagay.

Lumipas pa ulit ang mga araw na madalas na umaalis si Dante kahit day off niya, wala na silang time ni Kyla na lumabas tulad nang nakasanayan nila..

Kapag tinanong niya kung saan ito pupunta ay nagagalit ito, may mga panahon na nag bibiruan sila madaling uminit ang ulo ni Dante, bagay na ipinagtataka ni Kyla kasi madalas nila itong ginagawa.

Minsan nakahiga na sila at nag kukwentohan nang bigla na lang lalabas si Dante, kahit alam na ni Kyla mas pinili niyang manahimik.. Dahil ayaw niyang mawala si Dante sa kanya.

𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now