A SHORT STORY
TITTLE: 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓨𝓸𝓾 𝓖𝓸𝓸𝓭𝓫𝔂𝓮
(Tagalog Story)TONI: tao po! Tao po!
(Nagbukas ang pinto at niluwal ang isang makisig na binata.)
TONI: Hi Josh, k-kumusta ka? (Matamis na ngiti)
JOSH: oh Toni, ginulat mo naman ako, kaaga-aga, (nahihiya dahil nakatapis pa) ang aga mo ata?
Sasagot na sana si Toni nang lumabas ang nanay ni Josh.
NANAY TINA: oh aba Toni? Ang aga mo naman ineng manligaw? Chinese ka ba?
Natawa si Toni sa biro ni aling Tina samantalang si Josh nagkakamot nang ulo.
TONI: (Natatawa) ay hindi po, nako ito namang si aling tina oo ang aga-aga nagbibiro, hehe (kamot) hindi ho ako nanliligaw, sinusundo ko lang ireng si josh at baka ho mahuli nanaman sa klase, abeh exam po namin ngayon.
ALING TINA: ay ganun ba? (Tingin kay Josh) abeh, Joselito ikaw ay magdali dali na't exam pala ninyo.. Kooohhh pohhh ring batang ere saksakan nang bagal eh, dinaig pa ang babae.
Nagkamot kamot si Josh nang ulo samantalang si Toni ay tatawa nang tawa.
JOSH: hooo inay, tantanan mo ako diyan sa Joselito, hindi naman ako ang amang Jose at tatawagin mo akong ganun.
ALING TINA: abeh mag rereklamo ka pa? Kamukhang kamukha mo ang iyong ama kaya gay-on..
Natatawa na lang si Toni sa asaran nang mag ina..
Highschool Student sila Toni at Josh sa mataas na paaralan sa bayan nila, parihong tubong bulacan ang dalawa at matagal na silang mag kaibigan.
ROEL: aling Tina! Andiyan pa po ba si Josh?
ALING TINA: abeh oo! Andine pa, abeh Roel kaylan ba yan nauna sa skwelahan? Abeh kung mangyari yun magkataon pang magpapakain ako sa baranggay!
Natawang papalapit si Roel kay aling tina, Si Roel ay ang matalik na kaibigan ni Josh.
Pagkapasok niya, naabutan niya si Toni na nakaupo sa sala.
ROEL: abeh aling Tina, bakit hindi nyo sinabi na may bisita kayo?
Napalingon naman si Toni kay Roel na blanko ang ekspresyon sa mukha.
YOU ARE READING
𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]
Kısa HikayeAll the contents of this book are stories of different people, stories of people with insecure stories. A short but sad story. Lalisa Luna, or better known as L, is a writer that is full of sadness. She was a sad writer, she was a lonely writer. She...