𝙾𝙽𝙴𝚂𝙷𝙾𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈

4 0 0
                                    

Oɴᴇ sʜᴏᴛ sᴛᴏʀʏ ᵖʳᵉˢᵉⁿᵗˢ
"𝙰𝙽𝙶 𝙸𝙱𝙰𝚃-𝙸𝙱𝙰 𝙺𝙾𝙽𝙶 𝙺𝙰𝚃𝙰𝚄𝙷𝙰𝙽 𝚂𝙰 𝙻𝙸𝙺𝙾𝙳 𝙽𝙶 𝙼𝙰𝚂𝙺𝙰𝚁𝙰"

✍︎✍︎✍︎

baliw ako..

'yan ang sabi nila, pero ang totoo wala silang alam kung ano ang totoo, hindi naman talaga ako baliw, hindi rin ako nawawala sa katinuan..

ang totoo..

"May pagkakataong hindi ko rin kilala ang sarili ko kung sino ako"

Ang alam ko lang, madaming maskara ang nakakubli sa totoo kung pagkatao..

pero hindi ako baliw, maniwala ka, maniwala kayo..

Madami lang akong katauhan sa likod ng maskara..

Oo nga pala, ako si Nara..

ang babaeng madaming mukha..

☟︎︎︎☟︎︎︎☟︎︎︎

"Nara anak, kunin mo nga yung mga pangsahog sa niluluto ko!!"

sigaw ng kanyang ina mula sa kusina, kasalukuyan siyang nakaupo sa sala, gabi na noon at sila lamang dalawa sa bahay nila dahil may trabaho ang kanyang ama.

"opo Nay"

wika niyang sabay abot ng inutos ng kanyang ina, nagpasalamat naman ito sa kanya, at bumalik siya sa sala.

habang nakaupo siya ay tila ba may naririnig siyang kaluskos mula sa kusina, pero hindi na lang niya iyon pinansin, nagpatuloy siya sa panunood ng paborito niyang palabas.

Habang nasa kalagitnaan siya ng panunood, ay bigla na lamang sumigaw ang kanyang ina, kaya napabalikwas siya sa kinauupuan niya.

"Nara!!! Anak!!! Takbo!!!"

Iyon na lamang ang narinig niya sa kanyang ina, agad siyang tumayo dahil pakiramdam niya ay papunta na sa kanya ang kung sino mang nasa kusina. Taranta siyang nagtungo sa pinto para sana lumabas pero nakita niya mula sa kinatatayuan ang dugua'ng ina na nakahandusay sa sahig ng kusina.

"Innnnnnnnnaaaaaayyyyy!!!!!"

malakas niya'ng sigaw ng makita ang ina na dilat ang matang nakatitig sa kanya. Sa halip na lumabas ay tumakbo siya papunta sa ina, ni hindi na niya naalalang may tao sa loob.

Agad siyang dumulog sa nakahandusay na ina at halos himatayin siya sa nakitang bangkay nito, umiiyak siyang walang boses dahil hindi niya maiintindihan kung ano ang pwede niyang maramdaman.

"Inaaaaaa!!!!"

Sa wakas ay bulalas niya, nagpalinga-linga pa siya sa paligid habang hinahanap kung sino ang pumatay sa ina, halos impit ang iyak niya habang yakap-yakap ang bangkay nito.

"inaaaaa!!! Saklolo!!! Saklolo tulungan nyo kami!!!! Inaaaaa!!! Gumising ka.. gumising ka pakiusap!!!"

Nang marinig ng kapitbahay ang pagsisigaw ni Nara ay agad silang dumulog sa tahanan ng pamilya, at halos magulantang sila sa nakitang bangkay ni Aling naning ang ina ni Nara.

𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now