A SHORT STORY #3 (Paalam na)

11 0 0
                                    

𝙰 𝚂𝚑𝚘𝚛𝚝 𝚂𝚝𝚘𝚛𝚢

𝚃𝚒𝚝𝚝𝚕𝚎 : 𝓟𝓪𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓷𝓪
(Tagalog story)

SARAH:  Binigyan na kita ng isang pagkakataon, pero heto Lex,  umulit ka nanaman? Gusto kong mahalin ka pa, gusto kong manatili pa, (iling) pero Lex winasak mo na ako.. Winasak mo na ako.

LEX: Babe isa pang pagkakataon.. Please..

SARAH: Tapos ano? Uulit ka ulit? Naalala mo ba Lex kung paano mo ako sinaktan?

***FLASHBACK***


SARAH: Babe, sino ba 'yang ka text mo at mukhang masaya ka?

LEX: pag nakangiti Sarah may ka text agad? Alam mo ikaw ang dumi nang isip mo! Pambihira ka.

SARAH: (Nagulat) saan ang madumi ang isip do'n Lex? Nagtatanong lang naman ako kung bakit masaya ka?

LEX: Kasi iniisip mo may ka-text akong iba, alam ko na 'yang isip mo.

SARAH: Eh ba't ka ba Lex nagagalit?

LEX: Diyan ka na nga. Bweset! Badtrip mo ko.

Nagagalit ka, kapag nagtatanong lang ako,  'di ka naman ganyan dati, ibang-iba ka na ngayon.  noon pag-uwi mo galing trabaho, ilalapag mo lang ang cp mo na wala ka nang pakialam, pero ngayon halos ayaw mo nang bitawan, kahit saan ka magpunta sa apat na sulok ng bahay natin dala-dala mo 'yang cp mo, kahit mag-ccr ka lang.

Pero Lex alam ko naman kung sino ang ka text mo, hindi ako bulag.. Pero pinilit ko na huwag nang magtanong kasi nagagalit ka, dumating na ako sa point nang buhay ko na ang lungkot lungkot ko na, minsan naisip ko na lang na pag matulog ako 'di na ako magising pa. Siya ang lagi mong ka-text alam ko, hindi mo napapansin na binabalewala mo na ako.

Isang araw, nakita ko ang phone mo na nagtext siya, pero binura mo, 'di ako nagtanong ng bakit kasi alam ko magagalit ka..

Pagod na ako Lex na araw-araw hina-hunting ako ng lungkot at takot, pagod na rin ako kakaisip.  Alam mo ba sa isip ko gusto ko patayin 'yang babaeng 'yan? Pero hanggang isip lang ako.. Dahil hindi naman ako gano'ng tao.. Naalala mo pano ka nagalit sa'kin dahil hinawakan ko ang phone mo?

LEX: Tang ina Sarah! Eh ba't ka ba nangingialam? Respect my privacy Sarah! Sa relasyon natin itong personal kong gamit na lang ang privacy ko!

SARAH: Ba't ka ba nagagalit Lex? Ibibigay ko nga sana sa'yo dahil tumunog.

LEX: Palusot ka pa? Babasahin mo lang.

SARAH: Gago! Kahit 'di ko na basahin 'yan alam ko naman kung sino 'yang ka-text mo! Hindi lang ako umiimik alang-alang sa relasyon natin! Kunwari wala akong alam! Pero alam ko! (Alis)

***End of flashback***

SARAH: Dahil sa kanya Lex, halos isumpa mo ako, (ngiti) 'di ba Lex ito naman ang gusto n'yo? Ang mawala na ako para matupad n'yo na ang mga gusto n'yo?

LEX: Love,  h-hindi totoo 'yan..

SARAH: 'wag Lex,  'wag kang maawa sa akin,  okey lang ako.. (Ngiti) naalala ko no'ng isang gabi nag-iisip ako paano ko kakausapin ang babae mo,  sabi ko sa isip ko, bago ka maging kanya,  isa muna ang mamatay sa aming dalawa, kung hindi siya,  ay ako.

(Napatingin si Lex kay Sarah,  naupo si Sarah at napangiti nang may pait)

SARAH: Kung ako ang mamatay,  isinisumpa kong may isasama akong mahalaga sa buhay niya at 'di ako titigil hanggat 'di ko nakukuha, 'yon ang ganti ko sa sama nang loob na binigay n'yo... (Ngiti) pero sa isip ko lang 'yon, do'n lang naman ako matapang, sa isip ko..

(Napatayo siya at tumalikod, ayaw niyang makita ni Lex ang pait na nararamdaman niya)

SARAH: Paalam na Lex,  masakit para sa akin ang gawin 'to kasi mahal kita, pero hindi na ikaw ang dating Alex na minahal ko, binago ka niya, (ngiti) seguro Lex hindi na ako sapat para sa'yo, ayaw ko naman na magsama pa tayo na hindi ka na masaya.. Na 'yong mga ngiti mo hindi na ako ang dahilan.

LEX: Love.. Please..

SARAH: Lex, kung hindi lang din naman ikaw ano pa ang silbi ng buhay ko, mamatay man ako ngayon, tanggap ko na, kasi no'ng mga araw na wala ka nang pagmamahal sa'kin ay kamatayan na 'yon para sa akin..
Maging masaya ka Lex, maging maligaya ka sa buhay mo. Huwag mo akong gagayahin na puno ng lungkot ang buhay ko.

Umalis ako nang hindi na nililingon si Alex, kahit anong pigil niya ay hindi na ako nagpapapigil pa. Tama na seguro ang anim na taong minahal ko siya, tama na rin seguro ang mga araw na nagtiis ako sa sakit na dulot nila.

Habang naglalakad ako nakita ko ang babaeng sumira sa relasyon naming dalawa, kasama ang asawa at dalawang anak nito. Masaya silang namamasyal.

Nang makita ko siya ay biglang nabuhay ang galit sa puso ko, kaya walang dalawang sabing sinugod ko siya at hinila ang bubok niya na ikinagulat ng asawa niya.

ROEL: S-Sarah.. Ano ang ginagawa mo!

Pagtulak sa akin ni Roel habang pinoprotektahan niya ang kanyang haliparot na asawa.

KRISTY: Ano ba ang problema mo!

SARAH: Gaano ba ka kati 'yang sa'yo at kailangan mo pang manuhog ng dalawang lalaki? Subrang kati na ba? Hindi na ba kayang kamotin nang tanga mong asawa!

Galit pa akonh nilongon ni Roel, dahil sa sinabi ko, nginitian ko si Roel nang nakakaloko na tila ba sinasabi ko sa kanyang totoo ang sinabi kong tanga siya.

SARAH: So wala kang alam?

KRISTY: Sarah tama na, ano ba ang ginawa ko at sisiraan mo pa ako!

Matapang ko siyang nilingon na kanya namang ikinagulat, habang ako nais ko na siyang kalbuhin sa sakit na dulot niya sa buhay ko.

SARAH: Higad, tinatanong mo pa kung ano ang ginawa mo sa'kin? Hindi mo maalala kung paano mo sinira ang relasyon namin ng asawa ko!

Nang sabihin ko yun ay napatingin si Roel sa kanya, na tila ba nagtatanong kung ano ang aking sinasabi.

SARAH: Kung malungkot ang buhay mo o may problema kayo ng asawa mo, pag-usapan ninyo! Hindi 'yong magpapa-comfort ka sa asawa ng iba!

Ang kapal ng pagmumukha mo! Tao kitang tinanggap sa bahay ko! Pinakain! Inasikaso! 'yon pala ikaw, iba inaasikaso mo! o baka naman kinain mo na ang asawa ko o nagpakain ka na sa asawa ko!

Halos hindi magkandaugaga si Kristy sa sinabi ko, kinokompronta na siya ni Roel.

SARAH: Hindi ka na nahiya? May anak ka na sa iba't-ibang lalaki dadagdag ka pa? Ano 'yon collection? Ang mga katulad mong anay at higad dapat pinaparusahan. 

Aalis na sana ako pero binalikan ko siya at muling sinampal, nagulat naman siya sa ginawa ko.

SARAH: Higad, pakalat-kalat ka.

Wika ko at sabay alis na hindi ko na sila nilingon pa.

-Wakas


𝙻'𝚜 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙰𝙱𝙾𝚄𝚃 𝓨𝓸𝓾 & 𝓜𝓮 [Jeje Era]Where stories live. Discover now