Chapter 3

11.4K 292 47
                                    

"Nakakailan na 'yang labing limang piso mo, a?!"

Kanina pa ako palakad-lakad sa silid aralan upang manghingi ng pera sa mga kaklase ko bilang Treasurer ng klase. Kailangan namin mag-ambagan upang makabili ng costumes na gagamitin namin sa dadating na Buwan ng Wika.

"Wala nga talaga akong perang bitbit ngayon!" palusot pa ng babae. Pati ang mga daliri sa mga kamay ko ay hindi na nabibilang kung ilang beses ko na narinig 'yon galing sa kaniya!

"Jiji!" Nagdadabog akong naglakad patungo sa gawi ni Kenji. "Bakit mo ba kasi ako binotong Treasurer?! I like super-duper hate this job!"

"That's why I'm helping you out," natatawang sagot niya. Pinasok niya ang pera na nakulekta niya sa loob ng box na hawak ko bago lumapit sa babaeng hiningan ko kanina. "Excuse me... Do you have spare money for the event?"

"Hindi ka niyan papansinin," anas ko. "Last week niya pa ako iniisahan e."

Agad na kinapa ng babae ang bulsa at nilahad kay Kenji ang pera na ilang beses niyang tinanggi sa akin. Sa palagay ko ay lalabas na ang mga mata ko dahil sa paglaki nito. Pumipili pa ng taong manghihingi, e, pareho lang naman ang lugar kung saan babagsak ang pera! Hindi 'to makatarungan!

Binigyan siya ng maliit na ngiti ni Kenji. "Thank you."

Nawindang pa rin ako kaya hindi ako nakaimik. Pinasok niya ang perang nakuha sa loob ng box, bago nagpatuloy na umikot upang manghingi ng pera. "Escort ka nga," bulong ko sa sarili.

Punong-puno ng iba't ibang national designs ang paaralan namin ngayong Buwan ng Wika. Sinigurado rin ni Sir na pati kami ay may maiaambag sa pamamagitan ng paglagay ng design sa sarili naming silid aralan. Ang mga officers na ang gumawa ng mga watawat at kami ang nagdikit ng mga iyon sa labas at loob ng classroom.

"Sa baba tayo magpa-practice ng sayaw natin para sa Buwan ng Wika," anunsyo ni Lara.

Tumakbo ako sa tabi ni Kenji. Sinundan namin ang mga officers papunta sa bahagi ng school kung saan nakalugar ang mga court. Puno ang buong palapag dahil hindi lamang kami ang nagplaplanong mag-practice.

Huminto kami sa puwestong na puno ng isa pang pangkat. Kakatapos lang yata nila dahil inaayos na nila ang mga gamit nila at and iba'y lumalabas na. Saglit lamang ay pumasok na kami sa loob kaya pumunta muna ako sa gilid upang punasan ang pawis ko. Umalis muna si Kenji dahil tinawag siya ng mga officers.

"Asul!" si Kye na tumakbo papunta sa akin. Bahagi pala siya ng pangkat na ito. "Mag-prapractice din kayo?"

"Oo... Mabuti nga tapos na kayo kundi aakyat ulit kami sa taas," tugon ko. Natawa ako nang mapansin ang katawan niyang lunod na lunod sa pawis. "Nakulangan ka yata sa practice."

"Sinabi mo pa!" Agad na nag-init ang ulo niya sabay halukipkip. "Suko na ako sa mga batang 'to! Ako na nga ang gumagawa ng sayaw at nagtuturo, tapos ang huli ay puro lamang reklamo ang nakukuha ko pabalik!"

Bahagyang tumaas ang mga kilay ko sabay ngisi. "President ka?"

"Vice."

Tumaas ang kilay ko. "Sino ang President niyo?"

"Kye..." May lalaking nag-jog papunta sa amin. Nakasuot siya ng berdeng jacket at naka-bun ang mahaba niyang buhok. "Okay na tayo sa intro. May naisip na akong steps para sa chorus."

"Pag-usapan natin mamaya," tumangong sagot ni Kye. "Alalahanin mo, a. Baka makalimutan mo na naman kasi."

"Blue, the officers are calling for you." Naglakad papunta sa amin si Kenji bago tumabi sa akin. Lumipad ang tingin niya sa dalawa, at agad na lumiwanag ang mga mata niya. "Isa?"

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon