Chapter 13

6.9K 183 37
                                    

Kumirot ang puso ko nang magising sa susunod na araw. Tinitigan ko ang sinag-araw, at tila kalungkutan lamang ang sumaklob sa dibdib ko. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko upang hawakan ang pisngi kung saan nilapag ni Kenji ang kamay sa panaginip.

I like you.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang inaalala ang matatamis na salita na hindi ko kailanman maririnig sa totoong buhay. Kung alam ko lamang noon na ganito ang pakiramdam ng magkaroon ng magkagusto sa taong hindi ka gusto, hindi na ako tumapak una pa lamang.

Mas nauunang magising si Min-min sa akin kaya pagbagon ko ay naliligo na siya. Sinindi ko ang kalan at nagluto para sa baon namin mamaya. Pumako ang paningin ko sa sala habang nililigpit ang pagkain. Babalik ulit siya rito upang mag-aral. Hindi niya na kailangang ibalik ang nararamdaman ko... Ang makasama siya muli ay sapat na sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko nang masulyapan ang lalaking dumadalaw sa isipan ko gabi-gabi pagpasok ng classroom. Kaming dalawa pa lamang ang nandito. Hindi ko na magawang masanay sa presensya niya simula nang tumibok ang puso ko para sa kaniya. Bungtong-hininga akong lumapit at umupo bago nilabas ang mga reviewers ko upang makapag-aral.

"Have you thought about it?" imik niya.

Hindi ko tinanggal ang mga mata sa binabasa na tila sinusubukang hindi magpaapekto sa boses niya at umimik, "Ano?"

"Going on a date with me."

Suminghap ako, at sunod-sunod na lumabas ang ubo mula sa sikmura ko. Hinawakan ko ang dibdib upang guminhawa, at itinaas ang kamay ko sa direksyon niya nang tumayo siya upang matulungan ko. Baka tuluyan na akong mawalan ng malay kapag lumapit pa siya sa akin.

Nawiwindang pa rin ako at pakiramdam'y nawawala na sa sarili sa matinding pagpintig ng puso. Hindi ko alam kung nagkamali ba ako ng rinig, o niyayaya niya talaga akong makipag-date katulad ng nangyari sa panaginip ko. Pumikit pa ako ng ilang beses upang siguraduhing gising ako.

"A-ano?!" nauutal na bulalas ko.

"You didn't really give me a response last night..." Sinabayan niya ito ng pagkamot sa batok. "You don't have to agree, I'm not forcing you or anything."

Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinalungkat ang alaala ukol sa nangyari kagabi ngunit bumabalik ito sa panaginip ko. Ngayon na naiisip ko na, hindi ko alam kung paano siya umuwi. Ang ibig sabihin ba noon ay bagkus panaginip iyon, totoo talagang nangyari?

"T-totoo ba?" kagat-labi kong tanong. Ayaw ko nang ninlangin ang sarili ko. Tinatanggap ko na namang hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi puwedeng bubusugin ko ang sarili sa pag-asang hindi naman totoo, at mas sisirain pa ako.

"Blue..." Lumambot ang boses niya. "I want to go on a date with you because I like you. I want to get to know you better... not in a friendly way this time."

"Gusto kong maniwala sa'yo, Kenji," nanghihinang wika ko. "Paano si Eryn? Ilang araw pa lamang kayong naghiwalay. Hindi naman puwedeng mawala agad ang nararamdaman mo para sa kaniya."

Hindi ko maintindihan kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Tila sa sobrang daming mga pangyayari ay hindi ko na alam kung ano ba dapat ang paniwalaan ko. Ang tanging alam ko lamang ay gusto ko siya, ngunit hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi niya sa akin o pawang lilipas din sa kasalakuyan.

"We weren't real," mahinang tugon niya. "We got together temporarily so our dating rumors would fade out. I didn't want you to get hurt."

"B-bakit hindi ako ang nilapitan mo?" Sumikip ang lalamunan ko, at dagdag, "Bakit hindi ako ang pinili mo?"

Kinuha ko ang bag ko at tumayo nang marinig na pumapasok na ang mga kaklase namin. Pinunasan ko ang luhang nangingilid sa mga mata ko bago bumaba at lumabas ng eskwelahan. Hindi ko na tingnan ang dinadaanan at sinundan na lamang kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Nakatuon lamang ang isip ko kay Kenji.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon