Chapter 22

5.8K 160 33
                                    

"Congratulations everyone! Woo!"

Nasa restaurant kami ngayon ng team ko bilang celebration sa pagtatapos ng malaking proyektong ilang buwan naming pinagtrabahuhan. Na-finalize na namin ang mga damit kahapon, at dahil nagpapasalamat ako sa tulong nila ay ako na ang sumagot ng pakain!

Noong nakaraang linggo lang din ang huling practice namin para sa sayaw, at sa susunod na linggo naman ay rehearsal na sa set. Kaunti na lamang ay matatapos na rin ang paghihirap, at magagawa ko nang makapagpahinga!

"Hindi pa rin ako makapaniwalang gumawa ako ng damit para kay Kenji," banggit ni Casey, isang ka-trabaho ko.

Tumango si Ela. "Ako rin! Sayang hindi natin siya nakita, ano?"

"Sino kaya ang partner niya?" tanong ni Casey, at agad na humaba ang usapan nila roon. Napukaw din ang atensyon ko dahil ako ang pinag-uusapan nila na wala sa kaalaman nila. "Girlfriend niya kaya?"

"Puwede rin," sabat ko.

"E, hindi ba ikaw 'yong sumukat sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Ela.

Lahat sila ay mausisang tumitig sa akin na tila nanghihingi ng balita. Tumanggi ako, at agad silang umangal. Hindi naman talaga ako ang sumukat sa kaniya dahil umayaw ako. Nag-away kasi kami no'ng araw na 'yon!

Si Kenji lamang ang laman ng bibig nila hanggang sa natapos na ang araw. Natuwa rin ako dahil siya rin ang nais kong mapag-usapan, ngunit sinigurado kong maging maingat dahil maaring mahuli kaming dalawa. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa matapos ng ilang oras dahil mayroon pa kaming trabaho bukas.

Naligo ako agad pag-uwi at humilata na sa kama pagkatapos. Sinubukan kong matulong, ngunit tila nimumulto ako ni Kenji dahil ang mukha niya lamang ang nakikita ko habang nakapikit. Hindi na muli kami nagkita pagkatapos ng practice. Wala rin kaming komunikasyon sa isa't isa. Ang tagal kasing tanungin 'yong number ko!

Agad na umilaw ang mga mata ko nang makaisip ng solusyon. Binuksan ko ang contacts at agad na binuksan ang pangalan ni Justin. Tinawagan ko siya at sa kaniya hiningi ang number ni Kenji.

Malamig ang hanging umaaligid sa kwarto, ngunit pakiramdam ko ay namamawis na ako habang nakatingin sa contact na binigay ni Justin. Pinisil ko ang labi sa isa't isa habang nakatitig sa dial button. Agad kong sinuklob ang phone ko sa ilalim ng unan nang mapindot ko na ito na tila hindi ko kayang makita. Kinakabahan ako!

Napatalon ang puso ko dahil sa malakas na ring na nagmula sa phone ko na tandang tinatawagan ko na siya. Nakapako ang tingin ko sa unan na ginamit ko upang takpan ang phone habang inaantabayanang sumagot si Kenji. Ngumuso ako nang mapagtantong hindi niya ito sinagot kaya ni-ring ko muli ang number niya bago itago muli ito sa ilalim ng unan.

"Hello?" Napahabol ako ng hininga nang marinig ang boses niya na ilang araw ko nang iniibig na marinig. "Who's this?"

Nagmamadali kong kinuha ang phone ko bago nilagay ito sa tainga ko upang mas marinig siya ng malinaw. "Hulaan mo," imik ko.

"Blue?" bighaning tanong niya. "How did you get my number?"

"Huh?!" Tumaas ang boses ko sa gulat. "Paano mo nalaman?!"

"I know your voice."

Napahagikgik ako. Agad na nawala ang antok ko at guminhawa ang isip ko. Hindi ko alam kung ilang araw pa ang makakayanan ko ng hindi siya nakakausap! Minsan na nga lang umuwi 'yon!

"Pa-fall ka na naman!" nakangising sagot ko. "O, bakit gising ka pa?"

"I'm in the studio right now," sagot niya at tila mayroong ginagawa dahil magalaw ang audio niya. "Writing songs for the upcoming album."

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon