Chapter 27

3.6K 73 8
                                    

"Is there something I should know?" Nangunguna ang mga nagwawalang mga boses sa isip ko sa puntong hindi ko narinig si Kenji unang beses niya akong tinawag. Hindi ako makaisip ng maayos sa kung ano ang maari kong gawin dahil sa pangangamba. "Blue!"

Bumaling ako kay Kenji nang mapansin ang pagtaas boses niya. Nakalunod ako sa sarili kong isip na lumabo ang pandinig ko sa kapaligiran kaya ngayon ko lang siya nabigyan ng pansin. "B-bakit?"

Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya at nilagay ito sa mga kamay ko. Hindi ko siya matignan ng maayos dahil nagpapakita muli sa akin ang nakakakilabot na imahe ng katawan niya mula sa pangitain ko kanina. Nagdudugo... Walang buhay.

"Is there something I should know?" madiing tanong niya.

Higit pa sa dalawamput na taon ang lumipas simula noong huling nagsimula ang sumpa kong ito. Ang totoo niyan ay... wala akong ka-alam-alam tungkol dito. Ni hindi ko nga alam na mayroon pala akong sumpa hanggang sa dumating na lang ang araw na naging biktima si Mama nito. Hindi ko alam paano ito nagsimula, kung saan ito nanggaling, at kung mayroon bang lunas ito.

"Kailangan... Kailangan nating pumunta kay Papa..." wika ko. "Baka alam niya ang gagawin."

Kaming dalawa lamang ni Papa ang nakakaalam tungkol sa sumpa ko. Wala na siyang binigay pang dagdag na impormasyon maliban sa huwag ko itong pagaganahin at ilayo ko ang sarili ko sa maaring makapapahamak ng layunin ko. Nasunod ko 'yon ng ilang mga taon, ngunit hindi ko ito napanghawakan ng matagal.

Humigpit ang hawak ni Kenji sa manibela. Nararamdaman ko ang nag-iinit niyang titig sa akin. "I asked you a question."

"Kenji, please..." Napabungtong-hininga ako. Nauubos ang bawat segundo ng oras naming magkasama bunga ng pag-iikot namin kung saan-saan. Kailangan na naming puntahan si Papa upang malaman kung paano ito sulusyonan. "Wala na tayong oras..."

Hindi sumusunod ang sumpa ko sa tadhana. Sa oras na ito'y magsimula—kahit na hindi pa oras ng mga taong nakahawak ko—ipipilit nitong maghanap ng paraan upang mamatay sa loob ng isang araw ang taong naapektuhan. Noon ay wala akong nagawa rito, ngunit ngayon ay bago na ang takbo ng pangyayari. Kilala ko na ang galaw ng sumpa... Puwede ko na itong mapigilan.

Saglit siyang tumahimik. "What do you suppose I do then? To turn a blind eye to all of this? Just follow you around not knowing where we're going?"

Naramdaman kong nabasag muli ang puso na matagal kong sinubukang buohin. Nawala ang progreso naming dalawang pinaghirapang paunlarin. Lahat ng ito sa loob lamang ng isang gabi.

"May sumpa ako, Kenji!" Kinagat ko ang ibaba kong labi sabay punas sa luhang pumatak mula sa mata ko. "Kaya ako umiiwas makipaghawak sa mga tao noon pa lamang! Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang iwasan 'to pero... ito na naman!"

"Then tell me about it, Blue," sagot niya. "I won't let you fight this alone."

Hinintay niya akong magpaliwanag pa tungkol sa sumpa ko ngunit hindi na ako umimik. Hindi ko na alam kung paano ako tutuloy pagkatapos no'n. Sinubukan kong magsalita ngunit pinipigilan ako ng sarili kong takot. "Hindi na... Ayokong madamay ka pa."

"You act like I wouldn't catch a bullet for you, Blue," nanghihinayang na tugon niya. "But I think I have proven that many times."

"Please, Kenji," pagmamakaawa ko. Kinulekta ko na ang natitirang lakas sa katawan ko upang tignan siya. Ayoko nang mag-aksaya pa ng oras. "Sundin mo na lang ang sasabihin ko."

Napabungtong-hininga siya nang marinig ang wika ko. Nababasa ko sa katawan niyang gusto niya pang ipilit ang usapan, ngunit pinigilan niya ang sarili niya at sinimulan ang kotse.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon