Chapter 18

6K 172 36
                                    

"Wow, these are amazing."

Abot tainga ang ngiti ko nang marinig ang magagandang puna ng mga clients na bumalik dito sa kumpanya matapos ng isang linggo para tingnan ang nagawa kong designs.

Simple lang naman ang ginawa ko. Naisipan kong gumawa ng isang elegant, deep-blue, high-waisted latin dance mini dress na may kasamang mga rhinestones para sa babae, habang sa lalaki naman ay isang deep-blue tail suit with paired trousers.

"Me and my team will start as soon as we get the measurements. Thank you for your patience," ang huling sinabi ko bago tapusin ang meeting.

Kinontact ko agad ang kumpanya ayon sa mga tela at iba pang mga materyales na kailangan para sa mga designs. In-email ko na rin ang team ko para ipa-alam sa kanina. Buong linggo kaming nagtulungan sa sketches, at nag-brainstorm ng ideas para sa designs.

Pinasok ko na ang mga documents sa loob ng folder bago bitbitin ang bag ko at dumiretso sa parking upang makauwi na. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon nang bigla itong mag-vibrate na tandang mayroong notification.

Justin: Measurements bukas! Bawal absent!

Agad na tumiklop ang noo ko nang mabasa ang message galing kay Justin. Bukas din kukunin ang measurements ng mga clients ko. Magkapareho rin itong ginagawa para sa isang music video, 'saka para sa ballet dance rin ang dinesign ko para sa babae at lalaki.

"Waist..."

Diretso akong nakatayo habang sinusukat ako. Sa fashion industry ako nagtratrabaho kaya alam ko na ang kailangang gawin tuwing sinusukatan. Tumayo ng matuwid, huwag maging magalaw, at ang pinakamahalaga ay ang sundin kung ano ang ang mga tagubilin nila.

"Please fix your posture," ika ng nagsusukat kay Kenji. Saglit lamang niya 'yon nasunod at maya-maya'y nahulog muli ang likod nito. Mabuti na lamang ay baguhan ang team na pinadala ngayon at hindi nila ako namumukhaan.

Pinanood ko si Kenji sa gilid ng mata ko habang nakatilop ang noo. Nagtratrabaho siya sa music industry, at malaki ang pangalan niya. Palagi siyang nagpapakita sa mga magazines, photoshoots, at iba pang media works. Ang mga ganito ay dapat kilala niya nang tila sarili niyang palad.

Mas lalo akong nag-alala. Sa sobrang lala ng kondisyon niya ay hindi niya magawang makatayo ng maayos ng kahit saglit lamang.

Nag-paalam siya sa nagsusukat upang uminom ng gamot. Tiningnan niya ang smart watch, at hinalungkat ito. "Sorry, can we do this another time? I have a doctor's appointment," saad niya.

Pinanood ko siyang suotin ang bag niya bago lumabas ng pintuan. Hawah-hawak niya ang ulo katulad ng palagi niyang ginagawa. Ako lamang ang naiwan na sinusukatan, at nang matapos ay umuwi na ako upang ma-asikaso ang trabaho.

Humiga ako sa kama nang matapos sa ginagawa at tumitig sa kisame habang iniisip si Kenji. Binuksan ko ang laptop ko at nag-search tungkol sa kalagayan niya dahil hindi matahimik ang isip ko. Doctor's appointment? Anong nangyayari sa'yong bwisit ka?

Npahinto muna ako sa ginagawa ko nang mayroong nag-notify na email sa gilid ng screen. Kanina pa ito na-deliver, ngunit ngayon ko lamang nakita. Dinulas ko ang daliri roon, at pinindot upang mabasa.

'Good evening. We regret to inform you that our male wearer was unable to get measured last time. He will arrive at the Velez headquarters tomorrow, 12 PM, for you to measure him yourself.'

Peke akong ngumiti sa sarili sa nabasa. Nadagdagan pa ako ng trabaho dahil hindi nasukatan 'yong lalaki! Huminga ako ng malalim upang huminahon. Ako naman ang naglagay sa saril sa sitwasyong ito. Wala akong ibang sisishin, kundi ang sarili.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon