Chapter 25

6.2K 119 50
                                    

Ang kauna-unahang ginagawa ko tuwing nagigising ay pinapanood ang mukha ni Kenji. Mas nauuna akong gumising sa kaniya dahil palagi siyang nagpupuyat, lalong-lalo na ngayon na nagtatayo na siya ng sarili niyang kumpanya at finafinalize ang album.

Hindi ko siya nakita pagbangon, at narinig na lamang ang kuwerdas ng gitara mula sa sala. Naghilamos ako at nagmumog bago lumabas ng kwarto. Natanaw ko siyang nakaupo sa sofa at tumutugtog sa sarili niya. Hindi ko muna siya pinuntahan, at dumiretso sa kusina upang timplahan kami ng kape.

"Ang aga pa, a!" wika ko. Binaba ko ang dalawang basong kape sa lamesa bago umupo sa gilid niya. "Bakit ang aga mong nagising?"

"I'm practicing," sagot niya. Nilapag muna niya ang gitara sa gilid upang inumin ang tinimplang kape. "Sorry if I woke you up with all the sounds. I tried to be as quiet as possible."

"Nagising na ako bago ko pa narinig," tugon ko. "Ano ang pinapractice mo? Kanina ka pa ba?"

"The organization just sent me an email yesterday night confirming that I will be performing for tonight's music festival," sambit niya. Kumamot siya sa likod ng leeg niya sabay dagdag, "It's my fault that it was late. The label declined their offer last time because they thought the event was too small for me."

Nasamid ako sa iniinom, at agad itong nilapag muli sa lamesa. Nagnining-ning ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Naramdaman kong gumulong-gulong ang sikmura ko sa kasiyahan. "Magpeperform ka sa date natin?!" bulalas ko.

Tumango siya bilang sagot. Bumuo rin ang ngiti niya nang makita ang reaksyon ko. "That's why I have been practicing since sunrise. It's been a while since I performed too."

"First time akong makaka-attend sa concert mo!" nasasabik na wika ko. Nawala ang bigat ng mga mata ko, at tila gising na gising na ako ngayon. Naka-attend na ako sa concert niya dati, ngunit labag sa loob ko at agad din akong umalis kaya hindi 'yon counted. "Excited na ako!"

"That makes me even nervous." Sinabayan niya ito ng nangangambang tawa.

"Dapat talagang kabahan ka," mapanlarong tugon ko. "Muse mo ang mismong manonood sa'yo."

Nagpatuloy siya sa pag-prapractice habang ako naman ay nagluto ng tanghalian para sa aming dalawa. Nag-ayos na rin kami pagkatapos kumain upang pumunta sa festival. Kailangan naming maging maaga dahil mag-rerehearse pa siya, at mag-sosound check.

"Does it fit me?" si Kenji na naglakad sa gilid ko upang tingnan ang sarili niya sa salamin. Suot niya na ang asul na printed t-shirt na binili ko para sa kaniya.

"Alam mo, Kenji..." Marahan kong pinunas ang brush sa mukha ko. "Kahit ano ang suotin mo, mas bagay pa rin ako sa'yo."

Sineset up pa lamang ang event nang makarating kami. Ilang oras pa itong magsisimula, at tinatayo pa lamang ang mga food stalls. Sinundan ko si Kenji paakyat ng backstage kung saan niya binati ang mga organizers.

Abot tainga ang ngiti ko nang magsimula na siyang mag-rehearse. Hindi nawawala ang pagmamahal niya sa musika sa kabila ng mahirap na pagsubok na kailangan niyang harapin araw-araw dahil dito.

Tumulong ako sa mga nagtitinda upang itayo ang mga food stands nila hanggang sa unti-unti nang nagsipasukan ang mga tao sa loob. Nagpaalam na ako sa mga kasama, at naglakad papuntang backstage upang kitain si Kenji bago pa mapuno ang lugar. Magsisimula na ang festival!

"I was looking for you," si Kenji nang matanaw ako. Nagpaalam muna siya sa banda niya para pumunta sa akin. "They said I'll perform last. My name wasn't announced in the performers because it was a last minute decision. They want it to be a surprise."

"Pang malakasan ang surprise nila, a," mapanlarong tugon ko. Pa-simple kong tinago ang cartolinang sinulatan ko sa likod ko upang hindi niya ito makita. "Sigurado akong makakapagbigay ka ng hindi malilimutang performance ngayong gabi. Hindi mo kailangang mag-alinlangan."

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon