Chapter 7

7.5K 201 35
                                    

"Blue!" Tumigil kaagad si Kenji sa pakikiusap kay Isa upang bigyan ako ng pansin. Bumuo ang ngiti sa mukha niya na mukhang kanina pa ako hinihintay. "Are you done with your assignment?"

Muntik na akong lumuhod at humingi ng pasensya kay Kenji nang makita ang mukha niya. Nag-uusap lamang sila ni Isa nang nakarating kami. Sabay kaming umupo ni Kye at mabuti na lamang ay hindi siya umimik tungkol sa nangyari kahit alam kong nag-aalala pa rin siya. Hindi rin naman siya ganoon na tao. Hindi na niya tinulak pa ang usapan nang mapansing hindi ako komportable roon.

Tumango ako. "Oo..."

"Come to think of it..." Tumingala siya upang mag-isip. "What assignment was it? The teachers don't give out homework these days. Did I miss anything?"

Lumamig kaagad ang katawan ko. Sa palagay ko ay may galit sa akin ang mundo dahil sa sunod-sunod ng mga masasamang pangyayari. Sinubukan kong mag-isip ng puwedeng idahilan ngunit walang maggawa ang utak ko. Naubos na ang enerhiya ko sa kakaisip kanina ng mga palusot!

Sumulyap ako kay Kye upang manghingi ng tulong. Mabuti na lamang ay naintindihan niya ang ekspresyon ng mukha ko at naiintindihan din ang nangyari dahil sa nakita niya kanina. "Tinulungan niya ako sa assignment namin."

Kumunot ang noo ni Isa. "May assignment tayo?"

Binigyan siya ng tingin ni Kye na para nawa sinasabing manahimik na lamang siya at nag-atubiling tumango ang lalaki na mukhang hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari. Saglit lamang ay umalis na rin sila upang bumalik sa classroom. Palagi silang nauuna sa aming umakyat dahil sa posisyon nila sa klase.

"Okay," simula ni Kenji. "What's really wrong?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi manhid si Kenji upang hindi mapansin ang masikip na hanging umaaligid sa amin. Kilalang-kilala na niya rin ako upang malamang hindi ako umaakto ng maayos. Pinangrap kong hindi ito ang mangyayari ngunit tao rin naman siya at may nararamdaman. Hindi naman puwedeng pababayan niya lamang ito na kunware ay walang nangyayari.

"Pagod nga lang..." katuwiran ko.

"Is that really it?" tanong niya. "Then after this conversation, you won't avoid me anymore?"

"A-ano?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa wika niya na tila alam na kanina ko pa siyang iniiwasan. "Pinapansin kaya kita!"

Umiling siya. "You're a pain sometimes, but I really enjoy being with you... So please hang out with me again."

Napasingasing ako. Binatuhan ko siya ng tissue at ngumuso upang pigilan ang ngising bumubuo sa mukha ko. "Ano 'yon? Sabihin mo nga ulit? Para makipaghang out ulit ako sa'yo," pang-asar ko.

Bumungtong-hininga siya. "Your mood swings, seriously."

"Dahil diyan..." Humalukipkip ako at binalik ang simangot ko kanina. Gusto mo ng mood swings, a! "Galit na ulit ako sa'yo."

Napanganga siya. "So you were upset with me?!"

"H-hindi!" Natawa ako ng malakas nang makita ang bigong mukha niya. Hindi ko naman inaaming aminin iyon! Kailangan talaga nag-iisip muna ako bago gumawa ng biro! "Oo... pero hindi na ngayon! Huwag mo nang ibalik at baka bumalik din sama ng loob ko!"

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko at nilayuan ko si Kenji. Ang eksena para sa event at ang tsismis na pinagbubulungan tungkol sa aming dalawa ay hindi mas malaki sa kaniya. Muntik ko nang makalimutan ang sayang napaparamdam niya sa akin dahil lamang sa mga pangyayaring wala rin naman sa kontrol naming dalawa. Nakakahinga na muli ako ng maluwag dahil gumagalaw na ulit ang lahat sa tamang ikot.

Hinarangan ako ni Lara habang pumapasok pabalik sa classroom. Pinadaan niya si Kenji upang kami lamang ang makapagusap. Bakit kaya palaging nakatutok sa akin 'tong si Lara? Pinaghihirapan niya 'yung iba ngunit, ako ang nasa pinakataas sa tinutukso niya!

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon