Chapter 6

8K 197 72
                                    

Sumilip si Kenji mula sa likuran ko. "It's still not enough?"

"Nabawasan ng ilang daan..." bungtong-hiningang tugon ko habang nakatitig sa loob ng alkansya para sa class funds. Sinara ko ito bago maglakad papunta sa upuan ko para makaupo na. "May nagnakaw! Kainis!"

Sumunod siya. "I'm sorry to hear that."

Hinalungkat ko ang wallet ko bago ibigay ang nilalaman kay Kenji. "Ito pala bayad ko sa utang! Sa palagay ko kapag hindi ko 'to nabayaran, hindi na ako makakaakto ng mabuti kasama ka! Mababaliw ako!"

Umiling siya. "You're so stubborn."

Kahit ilang beses pa akong sabihan ni Kenji na huwag ko nang alalahanin ang utang ko sa kaniya ay hindi ko kayang pakawalan lang iyon. Kakauwi ko pa lamang kahapon ay hinanda ko na ang pera sa wallet sabay pasok sa bag ko upang siguraduhing hindi ko na ito maiiwanan o makakalimutan.

"Sige na!" Ngumisi ako sabay upo sa upuan ko. Iniwan ko na ang bayad ko sa lamesa niya at tinitigan lamang niya iyon na parang hindi alam ang gagawin. "Pasasalamat ko na rin 'yan dahil tinulungan mo kaming dalawa ni Min-min na mag-aral."

Nakapinta ang pagkabigo sa mukha niya. "Are you not letting this go?"

Lumapad ang ngiti ko. "Nope."

"All right then..." Tumayo siya bago maglakad muli sa harap ng klase. Binuksan niya ang alkansya na nakalapag sa lamesa ng guro bago pinasok ang perang binigay ko roon.

Umiling lamang ako ngunit hindi ko mapigilan ang ngiting nakadikit sa mukha ko. Dapat hindi na ako nasurpresa dahil hindi naman kakaiba ang ginawa niya sapagkat ganiyan talaga ang pagkatao niya, ngunit sa bawat beses niyang ginagawa ang mga aksyon katulad nito ay palagi akong napapaalalahanang mayroon pang mabuti sa mundong ito... at nabiyayaan akong nakilala siya. Pera nga iyon na binigay ko sa kaniya ngunit pinili niyang ibigay ulit ito sa iba pang nangangailangan.

"'Di ba kahapon sinabi mong tinutulungan mo si Tito mag-produce ng musika?" tanong ko. Lunch time na ngayon ay tinutuloy namin ang usapan namin kahapon na naputol dahil limitado lamang ang oras. "So, marunong kang gumawa ng kanta?"

"Music really gave a big impact on my life when I was younger," tugon niya. "I got it from my dad because he used to sing to us every chance he got. He taught me how to play different instruments, but he never was good at words as much as my mom was. She was the one who taught us poetry."

Bumagsak ang panga ko sa pamamangha. "Ang galing!"

"When dad passed, I inherited all of his music instruments. My mom knew how close we were, and how we both shared the same passion when it came to music," dagdag niya. "I didn't touch them for a while... I didn't think I had the right to."

Kumirot ang puso ko nang mabasa ang mata ni Kenji. Wala nang emosyon ito dahil sa bigat ng sakit. Kilalang-kilala ko ito dahil pati ako ay natamaan ng maraming bala na pinapaputok ng mundo. Ang oras na kinuha si Mama ay isa sa pinakamadilim na punto ng buhay ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito masambit.

"Sorry, Kenji..." Sinubukan ko siyang bigyan ng maliit na ngiti, ngunit alam kong wala itong talab sa masaklap na nangyari.

"No, it's fine," iling niya. "I'd be selfish if I wanted him to stay longer when I knew he was suffering more every day. Although it wasn't the same without him, it was inevitable."

Hindi ko sasabihing hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Kenji dahil alam na alam ko ito na para nawa ito'y sarili kong palad. Hindi nawala si Papa katulad ng sa kaniya ngunit pakiramdam ko ay matagal na siyang namatay. Nawalan ako ng dalawang magulang noong namatay si Mama.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan ni Kenji noon, ngunit ang alam ko ay napakatatag niya dahil hanggang ngayon ay nanatili siyang nakatayo. Hindi niya hinayaang masakop siya nito ng tuluyan, bagkus ay mabuti pa rin siyang tao at malinis ang loob.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon