Chapter 20

6.4K 143 18
                                    

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Justin.

Dumating na ang tulong at ngayon ay pinapasok na nila ang katawan ni Kenji sa loob ng ambulansya. Mukhang malala na talaga ang kondisyon niya dahil ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagigising.

Mayroong tinanong sa aking tungkol sa kalagayan niya at kahit na'y nanginginig ang boses ko sa takot ay sinagot ko ang lahat ayon sa lahat ng mga nalalaman ko. Ang totoo niyan ay napakakaunti lamang ng nalalaman ko. Ang alam ko lamang ay mabilis siyang mawalan ng enerhiya at palaging nangingirot ang ulo niya dahil palagi niya itong minamasahe.

"Kasalanan ko ang lahat," naluluha kong sagot. "Alam kong hindi na maayos ang pakiramdam niya, pero naging masama pa rin ako. Napuno na yata ang ulo niya at bigla siyang bumagsak."

Hinaplos niya ang likod ko. "Huminga ka muna."

Kung hindi pa binanggit ni Justin ay hindi ko mamamalayang pumipigil na pala ako sa paghinga. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Akala ko kasi ay kapag minaltrato ko si Kenji ay giginhawa ang poot na bumuo sa puso ko. Hindi ko alam na dahil din dito ay mas lumaki lamang ang sugat nito.

Mayroong trabahador na lumapit sa amin, at tanong sa akin, "Sasabay po ba kayo, Miss?"

"Sasama po siya," si Justin na ang sumagot para sa akin. Bantulot ko siyang tiningnan na tila hindi sang-ayon dito. Tumango lamang siya at binigyan ako ng maliit na ngiti upang guminhawa ang nararamdaman ko. "Naiintindihan ko ang nangyari. Sumunod ka na sa kanila. Kailangan ka ni Kenji ngayon."

"T-teka..." Lumunok ako sa sarili at nag-atubiling saad, "Ikaw na lang ang sumama, Just. Ako ang dahilan kung bakit napuno si Kenji. Ayaw kong lumala pa ang pakiramdam niya dahil sa akin.

"Ano ka ba?" nakangising tanong niya. "Bakit ka naman magagalit sa taong mahal mo?"

Umupo ako sa gilid ng ambulansya, at pinako ang tingin sa pigura ni Kenji. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang kalagayan niya. Nakapikit lamang siya, at mayroong oxygen mask na nakadikit sa mukha niya upang matulungan siyang huminga ng maayos.

Nag-init ang mga mata ko at saglit lamang ay bumuo na ang mga luha rito. Hinakawan ko ang galang-galangan niya, at dinikit ito sa pisngi ko.

Ang sagot ay hindi ka kailanmang magagalit sa taong mahal mo. Kahit ilang beses ka nilang biguin, kahit ilang beses silang magkamali, at kahit ilang beses ka nilang saktan. Mas dumadaig ang pagmamahal sa lahat ng 'yon. Walang mas malaki at mas maliit doon.

Galit ako sa'yo, Kenji.

Galit ako dahil hinding-hindi ako nagagalit sa'yo kasi mahal na mahal kita.

Dinala siya sa isang private room, at kinuhanan siya ng ilang mga tests pagdating namin sa ospital. Kapagkuwan ay kumurap na ang mga mata ni Kenji, at dahan-dahang nagbukas ito. Hindi manlang siya nabigla na tila sanay na sa pangyayari.

Kinuha ko ang magazine na nakalapag sa lamesa, at tinago ang mukha ko gamit 'yon upang hindi niya mapansin ang namumugto kong mga mata. Hindi niya pa ako napapansin, at tahimik lamang habang nakikinig sa mga sinasabi sa kaniya ng doctor.

Ilang saglit lamang ay lumabas na sila ng kwarto. Nagpanggap akong nagbabasa ng magazine bago sumilip sa gilid nito upang matanaw si Kenji. Nakapikit lamang ang mga mata nito, at malamyang humuhuni ng kanta. Wala pa rin siyang malay na nandito ako.

Dahan-dahan kong binalik ang magazine kung saan ko ito nakuha, at tumayo upang lumapit sa kaniya. Hindi pa ako nakaabot sa kama niya ay nagbukas na ang mga mata niya. Lumipad ito sa pigura ko, at agad din na umiwas. Tanging air conditioning lamang ang narinig dahil sa katahimikang umaligid sa paligid.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon