Chapter 15

6.4K 157 38
                                    

Nakaupo lamang ako habang ginagantsilyo ang estambreng hawak. Gumagawa ako ng sumbrero habang nagpapalipas oras. Dito lamang nakatuon ang atensyon ko sa buong linggo habang pumapasok. Wala naman akong kliyente ayon sa schedule ko.

Lumipad ang paningin ko sa pintuan nang mayroong sumilip mula roon, at ani, "Ruby, mayroong naghahanap sa'yo sa baba."

Binitawan ko ang hawak at tumayo. Nagpasalamat ako sa katrabaho bago bumaba sa lobby. Wala akong ideya kung sino ang nagpatawag sa akin, ngunit sumunod na lamang ako ng walang pag-aalinlangan. E, hindi rin naman sang-ayon sa damdamin ko ang umupo lamang sa opisina ng walang ginagawa!

"Ito, hadlang sa trabaho ko!" biro ko na akala mo ay hindi ko na lamang hinihintay ang katapusan ng araw dahil sa kakulangan kong ginagawa. "Busy girl ako, alam mo ba 'yon?!"

Lamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin na tila sanay na sa ugali ko. "Kailangan kitang tumayo bilang ako para sa project ko."

Nawiwindang pa rin ako sa pagiging diretso niya sa punto hanggang ngayon. "Anong kalokohan 'yan?" taas-kilay kong tanong. "Tumayo bilang ikaw? Sa project mo?"

Tumango siya. "Ganoon na nga."

"Prank ba 'to?" Sinabayan ko ito ng tamlay na tawa. Hindi naman siya ang tipo na magpatawa kaya nagtataka ako kung bakit naisipan niyang pumunta rito para lamang gumawa ng biro. Dapat ginawa niya manlang nakakatawa kung ganoon!

"Mukha ba akong nag-praprank?" tanong niya pabalik.

"Lara," bumuntong-hiningang wika ko. "That's your profession. Fashion designer ako, hindi professional dancer!"

Kumibit-balikat siya. "Marunong ka namang sumayaw."

"Marunong, hindi mahusay!" Sinabayan ko ito ng pagkamot sa leeg. Wala akong ginagawa ngayong mga linggo, pero napakalaking kapahamakan ang nais niyang pasukan ko! Ilang taong pinagtratrabahuhan ang pagiging professional! "Hindi talaga," konklusyon ko.

"I already signed the contract, and mayroon akong business trip that would take a couple of months," paliwanag niya. "Walang makakaalam na nagpapanggap ka bilang ako. I assure you."

"Gutom lang 'yan!" wika ko. "Tara na nga, kain na tayo. Ako na ang sasagot."

Namamangha ako sa mga bagay na mayroong sayaw. Mahilig rin si Mama roon noon, ngunit walang magpapabago na isa lamang akong manonood. Aaminin ko, mayroong kaunting bahagi sa aking gustong sumang-ayon para lamang sa saya; ngunit, wala na akong oras para magbakasakali.

Hindi na ito 'tulad noon na puwede ko pang talikuran ang mga maling desisyon na kinukuha ko. Malaki na ako at nakaharap sa akin ay ang totoong buhay!

Noong una ko lamang na nakilala si Lara, napatunayan niya na ang kahusayan niya sa pag-sayaw. Ginawa niya ring propesyon ito dahil ito ang ibig niyang gawin.

Sa kabilang kamay, fashion designer ang kinuha ko. Mahilig akong magtahi, at nadiskubre ko ito habang mas tumatagal ang samahan namin ni Eli. Siya ang naging kasama ko sa pagsubok, at ngayon ay nandito na ako. Sobrang layo na ng buhay ko mula noon, at nagbago ito sa nakakabuti.

Lara: Ito ang agency. Simula na bukas. Update me.

Isang buwan na ang lumipas simula noong nagkita kami ni Lara. Gumala kami sa iba't ibang mga lugar bago siyang lumipad para sa business trip niya. Lumuwag ang dibdib dahil hindi niya na muling binanggit ang pabor niya, at naisip na baka ay pinakawalan niya na rin 'yon—kaya agad na nahulog ang puso ko nang makuha ang text mula sa kaniya!

Blue: problema mo na yan

"Ikaw ba si Blue?"

Matagal ko nang natanggihan ang pabor na 'yon, kaya pati ako ay nagtataka kung paano ako nadala ng mga paa sa agency na sinend niya.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon