Chapter 19

5.8K 144 21
                                    

Nagtama ang tingin namin ni Kenji, at mas lalong bumagsak ang puso ko nang makita ang nawindang ekspresyong nakapinta mula sa mukha niya.

Agad kong binaba ang ulo ko, at tumakbo palabas ng building. Tumungo ako sa gilid kung saan walang tao, at hinawakan ang dibdib habang sinusubukang huminga ng mabuti.

Ilang taon akong nagdalamhati, at binuhat ang sakit na binigay niya sa akin. Hindi ako handa na makihalubilo muli sa kaniya bilang totoo kong sarili. Natatakot akong maramdaman muli ang kirot, at ang mga salitang binato niya sa akin noon. Sapat na akong magpanggap bilang ibang tao bilang paraan upang kalimutan ang lahat; bilang paraan upang hindi na mabingwit ang nakaraan namin.

"Blue." Suminghot ako nang marinig ang boses niya. Dapat hindi na ako nagtakang sinundan niya ako. "Why did you lie to me?"

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. "Wala kang karapatang kwestyunin ako, Kenji."

Wala akong plano na kailanman makipaglapit muli kay Kenji. Ang totoo niyan ay pinapangarap ko na sana ay hindi kami magkita muli. Nawala na kami sa buhay ng isa't isa noong oras na iniwan niya akong nag-iisa. 'Yon din ang araw na sinara ko na tuluyan ang puso sa pag-ibig. Tiniis ko ang pighating binuo niya kasama ng mga alaalang umaaligid sa akin araw-araw.

"Why did you lie to me?" ulit niya. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagkuyom ng kamao niya. "Please..."

"Bakit parang ako pa ang masama, Kenji?" namumulang mga matang tanong ko. "Ano naman sa'yo kung magsinungaling ako? Ano naman kung ako talaga ang babaeng kilala mo noon? Hindi ba ikaw ang nagnanais na mawala ako sa buhay mo?"

"Blue—"

"Hindi ka na ba naawa sa akin?" nangangatal bibig kong tanong. "Tinapon mo lang ako ng napakadali, tapos pagkakakitaan mo lang ang nararamdaman ko? Ikaw ang sinungaling!"

"What are you talking about?" nagtatakang tanong niya.

"Wala ka bang respeto para sa akin? Babasagin mo 'yong puso ko, tapos gagamitin mo para sa sarili mong pakinabang?" tanong ko. "Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko tuwing naririnig ang mga kanta mo tungkol sa akin? Gusto ko lang ng tahimik na buhay, Kenji! Gusto kitang kalimutan, at hindi ko manlang magawa 'yon dahil pinapaalala sa akin ng mga kanta mo ang lahat ng pinagdaanan natin!"

Ito ang totoo kong nararamdaman. Nang tumuktok siya sa kasikatan, at nadiskubre kong naabot niya ang pangarap na noon lamang ay ikiukuwento niya sa akin ay ang tanging naramdaman ko lamang ay kasiyahan para sa kaniya. Alam kong napamahal siya sa musika, at 'yon ang binuhat niya sa puso.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya binuhay ang pag-ibig naming huwad lamang sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umaawit tungkol sa amin. Siya ang bumitaw, siya ang hindi nakiramdam, at siya ang naging taksil. Ngunit ako ang bumuhat ng lahat ng resulta.

Nagpapakalunod siya sa mga pera at atensyon na nakukuha niya gamit ng pagsira ng relasyon naming dalawa, habang ako ay naghahanap pa rin ng mga kasagutan sa lahat ng nangyari. Naghahanap pa rin ako ng paraan upang makalimutan siya, at pigilan ang nararamdaman para sa kaniya hanggang ngayon.

"Do you really think I would do that for money?" kunot-noong tanong niya. "Do you really think I'm capable of playing someone's feelings like that?"

"Oo!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang naka-alpas mula sa mga mata ko dulot ng poot na sumaklob sa puso ko. "Pinaniwala mo akong totoo ang nararamdaman mo para sa akin, kahit ang totoo ay nililinlang mo lang ako! Pinaglaruan mo ang damdamin ko!"

"You can think whatever you want," wika niya. "But, I have never written a lyric about you that wasn't from my heart. I meant every word I said, and I still do."

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon