Chapter 16

5.9K 147 18
                                    

"Just, traydor ka! Hindi mo sinabi sa aking siya ang magiging partner ko!" kuyom-panga kong sambit.

Pinilit kong hindi sumulyap kay Kenji habang nag-wawarm up. Mabuti na lamang ay sila ni Donna ang magkasama, at kami ni Justin naman ay dito sa gilid.

"Hindi ka naman nagtanong," tugon niya naman. "Bakit? Celebrity crush mo ba siya?"

Agad na tumiklop ang ilong ko na tila naalibadbaran sa binanggit niya. Ang makita lamang siya ay sapat na sa aking masuka, at magkaroon ng kutob na suntokin siya ng malakas sa mukha, e! Umasa na ang buong mundo, ngunit hinding-hindi ko muling gagawin ang pagkakamali ko noong matangay niya.

"Mas gugustuhin ko pang kumain ng tae," madiin kong tugon.

"Huwag kang mahiya! Naiintindihan ko naman, e. Guwapo, mabait, mahusay kumanta... Lahat na ay nasa kaniya!" nakangising giit niya. "Gusto mo bang itulak kita sa kaniya?"

"Subukan mo lang. Hindi ka na magigising ulit."

Tumawa lamang siya na tila naaliw sa reaksyon ko, habang ako naman ay kinakabahan na sa kung ano ang maari niyang gawin. Ang hirap na nga na makasama si Kenji, tapos dumagdag pa siya! Hindi talaga ako makakaramdam ng maluwag na hangin sa mundong ito!

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Kenji na sinara ang takip ng tubigan niya bago ilapag ito sa sahig at naglakad sa harap. Nag-inat ako ng mga kamay ng huling beses bago naglakad papunta sa tabi niya.

"Take it easy, guys," untag ni Justin bago ilapag ang daliri sa touchpad ng laptop upang simulan ang kanta.

Huminga ako ng malalim bago igalaw ang katawan ko sa ritmo ng musika katulad ng ginagawa ko noong wala pa siya rito. Kung nakaraan ay tila kutsilyo lamang ito na tumatarak sa puso ko ng paulit-ulit, ngayon ay para nawa sinasakal na nito ang kaluluwa ko. Mukhang kahit saan ako papatungo, nandoon siya.

Nagyelo ang katawan ko nang maramdaman ko ang kamay ni Kenji na umikot sa baywang ko. Malaking mata akong tumingin sa kaniya at natagpuang nakatingin din siya sa akin.

Tinulak ko agad siya paalis sabay bulyaw, "W-what do you think you're doing?!"

"What do you think you're doing?" si Donna na madiin na nakatingin sa akin.

"Parte ng sayaw 'yon, Lara. Pinractice natin 'yan 'di ba?" nagtatakang tanong naman ni Justin.

Agad akong nahiya dahil sa nagawa, ngunit nagbato pa rin ako ng irap kay Kenji. Naapektuhan na naman ako ng presensya niya at nawala sa tamang pag-iisip. Ilang buwan na naming pinractice ni Justin ang galaw na 'yon, ngunit nakalimutan ko ito na tila mas malakas pa rin ang hatak ng nakaraang mga alaala.

"Sorry," malamig na wika ko kay Kenji.

Tumango lamang siya. "Don't worry about it."

Napabungtong-hininga ako nang sinimulan ulit ni Justin ang kanta sa pinaka una. Tiningnan ko si Kenji sa gilid ng mata ko bago napapikit sa sarili ko. Simula pa lamang ngayon ay kailangan ko nang masanay na makasama siya, kundi hindi magiging maganda ang kalabasan nito.

Nang dumaan ang isang punto sa first verse, tumingala ako upang tingnan ang mukha niya sabay hawak sa leeg niya. Bumitaw din ako agad nang huminto siya sa ginagawa at bumungtong-hininga. Hindi manlang niya sinusubukang itago na ayaw niya akong makasama.

"Sorry," siya naman ang nagpaumanhin sa mga choregraphers dahil sa pagkakamali. "I forgot what the next move was."

"I think they need to practice without the song first," baling ni Justin kay Donna. Lumapit siya sa akin bago bulong, "Huwag kang masyadong obvious na may gusto sa kaniya. Napaghahalataan."

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon