Chapter 5

9.3K 226 38
                                    

Namangha ako sa sinabi ni Isa. Ilang buwan pa lamang kami magkakilala ni Kenji, kaya hindi pa namin nasisimulang mag-usap tungkol sa nakaraan ng isa't isa. Hindi rin naman siya nagtatanong. Mabuti nga iyon para sa akin dahil hangga't maari ay gusto kong hindi 'yon binubuksan.

Makasarili 'ata ako dahil kahit na ganoon ang nararamdaman ko, gusto kong makilala pa si Kenji ng mas malalim. Inaasar ko lamang siya noon tungkol sa crush-crush pero hindi ko naman talaga inisip na nagkaroon na pala siya ng crush!

"Talaga?" nagtatakang tanong ko.

Tiningnan ni Isa ang reaksyon namin at humalakhak. "Joke!"

Binatuhan siya ng tissue ni Kye. "Nakakatawa!" imik niya ng may himig pang-uyam.

Bumungtong-hininga si Kenji. "All right, that's enough."

Gusto kong tumanggi, ngunit napalitan kaagad ang usapan at napunta sa mga susunod na mga pagsusulit sa iba't ibang subjects. Humalukipkip ako habang nakatitig sa ere. 'Yon na nga lang ang tsansya kong makilala pa siya ng mas malalim, e!

"Finished or not finished, exchange your papers with your seatmate. I'm going to write the answers on the board."

Nagpalitan kami ng papel ni Kenji at nagsimula na akong markahan ang papel niya habang saglit-saglit na tumitingin sa board. Aba! Puro check 'tong si campus crush, a!

Binalik na rin namin ang papel ng isa't isa pagkatapos mag-check.

"Huh? Bakit mali 'to?!" reklamo ko. "Edi sana perfect na ako!"

Sumilay siya upang tingnan ang binabanggit ko. "You spelled false as f-o-l-s every time," paliwanag niya.

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin ulit sa board. "'Yon pala 'yong spelling no'n?!" bulyaw ko.

Tumayo na siya upang ipasa ang papel niya sa harap. Napansin niya akong nanghihinayang pa rin sa score ko dahil ilang minuto na akong nakatitig sa mga ekis ng papel ko.

"Give me that... I'll pass it."

"Ano ba 'yan?!" Napapitlag siya dahil sa bulalas ko. "Dapat tinuro mo sa akin 'yung tamang spelling bago tayo nag-quiz!"

"How is that my fault?" Nanlaki ang mga mata niya. "Just give me that already. Ma'am is going to her next class soon."

Inirapan ko siya bago nag-atubiling binigay sa kaniya ang papel ko. "Kainis ka!"

Hindi na namin nakasama sina Kye at Isa pagsapit ng lunch. Mayroong inaasikaso si Kye, at kay Isa naman ay hindi ko alam. Nakakasama lang naman namin siya tuwing nandito si Kye. Mas naglalabas ang babae ng emosyon kumpara sa kaniya na hindi ko mabasa.

"Okay, what is it?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

"You were spacing out earlier at recess," sambit niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na napansin niya pala iyon! "G-gusto ko pa kasing mapakinggan ang tungkol sa childhood mo!" amin ko.

"Oh..." Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tumawa. "That's it?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Masama bang gusto ko pang makilala ang best friend ko?!"

Humalukipkip ako nang makitang mas lumapad ang ngiti niya na parang nang-aasar. Nalungkot talaga ako kanina tapos pagtatawanan niya lang ako! Ang kapal ng englisherong 'to!

"Okay then..." Pinilit niyang pigilan ang tawa niya nang mapansin ang walang emosyong tingin ko sa kaniya. "Ask away."

Bumaliktad ang simangot ko. "Talaga?"

Accumulate the Stars (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon