Chapter 27: Henry's da Move's

56 1 1
                                    

Hindi inaasahan ni Zedric ang mga sumunod na nangyari sa eksenang halikan nila ng dating nobya na si Trisha.

Hindi man nya gusto o ginusto ito, ay wala syang nagawa kung hindi ang magpatianod na lang sa mga nangyari ng mga oras na iyon.

Hindi man nya inaasahan ang sumunod na nangyari.. kailangan nyang tanggapin.

JACQ'S POV

Pagkapasok namin ni Henry sa loob ng gym nila, ay may naririnig na kaming ingay sa loob. Saglit kaming napahinto sa paglalakad ng masaksihan ang eksenang kitang-kita ng dalawang mata ko, at hindi lang ako pati si Henry ay saksi din ng mga oras na yon.

Para bang binaksakan ako ng langit at lupa na may kasamang ice cube.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Henry sa akin, hanggang sa may marinig akong sigawan at nagkakagulo na silang lahat.

----------

HENRY'S POV

Kinakalabit ko si Mary Jacq, sa kanyang pagkakatayo at pagkatulala sa aming nasaksihang eksena.

Hindi ko na ito mapapalampas pa, kung noong una ay wala akong ginawa, dahil alam kong hindi naman nya ginustong halikan sya ni Trisha.

Pero sa pagkakataong ito, ganoon parin bang alibi ni Zed?

Kaya sinugod ko sila, at hinatak si Trisha para makawala si Zed sa pagkakapulupot nya dito, at saka ko hinarap si Zed.

BOGS isang suntok sa mukha nya ang ibinigay ko na ikinawalang balanse naman nya at napa-upo sa simentong sahig ng gym namin.

Hawak- hawak ni Zed ang kanyang labing dumugo dahil sa suntok ko.

Bahala na kung anong mangyayari sa aming dalawa, ang mahalaga ay naipagtanggol ko si Jacq, sa mga walang kwentang tao.

"Zedric! Ipapa-alala ko lang sayo yung mga sinabi ko ng huli tayong mag-usap sa tigers quarters. Kung gusto mong bitawan si Mary Jacq, bitawan mo na sya, dahil nasasaktan na sya sa mga nangyayari, so better let go of Mary Jacq, or else..." naputol na sasabihin ko pa sana kay Zed na naka-upo sa sahig at hawak pa ang duguang labi nito sanhi ng pagkasuntok ko sa kanya, sorry captain, but I have to do that to you, kawawa naman si Mary Jacq sa pagkakataong ito.

"Henry!" ng biglang hinawakan ni Jacq ang braso ko, at saka nya ako hinila palabas ng gym.

We run as fast as we can, until we reached the gate, we'll dead, kapag naabutan kami ni captain, haha.

---------

Tigers Quarters

Inalalayan ng mga tigers ang kanilang duguang captain. Kasama din si Trisha na nag-aalala para sa dating nobyo

Nang makaupo na si Zed sa couch ay umupo din si Trisha sa tabi nya na may hawak-hawak na bulak at betadine sa magkabilang kamay.

Kunot noong tinignan naman sya ni Zed, at hindi na nakatiis ito

"Give me that! I told you that I don't give another chances to a person like you" pasigaw na saad ni Zed kay Trisha at sabay inagaw nya dito ang mga pang gamot sa sugat na hawak ng babae. "You're crazy Trisha... totally crazy. You don't give respect to others especially to yourself. Alam mo ba ang ginawa mo, huh?" deretsong pagtatanong ni Zed kay Trisha na wala namang kaimik-imik ito dahil sa ginawa nyang kasalan. "Alam mo bang pinag-aaway mo kami ng girlfriend ko sa mga ginagawa mong hindi naman dapat.. at pagkatapos ano? magkakalabuan na kami and at the end magkakahiwalay.. yun bang gusto mo ha, Trisha." mahigpit na hinawakan ni Zed ang braso ni Trisha na galit ang hitsura nito sa dating nobya

My Secret BoyFriend..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon