Chapter 22: Sweet Reconcile

80 5 0
                                    

'Nang makarating sina Mary Jacq sa mansion ng mga Villacorda, kasama ang ibang team ni Captain Zedric, ay agad naman silang sinalubong ni Arnold, ang nakatatandang kapatid nina Zed at Angel.

Labis ang pag-aalala ni Jacq sa nobyo, kaya hindi na sya nag-aksaya pa ng oras,

"Sir Arnold, nasaan na po si Zed? Okay lang po ba sya? Ano pong nangyari sa kanya?" sunud-sunod na pagtatanong nya sa kapatid ng nobyo

Hindi agad nakasagot si Arnold sa tinuran ng nobya ng kapatid, bagkus ay sinulyapan ang mga kaibigan nito, at saka muli syang tiningnan.

"Mary Jacq, hindi ko alam kung anong nangyari sa boyfriend mo, but..." biglang putol nya sa kanyang sasabihin at sabay sulyap sa kwarto ni Zed, "but if you go in his room, and check him up, if he's okay or not, dun lang natin malalaman." muli nyang sinulyapan si Jacq .

"Po!" napataas kilay namang sagot ni Jacq

"Jacq, ang ibig sabihin ni Arnold ay puntahan mo na si Captain sa kwarto nya, para malaman natin kung anong nangyari sa kanya." si Nathan naman ang nagsalita

Napatingin naman sa kanya si Jacq, nangungusap ang mga mata nito at wari'y nagtatanong kung bakit sya lang ang kailangang pumasok sa kwarto ng nobyo.

"Ah, ate Jacq," lapit naman ni Angel sa kanya, "mabuting ikaw na ang pumasok sa room ni kuya Zed, kasi ilang beses na namin syang kinatok, but he didn't reply us, kung ikaw, baka sakali." sunod nyang sabi kay Jacq

"Wala ba kayong duplicate ng susi ng mga kwarto dito?" deretsahang tanong ni Jacq sa magkuya

"Huh? Meron. Bakit?" si Arnold na ang sumagot

"Para hindi na tayo mahirapang kumatok, Sir, baka po kung ano ng nangyari sa kanya sa loob ng kwarto nya, kaya po hindi nya kayo pinagbubuksan ng pinto." sagot ni Jacq

Napaisip naman silang lahat sa sinabing yon ni Jacq

"Oo nga, Sir Arnold, bilisan natin baka kung ano ng nangyari kay Captain, hanapin natin ang mga duplicate key ng mansion." si Paul naman ang sumagot

Kaya hinanap nila ang nga duplicate key ng mga pinto ng mansion.

Nang makuha na nila ang mga duplicate keys sa isa sa kasambahay ng mga Villacorda, ay agad hinanap ni Arnold ang susi ng kwarto ng nakababatang kapatid na lalake.

Kumislap ang ngiti nila ng ito'y mabuksan at nag yahoo pa sila ng sabay-sabay na may pagtaas pa sila ng kamay at mga nag-apiran sa isa't-isa.

Samantalang si Jacq, ay balisa at hindi alam kung anong kanilang masasaksihan sa loob. Binuksan ni Arnold ang pinto ng kwarto ni Zed, at saka pinapapasok si Jacq para icheck kung anong nangyari sa kapatid na lalake, kasunod naman ang mga kaibigan sa kanyang likod.

"Iwww." bungad na angal agad ng nila kapag bukas ng pinto

"Yuck! What's that smell?" segunda naman ng kapatid nilang babae

Hindi naiimik si Jacq sa mga tinuran ng mga kaibigan, bagkus ay sya pa ang nagreklamo sa mga ito.

"Hss! Nakikiamoy na nga lang kayo dyan, reklamo pa kayo." mataray na saad ni Jacq sa mga kaibigan, "Ganyan talaga ang amoy ng alak kapag nakulob sa loob ng bahay."dugtong ni Jacq sa kanyang sinabi, "Tignan nyo nga, saradong lahat ng bintana ng kwartong ito, kaya ganyang ang amoy, hindi kasi nakakalabas, at walang hangin." muli nyang saad

My Secret BoyFriend..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon