Malungkot na napayuko si Jacq at para bang gusto nyang umiyak sa harap ng mga kaibigan, ngunit sa kanyang pakiramdam ay parang mas gusto nyang habulin ang nobyo at sabihing magpaliwanag ka, pero sulyap na lamang ang kanyang nagawa habang papalayo si Zed.
___________
Saturday morning in Villacorda's Mansion:
Naghahanda ng agahan ang isa sa mga kasambahay nila ng, "Manang, where are they? Hindi ba sila magbe-breakfast?" tanong ng nakatatandang kapatid. "Goodmorning po sir Arnold, hindi pa po sila bumababa, baka tulog pa sila." tugon naman ng matanda kay Arnold, "Ganoon po ba!" magalang naman nyang tugon din sa matandang kasambahay.
Hindi naman nagtagal at bumaba na si Angel ng nakasimangot at padabog na naupo at humingi ng isang basong tubig kay manang. Napakunot naman ang noo ni Arnold ng napagmasdan ang mukha ng kapatid. "Hey! Pokerface! bakit ganyan ang mukha mo?" pagtatanong ni Arnold sa kapatid na babae. Tiningnan lang sya ni Angel at deretsong ininom ang tubig na hiningi kay manang.
Pagka-inom ng tubig ay pabagsak na ipinatong ni Angel ang basong may lamang tubig, at saka ito nag salita sa nakakatandang kapatid. "Kuya Arn, saan ba ipinaglihi si Kuya Zed? He's so kaka talaga. Nakaka-inis na sya, promise." na saad ni Angel sa kapatid, kahit na alam ni Arnold kung anong pinagdadaaanan ng nakababatang kapatid na lalaki, ay hindi parin sya nag-comment sa tinuring ni Angel. " Kuya, I need your opinion about kuya Zed. He's always act like a child. OH M G! Nakaka-inis na sya, promise." hindi na nakatiis si Angel at nagsumbong na sya s kapatid na may pag sign pa ng kamay. Imbis na magtaka si Arnold, ay napa-iling na lang sya sa tinuring ng bunsong kapatid na bababe. " Baby! Your kuya Zed has a big problem, big... kasi alam mo namang weakness nya ang babae, hindi ba, so, just let him solve his problem, okay? And before I forget" dahil tatayo na sana si Arnold sa pagkaka-upo nya, ng balikan nyang muli ng tingin ang bunsong kapatid, at "Iwas-iwasan mong magsimangot, dumadami ng wrinkles mo, hahaha." sabay turo sa noo ng kapatid at tumawa ng malakas. " Kuya Arn naman eh, nakakai-inis ka din, magkapatid nga kayo ni kuya Zed, hmm." tabig ni Angel sa kamay ng kuya nya, at sabay ismid nito. "HAHAHA! We're brothers and sister." sagot naman nya kay Angel, pero nanatiling nakataas ang kanang kilay nito at parang walang narinig na nagsalita, kaya naman tuluyan ng tumayo si Arnold para aluin ang bunsong kapatid. "Hey! What's wrong with you? C'mon, Angelie Zenrich, hindi pa break ang kuya Zed mo at si Mary Jacq, kaya wala kang dapat ipagworry sa kanila, and besides, go let them solve they problem, matatanda na sila at kaya na nila yon. Ang mabuting gawin mo ay magpaganda ka, I thought that today is Paul's birthday, tama ba ako?" mahabang saad ni Arnold sa kapatid na babae. " Kuya Arn, I'm beautiful, and always beautiful, at saka, pool party po iyon, hindi na kelangan pang mag make-up and everything. Malulusaw din naman yon once na lumubog ka sa tubig ng swimming pool." tugon naman nya sa kanyang kuya Arnold, na paghaba pang nguso habang nagpapaliwanag. " Hahaha! Ganoon ba? Akala ko naman party party na may mga sounds, malalaking speaker, mga host's, at NGYP na, tsk, sayang naman :)" may ngiting saad ulit nya sa kapatid. "Kuya Arn!" taas kilay namang sambit nya sa kuya nya, "Oh!" medyo nagulat namang tugon nya dito, "Ano naman yung NGYP? I mean, anong meaning nun, tss, ikaw kuya ha," si Angel "Oh! Masama bang maki-uso sa inyo, hehe? NGYP! It means No Gift You Performed. Di ba ganoon naman talaga once na may magbe-birthday sa inyo. Teka nga! Sino bang nagpa-uso ng katarantaduhang yon?" "Kuya! Don't say bad words. And it's not kata..." hindi na nya itinuloy ang sasabihin. " it's not like that, masaya kaya yon. haha. Mapipilitang bumili ng regalo ang invited, ahaha." pahagikhik nyang tugon sa kanyang kuya, napailing na lamang ito sa tinuran ng bunsong kapatid. Napangiti narin si Arnold sa nakitang ngiti sa kapatid, bagaman, nararamdaman nya ang pinagdadaanan ng kuya Zed nya at ng paboritong trainor ng badminton, atleast napasulyap nya dito ang napaka precious na ngiti ng bunso nila.
BINABASA MO ANG
My Secret BoyFriend..
Teen FictionNa experience nyo na ba na ma Love at First sight sa isang tao? Ako.. OO! Sya yung tipong minahal ko na sa unang kita ko pa lang sa kanya. Kilig... naman, kapag nasusulyapan ko ang Gwapo nyang mukha. Sya na... ang Boyfriend ko.. at kapag nalaman nya...