LESLIE'S POV
Nakakainis talaga. Nakakabad trip naman ang araw ko ngayon, naiiyak kong bulong sa sarili ko, habang nag-aabang ako ng taxi. Bwisit talaga, pati ba naman taxi nakiki-isa sa mga unggoy na yun, psh, kahit isang taxi wala, ashh! naiinis kong bulong ulit sa sarili ko, para kong baliw kinaka-usap kong sarili ko.
Naglakad-lakad ako ng konti, para maalis ang inis sa utak ko. Nahihiya ako kina Jacq at Hershey, hindi bale, tatawagan ko nalang sila kapag nakauwe na ako ng bahay.
Napatigil ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kinapa ko sya sa bulsa ng suot kong school uniform at ng makuha ko na ay saka ko tinignan kung sinong tumatawag, sis hershey, bakit kaya?
Pinindot ko ang call, at saka ko sya sinagot.
"Hello, Hershey. O, bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya
"Saan ka,sis? I'll pick you up." tanong nya sa akin, shh, iniwan nya bang mag-isa si Jacq sa canteen, psh, siraulo talagang babae to.
"Nandito ako sa waiting area malapit sa starbucks." sagot ko naman
"Okay, wag kang aalis dyan, pupuntahan ka namin, bye." binabaan agad ako, asar naman.
------
MARKO'S POV
Pinaki-usapan ko si Hershey na tawagan si Leslie. Hindi muna ako umalis ng canteen, si Paul, pakialam ko dun sa lalakeng yun.
"Sige na Sheng, tawagan mo si Leslie, ayokong magalit sya ng walang mabigat na dahilan." pagmamakaawa ko kay Hershey
"Ano ba kasing ginawa mo, nyo pala, kasama pala si Paul dun? Bakit nagtampo ang kaibigan namin?" pagtatanong ni Hershey sa akin
"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo, pasensya na kayo ni Jacq, si Leslie na lang tanungin nyo, pero bago yun, kelangan ko muna syang makausap, please." pagmamakaawa ko ulit sa kanya, "kailangan ko munang liwanagin yung nangyari kanina, Hershey." parang wala naman sa kanya yung sinasabi ko
"SHENG!" napalakas na tawag ko kay Hershey, nagulat ko ata sya, haha
"Oo na, kainis to, ikaw pa me ganang manigaw dyan, batukan kaya kita." napikon ata sa gulat ko si Hershey, haha
"Thank you, insan, sige tawagan mo na si Leslie baka makasakay na yun, bilis na." pagmamadali kong sabi sa kanya, pero nagtenk-u naman ako, napatingin ako kay Jacq, na nakakunot noo sya, hehe.
"Jacq, ano bang oras ka dadaanan ni Captain, ang tagal naman nya?" tanong ko, na nakatitig lang sya sa akin, hays, bagay nga sila ni Captain tiger look sila pareho. Nginitian ko lang sya, no comment e.
"Oh!, Natawagan ko na, sa waiting area sya, sa may starbucks daw, puntahan mo na." sabi ni Hershey, agad akong nagpaalam sa kanila ni Jacq, kelangan kong makausap si leslie.
Kaya nagmadali na ako, nag thank you muna ako sa pinsan ko, at tuloy nagpaalam narin sa kanilang dalawa ni Jacq.
-----
Nagmamadaling umalis si Marko ng canteen. Halos liparin na nya ang hallway ng KU, papuntang carpark.
Nang makalabas na sya ng university, ay nagpalinga-linga sya sa paligid hinahanap kung saan siLeslie naghihintay.
Nang makita nya, ay agad iginilid ang sasakyan at lumabas ito para puntahan ang babaeng masama ang loob sa kanya.
"Leslie!" tawag ni Marko kay Leslie.
BINABASA MO ANG
My Secret BoyFriend..
Teen FictionNa experience nyo na ba na ma Love at First sight sa isang tao? Ako.. OO! Sya yung tipong minahal ko na sa unang kita ko pa lang sa kanya. Kilig... naman, kapag nasusulyapan ko ang Gwapo nyang mukha. Sya na... ang Boyfriend ko.. at kapag nalaman nya...