Chapter 20: L.Q. lang!!! (part one)

138 7 0
                                    

Masayang lumuwas ang mag-kapatid na Arnold at Zedric ng Manila.

Kahit na nagkaroon ng bangayan sa pagitan ni Angel at Zed, hindi naman ito naging handlang, sa halip ay naging close sila sa isa't-isa. Na ikinatuwa naman ng kanilang mga magulang.

Si Angel na kahit na badtrip sa kanyang mga kuya, ay naging masunurin naman sya.

Sina Mr. and Mrs. Richard Villacorda ay sobrang saya, dahil nagkasundo ng muli ang kanilang mga anak na lalake.

Naging masaya din ang date ng mag-wishart. Nagsimba, namasyal sa mall, sa zoo,  kumain, nag-take-out ng pagkain, bumili ng fishball, kikiam, squidball, uminom ng gulaman, nagkwentuhan, nagtawanan na nauwi sa asaran :), naglakad hanggang sa mapagod, nagpahinga. Sa sobrang dami nilang ginawa na mag-wishart sa kanilang date, ay nakarating sila ng park, at doon sila ay naupo sa bench na nakaharap sa malawak at malinis na ilog, na may mga taong naliligo doon.

Hindi nila alintana ang oras na lumilipas. Nakamasid lang si Mary Jacq sa mga batang naliligo sa mababaw ng ilog.

"Wishart, malinis kaya ang tubig dyan sa ilog na yan?"      tanong nyang nakapatong ang ulo sa balikat ng nobyo

"Oo, naman wishart, malinis yan."       seryosong nakatingin naman si Zed sa mga naliligo sa ilog

"Psshh! Paano mo naman nasabi na malinis nga yang ilog na yan?"      tanong nya ulit sa nobyo

"Nakikita mo ba yun, wishart."       itinuro ni Zed sa nobya ang ilang taong naka-upo sa gilid ng ilog, at may hawak ng pamingwit

"Oh, bakit? Hindi naman sila naliligo,naka-upo lang naman sila sa may gilid."

"Kaya nga wishart. Hindi lang sila basta naka-upo dyan, namimingwit sila ng isda."        sabi nya sa nobya

"Weh, di nga, niloloko mo ba ako, wishart."       angal naman ni Jacq

"Bakit naman kita lolokohin. Look that man, in a red t-shirt look at him," 

"Oh, ano namang meron sa kanya?"

"When he catches fish, he leave that place."

"Then, what?"

"He sell all the fish he got."       sulyap nya sa nobya na nakatitig sa kanya.       "Wishart, wala kasi silang pinagkukunan ng pambili ng pagkain, the other people was eat the fish, instead of selling it."

"Kawawa naman pala sila, wishart."       tugon ni Jacq sa nobyo, tumayo ito ng mamataan ni Mary Jacq ang lalaking naka pulang damit, at nilapitan nya ito.

Sinundan naman sya ng nobyo sa pagtayo at nilapitan din ang lalake.

"Manong, nakahuli po ba kayo ng isda?"        tanong ni Jacq sa lalake

"Naku! Ineng, malilit lamang ang aking nahuli. pasensya na, at hindi ko pwedeng ipagbili ang mga ito."       sagot ng matanda sa kanya.

Sinilip ni Jacq ang laman ng timbang pinaglagyan ng mga isdang nahuli ng matandang lalake, at nakita nyang mga buhay pang mga ito, medyo maliliit pa nga sila, pero yung iba ay pwede ng iluto.

Kaya kina-usap nya ulit ang lalake

"Manong, bilhin ko na lang pong lahat yan, magkano po ba?"     

"Huh?"       nagtatakang tugon ng matanda sa kanya,       " Sigurado ka ba, ineng, medyo maliliit pang iba dito."

"Okay lang po, basta ipagbili nyo sa akin lahat ng mga yan."       sagot ni jacq at itinuro ang laman ng timba

My Secret BoyFriend..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon