--continuation of My X-mas Gift--
HENRY'S POV
Pagkatapos ng asaran namin ni Nathan na nauwi sa seryosong usapan ay heto kaning dalawa at tinatahak ang daan papuntang quarters namin.
Nakayanggap kami ng text kay Lyndon na merin daw kaming pagmimitingan, if I know, tungkol lang yun kay Arnold, psh!
-------
ZEDRIC'S POV
Magkasama kami ngayon ng girlfriend ko, si Mary Jacq, sinundo ko sya sa condo nila ni Paulo James, meron daw syang itatanong sa kanyang Mare.
Tahimik lang sya, siguro ay nalulungkot sya dahil ilang weeks din hindi nya makikita si Akira, tsk.
"Zed." malambing nyang tawag sa akin
"Ano yon, mahal?" nakangiti ko namang sagot sa kanya, na ikinunot naman nya ng noo,hss.
"Mahal? Psh! Ikaw talaga ang dami mong tawag sa akin, dapat ay magstik ka lang sa isang indearment." nakapout nyang sabi sa akin, palipat lipat kong tingin sa kanya at sa kalsada "Hindi ka ba natutuwa sa mga tinatawag ko sayo," naiinis kong sagot sa kanya. "Hays, dapat nga mag thank you ka dahil halos lahat na ata ng mga indearments ng mga maggirlfriend at magboyfriend ay naitawag ko na sayo, tapos ganyan kapa". nakasimangot kong saad sa kanya na deretso lang ako sa pagdedrive.
"Sus! Nagtampo agad ang lalakeng to, hehe." nakatawa sya habang binigkas ang salitang lalakeng to, hays ano bang klaseng indearment yun, ashh. "Dapat isa lang at pareho tayo ng indearment,di ba.... wishart." gulat akong napinto sa pagmamaneho at napalingon ako sa kanya at nakatitig naman sya sa akin, habang tinawag nya akong wishart,
"Wi----wishart?" nauutal kong saad sa kanya
"Yup! Gusto ko yun ang itatawag mo sa akin, at gayun din ako sayo... wishart ;)." tango nyang may kasamang pagkindat, haha ang mahal... este ang wishart ko, bigla ko syang niyakap at hinagkan ang kanyang ulo, hmmm, napakaswerte ko dahil binigyan ako ng isang Mary Jacq.
Nakaub-ob parin ako sa malambot at napakabango nyang buhok, inangat ko ng kaunti ang mukha ko dahilan para ibulong sa kanya....
"Wishart!" malambing kong tawag kay Jacq
"Mmmm.. Ano yon, wishart?" sagot naman nyang ubod lambing sa akin
"Pe---pede bang gawa na tayo ng baby?" pauutal-utal kong sambit sa kanya, patay ako nito,bugbog na naman panigurado -_-
"Wishart?" biglang alis nya sa pagkakayakap sa akn, "Hays, nakakainis ka naman e, umiiral na naman yang pagka perverted mo,nahahawa ka na kay Lyndon." naiinis na nakanguso nyang tapik sa braso ko, haha I'm just joking lang naman, pero kung makakalusot...... why not chocnut, hahaha ;)
----KING'S UNIVERSITY---
ZED POV
Matapos kong maihatid ang wishart ko sa opisina ni Paulo James ay nagpaalam muna ako sa kanila, puntahan ko lang ang mga kolokoy sa quarters. Baka kung anu-ano ng mga ginagawa nila dun, napailing ako sa aking naisip at napangiti din.
Masaya kong tinatahak ang daan patungo sa tigers quarters ng mamataan kong may masasalubong akong nilalang, na kahit kailan ay ayaw ko ng makita pa. Kaya lang too late to escape, kaya no choice kundi ang harapin o iwasan na lang sya, pero hindi pala ganon kadali yon..
"Bro! Long time no see." nakatawa nyang bati sa akin, at nakakatawa pa sya ng lagay na yan, tss.
"What brings you here?" walang gana ko namang sagot sa kanya
BINABASA MO ANG
My Secret BoyFriend..
Teen FictionNa experience nyo na ba na ma Love at First sight sa isang tao? Ako.. OO! Sya yung tipong minahal ko na sa unang kita ko pa lang sa kanya. Kilig... naman, kapag nasusulyapan ko ang Gwapo nyang mukha. Sya na... ang Boyfriend ko.. at kapag nalaman nya...