Matapos ang masarap na agahan nina Mary Jacq, Paulo James at Zedric, ay nag paalam na ang magkasintahan kay Paulo James para pumasok na sa kani-kanilang school.Nag beso-beso ang mag wishart bago bumaba si Mary Jacq ng kotse ng nobyo.
Bubuksan na sana ni Jacq ang pinto ng kotse ni Zed ng pigilan nyang muli ito. "Bakit wishart?" Nagtatakang tanong nya kay Zed. "May nakalimutan ka." Malambing na sabi nya sa nobya. Nag-isip naman si Jacq at waring may hinanap sa kanyang mga dalang libro at bag. Binuksan pa nya ang kanyang bag para hanapin kung ano ang kanyang nakalimutan. "Wishart, wala akong nakalimutan. Andito naman ang celphone ko, payong na de fold, kumpleto naman ang mga ballpens ko, andito rin ang coin purse ko at wallet." Saad nito kay Zed habang ini-isa isa nya ang laman ng bag nya. Napatingin sya dito at ng makita nya ang nobyo ay nakatawa ito sa kanya ng ubod lapad. "Wishart! Sabihin mo na kung ano ang gusto mo, baka ma-late pa ako sa practice namin. Bakit ba ganyan ang ngiti mo? Naka drugs ka ba?" Pagbibiro nito sa nobyo. Biglang nagbago ang mukha ni Zed, ang maamong mukha na animoy anghel na nakangiti kanina sa kanya, ngayon ay nagbago na kunot noo at ang mga matang dati ng singkit, lalo pang naningkit sa inis kay Jacq. Dahil parang nang-aasar pa ito sa kanya. "Wishart, nakalimutan mong kiss ko. Alam mo namang not complete my day without your tender kiss." Nagtatampo nitong sabi kay Jacq. Sumilay naman ang ngiti nito sa sinabing iyon ng nobyo, kaya inilapit ni Jacq ang mukha nya kay Zed. Walang kaalam-alam ang loko sa paglapit na iyon ni Jacq. Nakatingin kasi sya sa gilid nya at nakatanaw sa mga taong naglalakad, sabay saad na "And one thing, Wishart, hindi ako adik, siguro sa ano?...." at saka nito binitin ang dapat sana ay sasabihin pa nya, at ngiting asong tinapunan ng tingin ang nobya. "Wishart!" tirik mata namang sabi nya sa nobyo at may pag kunot pa ito ng noo. Sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa, at hindi nagtagal ay si Mary Jacq narin ang sumuko. "Wishart." Malambing na bulong nito sa may tenga ni Zed. Nagulat naman si Zed, kaya bigla syang napalingon at ayun.... sapul.... haha. Alam nyo na ang eksena... isang matamis na halik sa labi ang magkasintahan. "Wishart naman, wag mu nga akong ginugulat ng ganon, ayan tuloy naka isa ka na naman sa akin, hahaha." Tuwang-tuwang sambit ni Zed, at sabay halik sa noo nito. "Sus! Kunwari ka pang nagulat ka, e yun naman talaga ang ipinagmamaktol mu dyan." Sagot naman ni Jacq na naka yakap na kay Zed. "Hahaha! Buo na ang araw ko. Sige na baka ma-late ka sa practice nyo. Bye! Wishart." Nakangiting ubod tamis ni Zed sa kanya. "Babye. Ingat ka ha." Malambing din nitong tugon sa kanya. Pagkasara ng pinto ng kotse ni Zed ay sumilip muli si Jacq, at sumenyas ito sa nobyo na tumawag sa kanya. Tango naman ang isinagot nito sa kasintahan. At tuluyan na ngang umalis si Zed.
-------
Nagmamadali si Jacq at napatakbo pa ito paakyat sana sya ng hagdanan papunta sa room nila para sa mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa kanya, ng sa hindi inaasahan ay matisod sya at napadakdak sa isang lalaking nakatayo sa may malapit sa hagdan ng kanilang school.
Kamuntikan na silang matumba sa lakas ng pagkakasadlak nya sa lalaki. Mataman na maraming nakakitang mga students sa paligid, ay hindi agad nakagalaw si Jacq sa pagkaka-subsob nya sadibdib ng lalaki dahil sa pagkakatisod nya.
Nagulat at nahimasmasan lang si Jacq ng magsalita na ang lalaking nakaakap sa kanya. "Ehem! Basag ng isang baritonong lalaki. "Miss, okay ka lang ba?" Muling saad ng lalaki kay Jacq. Napa-agwat naman bigla si Jacq sa narinig na boses, at napa-angat ang mukha nya sa lalaking nagsalita.
Laking gulat nya ng makita nya ang mukha ng lalaki.
Hindi sya makapagsalita. Tulala at nakatitig sya dito.
Bigla namang ngumiti ang lalaki sa kanya, at sumilay dito ang malaporselanang mapuputing ngipin ng lalaki. Laking gulat muli ni Jacq ng ito ay muling magsalita. Malambing ang boses ng lalaki. "Miss! Are you okay? Kasi, kung hindi, i can take you to the clinic." Saad ng lalaki kay Jacq na ngumiti ulit at saka inilahad ang kamay nito sa kanya para samahan sya sa clinic daw :). Pero hindi parin makagalaw si Jacq sa pagkakatayo nya sa harap ng lalaking nakabanggaan nya. "Miss, ang sabi ko okay ka lang ba? Nakakaintindi ka ba ng tagalog o baka naman bisaya ka, sorry, i can't speak bisayan language." Muling saad nito. "Ahh... hi-----hi----hindi naman ako bisaya, batangeña, oo." Sagot na pautal nya sa lalaki. Muli namang ngumiti ito sa kanya, ng sa lalapit sana ang lalaki ay biglang, "Okay ako. Okay na okay, Mr. Maraming salamat nalang sa.... sa.... ahh... hehe, sa sayo. Hindi ako nabagok o nabalian. Thank you. Kelangan ko ng magmadali kasi male.... shit.... late na nga ako... bye" awat nya sa paglapit sana ng lalaki sa kanya, at sabay sabing okay lang daw sya at nagpasalamat ito dahil hindi naman daw sya gaano nasaktan. At saka nagmamadaling umalis si Mary Jacq.
BINABASA MO ANG
My Secret BoyFriend..
Teen FictionNa experience nyo na ba na ma Love at First sight sa isang tao? Ako.. OO! Sya yung tipong minahal ko na sa unang kita ko pa lang sa kanya. Kilig... naman, kapag nasusulyapan ko ang Gwapo nyang mukha. Sya na... ang Boyfriend ko.. at kapag nalaman nya...