Chapter 9: I Love U, Baby Ko!

441 13 6
                                    

Chapter 9

VIllacorda Residence:

 "Hi, Kuya,"      bati ni Zenrich sa kanyang Kuya Zedric, na busy  kakalikot ng kanyang laptop.    "hi, sis, how's your day?"     balik na bati naman ni Zed at sabay tanong narin sa kapatid.     "Okay lang naman Kuya, wala gaano kaming ginagawa, kasi nga malapit na ang graduation ng mga 4th year student ng Saint Querino ."     sagot ni Zenrich sa kanyang Kuya at sabay upo sa tabi ni Zed.   "Really? How's my girlfriend? Is she okay? Balita ko masyado daw silang busy ngayon."     tanong ni Zed sa kapatid, habang busy parin sa pagkalikot sa kanyang laptop.  "Naku, Kuya, ngaragan nga ang peg nila eh, lagi sila may quizes at long test, hindi na nga kami nagkikita ni ate Jacq, lagi na lang nya sinasabi dun sa kasama nyang trainor din na busy sila dahil sa graduating nga sila. Kaya ayun, no choice kami ni bff, tiisin na lang yung isang trainor na inasign ni ate Jacq para sa amin ni Louella. "     sagot naman ni Zen sa kanyang Kuya.    "(^sigh^)"    buntong hininga ni Zed.     "Uhhh! Bakit Kuya,  warla ba kayo ni ate Jacq?"    nagtataka nyang tanong sa kanyang Kuya.    "Nope! I'm just worried about her health, siguro naman nabalitaan mo yung nangyari sa kanya 3 months ago?"     nag-aalalang sagot nya sa kapatid.     "Yup, Kuya. Yung sinugod mo sya sa hospital, at ang findings ng Doctor ay over fatigue, lack of sleep, and lack of nutrisious food, tama ba ako Kuya?"     tanong nya sa kanyang Kuya Zedric, habang nakatingin sa ginagawa ng kanyang Kuya Zedric.    "Correct! Kaya worried ako sa kanya."    nag-aalalang sagot ulit ni Zed sa kapatid.    "Tama ka Kuya, this past few days, medyo napansin ko rin na parang nangangayayat si Ate Jacq, but in fairness ha Kuya, she's pretty now, like before na makilala ko sya."     nakangiting sagot nya sa kanyang Kuya, ng may lumapit sa magkapatid.    "Ahh! Sir. Aaron, heto na po yung snack na pinahanda nyo."      sabi ng kasambahay nila kay Zed.     "Okay, Manang, pakipatong na lang po sa mesa, at salamat po ulit Manang."       nakangiting sagot naman ni Zed sa kanilang kasambahay.     "Thank's Manang, sa merienda."     pahabol na sabi naman ni Zenrich.    "Naku, walang anuman po yun. Eh, kung wala na po kayong ipag-uutos,  pero kung meron man sa kusina lang po ako, Ma'm Angel at Sir Aaron."      bilin ng kanilang kasambahay.     "Ayyy! Manang, wag na po Ma'm at Sir ang tawag nyo sa amin ni Kuya, nakakailang po e,   Angel or Zenrich nalang po ang itawag nyo sa akin."     sabi nya sa kanilang kasambahay.   "At ako ay Aaron nalang o kaya Zedric, o kung nahahabaan ka sa name ko, Zed nalang Manang, mas okay pa, hehe."    nakatawang sagot naman ni Zed sa kanilang kasambahay.     "Naku! Nkakahiya naman po kina Sir Richard at Ma'm Zeny, kung ganoon lang po ang itatawag ko sa inyong magkapatid."    nahihiyang sagot ni Manang sa kanila.    "Okay lang po yun, Manang, sila Mom and dad nalang ang tawagin mong Ma'm at Sir, kasi bagay sa kanila,"     sagot naman ni Zenrich kay Manang.     "Majojonda na kasi sila e hahaha."     at sabay bulong nya kay manang ng nakatawa.    "Oo nga Manang, I agree."      sang-ayon naman ni Zed sa kapatid.    "Kayo ang bahala, kung yan ang nais nyo, ay masusunod."      nakangiting sagot ni Manang sa magkapatid.     "Pano, Zed at Zen, dun muna ako sa kusina, kung may ipapagagawa kayo sa akin, ipatawag nyo na lang ako."     Pahabol pa ni Manang sa kanila.    "Sige po, Manang, okay nap o kami ni Kuya ditto ^__^."      nakatawang sagot ni Zenrich sa kasambahay nila.

At hindi rin nagtagal ay naayos narin ni Zed ang kanyang laptop na kanina pa nya kinakalikot.

Masayang kumain ang magkapatid hinandang meryenda ni Manang, nagkwentuhan sila, at naalala nila ang kanilang mga magulang.    "Kuya!"  tawag ni Zen sa kuya nya.    "Uhhmm."     Sagot naman ni Zed sa kapatid,  "I miss Mom and Dad. Ikaw kuya, sinong namimiss mo?"     seryosong tanong naman ni Zen sa kanyang kuya.    "I miss them too. But, I miss my girlfriend most ^___^."      Nakatawang sagot nya sa kapatid.     "Baket? Ilang araw na ba kayong hindi nagkikita ni Ate Jacq?"      nakataas kilay naman nyang tanong sa kanyang kuya.      "Araw? Tsss! Mga……."    nagbilang si Zed sa kanyang mga daliri,     "3 hours na hindi ko pa sya nakikita, hahaha."      sabay tawa ng malakas at kindat sa kapatid.    "Huh? 3 hours…… huh! You're crazy, kuya, akala ko naman count by days ang hindi nyo pagkikita, pssshh, tatlong oras lang pala. Kuya, adik ka alam mo ba?"     naiinis na sabi ni Zenrich sa kanyang Kuya.     "Adik sa kanya….. Halik sa akin, hahaha."     Pakantang nakatawa si Zed sa kanyang kapatid.  "Ewan ko sayo Kuya, hmmpp."     Napatayong inis si Zen sa kuya nya at,   "Dyan ka na nga, baka magaya ako sayo at maging adik din ako sa kiss, hehe."     pahabol ni Zen sa kanyang Kuya, at sabay talikod nito sa kapatid.    "Hoy! Angelie Zenrich, subukan mong gawin yun, bubugbugin ko kung sinumang lalakeng yun."      pasigaw na sabi ni Zed sa kapatid. Pero hindi na sya pinansin ni Zenrich sa mga sinabi nya, derederetso lang si Zenrich kung saan man ang punta nya.    "Hoy! Zenrich, comeback here, I'm talking to you, you brat."      Pahabol na sigaw nya sa kapatid pero hindi na sya pinansin nito, kaya wala syang nagawa kung hindi maupo ulit at tingnan ang kanyang laptop kung naayos ba nya o hindi.

My Secret BoyFriend..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon