Kinabukasan:
"Ang sakit ng ulo ko." Angal ni Henry kay Paul. "Ubusin mo ba naman ang mga natirang alak, natural malalasing ka. Pare, hang-over yan, mabuti pa ay sundutan mo ulit ng alak, para mawala ang lasing mo." Sagot ni Paul kay Henry. Walang kamalay-malay ang dalawa sa nangyayari sa loob ng glass house sa may taas na bahagi ng resort, kung saan nag celebrate ng birthday si Paul.
Nang maka-akyat silang dalawa, ay may narinig silang kaluskos sa may bandang sulok. Nagkatinginan sila, at dali-daling tinignan kung anong kaluskos iyon.
"Pare, may ibang tao bang nakapasok dito?" Tanong ni Henry kay Paul. "Syempre wala. Restricted lang to para sa atin. Baka naman pusa, o kaya aso?" Sagot naman ni Paul kay Henry. " Pasukin na natin, pare, trespassing yan, kung sino man yang gagong yan." Nasaad ni Henry, kaya mabilis nilang tinungo ang kaluskos na iyon, kung saan nagulat sila ng makita kung sino yon. "Trisha!" Sabay nilang sambit na ikinagulat ni Trisha. "Ahh. Na... Nagutom kasi ako. Hindi kasi ako nakapaghapunan kagabi. Pasensya na kung nakaistorbo ako sa inyo. Akala ko kasi natutulog pa kayo, kaya ako na lang ang nag-ayos at naghahanap din ako ng tirang pagkain." Nahihiyang sambit nya sa dalawang lalaki. Wala namang kibo ang dalawa sa tinuran ni Trisha. Nanatili silang nakatayong tatlo. Nakatitig lang kay Trisha ang dalawa. " Hindi naman siguro masamang kumain ng handa mo Paul, nagutom lang talaga ako. Sorry ulit." Paghingi nyang muli ng pasensya. "Okay lang yun. Bakit kasi uminom ka ng hindi pa kumakain, masama kaya yon. Sa susunod, wag munang ulitin ang uminom ng alak na walang laman ang tyan mo." Si Henry ang nagsalita, "Mabuti pa, ay tulungan ka na namin dyan. Ano sa palagay mo, pare?" Dugtong nyang kumindat kay Paul. "Oo ba. Umpisahan na natin, para paggising nila ay makapag-almusal muna tayo." Sabi ni Paul. "Tama! At ng makapag swimming narin, hindi ako nakalangoy kagabi. Bago man sana tayo makauwi mamaya e makapagrelax naman ang katawan ko sa tubig :)." Pahabol nyang saad. "Hindi kayo galit sa akin.... Sa pakikialam ko dito sa mga pagkain?" Alanganing tanong ni Trisha sa kanila. "Hindi!" Sabay nilang sagot dito. "At dahil ikaw ang nandito, ikaw din ang tutulong para mag-ayos ng breakfast, okay ba?" Si Henry ang nagsalita, sabay wink nya dito. "Psh! Oo naman. Ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ako tutulong sa inyo." Sagot nyang tumaas ang sulok ng kilay nya. "Bakit hindi ba?" Biro naman Paul sa kanya. "Hindi kaya." Nakangiti naman nyang sagot "Sorry nga pala sa pagka lukaret ko. Hindi ko lang kasi matanggap ang mga nangyayari e. Mahal ko naman talaga si Zedric, kaya lang huli na ata ako para maibalik ang dating kami." Muli nyang sabi sa mga ito, habang kumikilos na silang tatlo sa paghahanda ng almusal para sa lahat. "Anong ata? Hindi na talaga, Trisha. Hayaan mo na lang si Captain na lumigaya kay Jacq. Tanggapin mo nalang na hindi kayo para isa't-isa. Maganda ka, Trisha may makikilala ka pang mas higit kay Captain. Anong malay natin, di ba?" Si Henry ang nagsalita, nagkibit balikat lang si Paul sa tinuran ng kaibigan para kay Trisha, ngunit sa mukha ni Trisha, mababakas mo ang lungkot at pagkabigo nito sa hindi naibalik na dating kanya.
Napansin naman ng dalawa ang biglang pananahimik ni Trisha dahil sa binitawang salita ni Henry.
Nilapitan nila ang dalaga. "Trish! Na-offend ka ba namin ni Paul? Kasi wala ka ng kibo dyan, tapos nangingilid pang luha mo. Sorry kung na-offend ka sa mga sinabi ko." Hingi na sorry ni Henry kay Trisha. "I know its my fault. All of this, na nangyayari , kasalan ko. I admit it. Sana lang maging magkakaibigan parin tayo. Kahit na nasuklam kayo sa akin minsan." Malungkot na hiling nya sa dalawa. "E, kung ayaw namin. Anong magagawa mo?" Si Henry ulit ang nagsalita. Napatingin si Paul sa kanya sa binitawang salita kay Trisha. "Hindi naman ako ganon kasalbahe Henry, pero kung sagad talaga ang pagkasuklam nyo sa akin, me magagawa ba ako, syempre wala." May lungkot sa mga mata ni Trisha at pagka dismaya sa sagot na iyon ni Henry. Deretsahan kasi kung ito'y magsalita. "Bakit ba ang laki ng galit mo sakin, ha, Henry? Wala naman akong ginawang masama sa yo, sa Captain nyo pa siguro, pero sa pakiwari ko, pinatawad na nya ako." Muling saad ni Trisha, nanatiling walang kibo ang dalawa, "pero ikaw, ang sama ng pakita mo sa akin. Tao din naman ako ah, nasasaktan. Nagmahal lang ako, Henry, Paul, pero hindi naman makatwiran yung ginagawa nyo sa akin." Pagsasalita nyang muli, na tahimik parin ang dalawa na nakatingin lang sa kanya. "Ano bang problema nyong dalawa, hah? Bakit ba puro titig at wala kayong kibo dyan? Hindi man lang ba kayo magsasalita? Naiinis na ko." Padabog na binitawan ni Trisha ang hawak na plato na lalagyan nya sana ng mga hiniwang keso, palaman sa tinapay. Pero hindi na talaga kaya ni Trisha ang gutom nya.
BINABASA MO ANG
My Secret BoyFriend..
Fiksi RemajaNa experience nyo na ba na ma Love at First sight sa isang tao? Ako.. OO! Sya yung tipong minahal ko na sa unang kita ko pa lang sa kanya. Kilig... naman, kapag nasusulyapan ko ang Gwapo nyang mukha. Sya na... ang Boyfriend ko.. at kapag nalaman nya...