Chapter 7

808 51 9
                                    

a/n:UNEDITED HI MABUTI NA LANG MAAGANG BUMALIK ANG KURYENTE DITO SA AMIN HAHAHA... PASPAS NA UPDATE  HETIC SHEDULE AHEAD! HAPPY READING TO ALL KEEP SAFE MGA LANGGA GOD BLESS US ALL


LUKE 16:10 WHOEVER CAN BE TRUSTED WITH VERY LITTLE CAN ALSO BE TRUSTED WITH MUCH, AND WHOEVER IS DISHONEST WITH VERY LITTLE WILL ALSO BE DISHONEST WITH MUCH


Chapter 7

"SI MISS AVE hulog talaga nang langit sa atin biruin mo umuwi lang siya dito ang daming blessing na dumating sa buhay natin"

"oo nga pre tuwang tuwa yung Misis ko may extra income kami dahil dalawa kami ngayon ang kumikita"

"tama ka dyan pre yung mga dalaga ko nga rin eh makakaipon kahit papaano pambili ng bagong uniporme tska notebook ngayong pasukan"

"nakakalungkot lang isipin no ang nangyari kay Miss Ave" napatigil ako sa pagbubungkal ng lupa ng marinig ang usapan na iyon kalapit sa akin.

"oo nga eh sinayang nung asawa gago iyon! hindi niya alam swerte niya biruin mo yung taong yan madiskarte sa buhay... maganda na diba hindi pa maarte...."

"ay oo totoo yan! Nung birthday nga ng anak ko biruin mo dumalaw sa bahay eh wala kaming ka pera pera nun alam mo ba binilan niya ng handa yung anak ko tapos akala ko nga mandidiri eh alam mo bang kumain siya sa bahay ng walang arte."

"kung yung anak lang sana ni Gov. Loriega ang nakatuluyan ni Miss Ave sigurado ako hindi magiging single mom yang si Miss Ave..."

"ay oo naman boto ako dun sa dalawa na iyon parehas mapagkawangga diba tapos parehas pang galing sa prominente pamilya pero hindi mapagmata sa kapwa."

"pero malay mo diba sila pa rin tska binata pa yung anak ni Gov pwede pa, hindi naman big deal sa mga Loriega kung may anak na eh.."

"sabagay nanay nga ni Gov ganun diba?"

"oo nga!"

"oyyy! Chismis pa dyan Dalian ang trabaho! Tandaan may kota pa tayong hinahabol!"

Napatiim bagang ako habang patuloy na nagtatrabaho at nakikinig sa mga usapan nila, hindi mangyayari iyon sisiguraduhin kong mababawi ko ang mag-ina ko sa kahit anong paraan.

"Mac ano sama ka mamaya inuman daw Tuba!" si Mario

"sama ka na Mac umuwi na lang tayo kapag hindi naman natin kasundo iyong mga kasama nakakahiya lang kasing tanggihan" si Eman

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"namumula ka na Mac o sayang ang kutis mo!" si Nuel

Napatawa lang ako at umiling-iling habang tinatapos ang trabaho.

"mga kasama Time Out muna kumain muna tayo!" sigaw ni Mang Gido ang kanang kamay ni Adamson. Nagsipagpuntahan naman kami sa gripo para maghugas ng kamay.

"pre baka malawa yang wedding ring dapat tinago mo muna" si Mario.

"hindi naman maluwag.. ayos lang" sagot ko.

Nakapila kami sa isang mahabang lamesa na punong puno ng pagkain.

"ang sasarap naman ng pagkain sa mata nakakagutom" si Nuel habang sumasandok na kami ng kanin.

"Si Miss Ave yung nagluto ng Kaldereta mga pre kaya siguradong masarap yan!" anunsyo nung isa at ng sinabi niya iyon yun lang ang tanguing ulam na kinuhanan ko pagdating nga na ako na ang sasandok taob na eh. My wife was been treasured most of these men at hindi ko napipigilang hindi magselos.

His Own Property Mini  Series (7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon