KABANATA 1 - By Chance (Yuan)

31 0 0
                                    

            Isang ordinaryong araw na naman at naririning ko na naman ang mga pabalik-balik na mga “speech” na ginagawa ng mga guro sa harapan ko. Parati nalang…

            “Yuan Salcedo, go to my office after dismissal!”

            “Mr. Salcedo, see me in my office during recess.”

            Ganito nalang parati ang mga eksenang tumatambad sa akin araw-araw dito sa Mount Olympus Academy. Tinawag raw na MOA ang eskwelahang ito dahil ang mga estudyanteng kasingtalino lang raw ng mga diyos ang nakakapasok rito, ika nga ng endorsement nito sa telebisyon. Kung hindi nga lang ako anak ng may-ari ng establisyementong ito, malamang hindi ko malalamang hindi matatalino kundi mayayaman lang ang karaniwang nakakapasok rito.

            Anak ako ng isa sa mga pinakamayamang tao sa bansa na si Lawrencio Salcedo. Siya lang naman ang may-ari ng mga tanyag at naglalakihang malls, food chains at paaralan dito sa bansa. Siyempre, kabilang na ang MOA doon. Kaya nga hindi ako magawang paalisin principal namin doon kahit anong kagaguhan at katarantaduhan ang gawin ko eh. Ang swerte ko nga naman.

            Pero hindi kailanman lumabas ang pangalang Yuan Lawrence Salcedo sa mga telebisyon at pahayagan. Isa lang naman ang ibig sabihin n’on, diba? Ikinahihiya niya ako. Kahit anong gawin ko noon, hindi man lang niya ako pinupuri at lalong hindi man lang niya ako binigyan ng panahon. Mas mabuti pa nga sigurong maging isang pulubi kaysa maging anak ni Lawrencio.

            Ilang minuto matapos akong sermonan ng mga guro kong daig pa si Noynoy kung makagawa ng speech, napansin ko ang isang weirdong babae na biglang tumabi sa akin. Miyerkules ngayon kaya hindi kami naka-uniporme.

            “Hi, I’m Ana. Magpartner raw tayo for this quarter.” walang-buhay na saad niya sa akin.

            Tiningnan ko ang kabuuan niya. WHAT? Are you for real? Ikaw ‘yong best friend ni Kat?! Lord, maniniwala na talaga ako sa End of the World.

Isang simpleng T-shirt na naka-tuck in sa pantalon niyang hindi rin skinny ang suot nito while all the other girls on campus are wearing a dress or a skirt. Ang mas masama pa ay napakaarogante ng pakikitungo nito sa akin. Ano bang problema ng isang ito? Kunsabagay, pananamit pa lang nito, problema na. I so understand.

            “In case hindi ka nakinig kanina… Sorry, parati ka palang hindi nakikinig. Gagawa raw po tayo ng kanta bilang proyekto natin sa finals using a guitar.” kalmadong pagpapatuloy niya ng mapansing mariin ko lang siyang tinitigan. Diniinan pa niya ang salitang po.

            Wow! Ang tindi ng babeng ito ha! Bakit ngayon ko lang kaya nakausap ang ‘Manang’ na ito?

“Sorry. I didn’t know that the ultimate genius of our batch can’t do it herself.” puno ng sarkasmong sagot ko.

            “Oh yeah! Sorry rin pala. Nakalimutan kong hindi mo na pala kailangang magsumikap para makapasa.” anito.

“What do you mean?” nagtatakang tanong ko.

Lumingon ito sabay pukol ng isang makahulugang ngiti o “evil smile” kung tawagin ng mga anime fanatics na animo nagpapahiwatig ng may sekreto siyang nalalaman. Pagkatapos ay sumulat na ito sa ¼ paper niya. “Okay. I’ll do this project alone. Umalis ka nalang at baka may naiwan ka pang ‘monkey business’ roon sa kabilang kanto.”

            The nerve! Hinahamon mo ba ako? At saka, bakit mo alam na anak ako ni Lawrencio? Alam kong ang ‘monkey business’ na tinutukoy ni Manang ay tungkol sa away ko kanina laban sa mga estudyante ng kabilang paaralan. Ngunit kahit na kilala man akong pasaway at basaguliro, parati naman akong kasali sa Honors’ List. I’m smart without even trying, ika nga ng mga kaklase ko. Pero bakit alam na alam ng babaeng ito ang mga kahinaan ko?

            Nang akmang tatayo na sana si Manang para ipasa ang papel na may nakasulat na pangalan lang niya ay pinigil ko ang kamay niya.

“Stop.” agad na sabi ko. Taas-kilay niyang tiningnan maigi ang mukha ko. “Fine! I’ll do it. Happy?” agad na inagaw ko ang papel na hinahawakan niya at sinulat rin ang pangalan ko.

“Honestly, no.” deretsahang sagot nito pero halata naman sa mukha nito ang ngiting pilit nitong itinatago. Para sinasabi ng ngiti nito na, Ha-ha! Isa kang malaking talunan, Yuan!

I silently cursed her under my breath. You’ll regret the day you made me notice your existence, Manang.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon