Alas sais pa lang ng umaga ay pumupunta na ako ng paaralan. Hindi ko na hinihintay si Kat tuwing umaga dahil ang tagal talaga nitong matapos sa pag-aayos sa sarili.
Iisang sasakyan lang ang humahatid at kumukuha sa amin sa paaralan dahil magkatabi lang ang bahay namin. At saka boss rin ng papa ko si Tito Andrew, ang daddy ni Kat, kaya ito na rin ang nagbabayad ng tuition ko sa MOA.
Habang naglalakad ako papunta sa paaralan ay may bumundol sa likuran ko dahilan para malaglag ang mga gamit ko.
“Ano ba?! Ang laki-laki nitong sidewalk! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” paasik na sambit ko. Okay lang sana kung ang katawan ko lang ang nabundol ng kurimaw na ito. Kahit siguro gumulong-gulong pa ako mula sa tuktok ng Mount Apo hanggang sa pinakamalalim na parte ng Marianna’s Trench, hindi siguro ako magagalit ng ganito katindi!
“Sorry Ana! Hindi ko sinasadya.” panghihinging-paumanhin ng isang baritonong boses sabay kuha sa mga gamit kong nakakalat sa daan.
“R-renzo! Huwag mo akong iwan!” naiiyak na sambit ko. Hindi ko na inintindi pa ang mga gamit kong nakakalat sa daan dahil ang pinakamamahal kong si Renzo lang ang umuukupa ng isip ko.
“Ah, Ana? Okay ka lang?” pukaw ng baritonong boses sa kalagitnaan ng aking paghihinagpis. Ngayon ko lang naalala ang taong nakabundol sa akin. Handa na sana akong ituloy ang litanya ko ngunit laking gulat ko nang bumulagta sa aking harapan ang isang pares ng mga maiitim na mga mga mata.
“S-sykes?” gulat na sambit ko. Mabilis pa sa alas kuwatrong pinahid ko ang mga luhang nagsilandasan sa aking pisngi.
“Whoah! Akala ko nagda-drama ka lang! At saka, sino ba ‘yang Renzo na iniiyakan mo?” tiningnan nito ang nasa harapan ko. Natigilan ito at halatang nagtitimpi ng tawa. “Ahm! Sorry talaga ha? Pinatay ko si… Ahm! Renzo mo.” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay agad itong tumalikod. Hindi ko man Makita ang mukha niya, alam kong tumatawa na ito dahil yumuyogyog ang mga balikat nito.
Nakakahiya ka, Ana!
naisaisip ko.
Pagkatapos akong tulungan ni Sykes kanina ay siya na rin ang nagprisintang bumitbit sa mga labi ni Renzo.
Si Renzo nga pala ang gitara at boyfriend ko. Nabili ko siya last summer. Ilang trabaho rin ang pinasukan ko tuwing summer para lang mabili ko siya gamit ang sarili kong sikap pero nawala ang lahat ng pinaghirapan ko sa isang kisapmata.
Kahit papano, sulit pa rin naman ang sakripisyo ni Renzo. Heto ako ngayon, naglalakad patungong MOA kasama ang prince charming ko!
“Sayang! Nakilala mo agad ako. Magpapanggap na naman sana akong si Yuan dahil nakadisgrasya ako.” nakangiting sambit nito na siyang bumasag ng katahimikan. “Paano mo nga pala ako nakilala? Kapag kasi nakikipag-usap ako ng seryoso sa ibang mga babae ay napagkakamalan agad nila akong si Yuan.”
Paglingon niya sa direksyon ko ay nag-abot ang mga mata namin. Bigla tuloy akong natameme. “Ha? Eh, ewan ko! Magkaiba naman kayo ah!” wala sa sariling sagot ko.
Ang tanga mo talaga, Ana!
“Magkaiba? Identical twins kami, Ana.” tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
“May doktor na bang nagsabi na walang pagkakaiba ang mga identical twins?”
“Kunsabagay!” natatawang tumingin ito sa kalangitan. “Pero bakit maski sarili naming ama ay hindi kami ma-distinguish? biglang lumungkot ang anyo nito. Taliwas iyon sa Sykes na kilala ko kaya dagling nawalan ako ng mga salitang sasabihin. “Nandito na pala tayo!” sumigla na naman ito.
Nakangiting tinitigan ko lang siya. Sykes Thatcher Salcedo, bakit mo kinuha lahat ng attributes ng prince charming ko? Nadagdagan pa ng bonggang-bongga ang kilig na nararamdaman ko nang bigla siyang lumingon sa akin at pinakawalan ang ‘killer smile’ niya.
Lord, nasa heaven na ba ako?
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Ficção Adolescentefirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/