EPILOGUE (Analyz)

11 0 0
                                    

So that was mainly all of it. Labing-isang taon na ang nakakaraan. Isa na akong cardiologist at mula noon ay hindi na ako nagkaboyfriend pa ng iba. Hindi na kasi ako nagkainteres pa. Nag-alala nga si papa kasi baka hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin daw ako.

Sa totoo lang, name-miss ko pa rin si Rence hanggang ngayon. Tama nga ang sinabi niyang: You’ll never know when it got started not until you notice it already made a hole too deep. Akala ko kasi paglipas ng maraming taon ay makakalimutan ko rin siya kasi siyempre ang bata pa namin noon. Pero nagkamali ako. Hindi ko na-realize na ganoon na pala kalalim ang damdamin ko para sa kanya. At least, hindi na ako nagluluksa, diba? I’m actually ver happy right now with my son.

Oo, nag-ampon nga ako anim na taon pagkatapos ng gabing iyon. I named him after his lawfully legal father, Yuan Lawrence Salcedo. Ikinasal kasi kami ni Rence sa papel six years ago. Wala rin namang tumutol. And Sykes is happily married to Cassy right now.

Sa tuwina ay naaalala ko ang pelikulang A Walk to Remember. Ang bidang babae ang namatay roon, diba? Eh paano kung ako kaya iyon namatay? Hindi rin kaya ako makalimutan ni Rence katulad ng bidang lalaki sa pelikula?

Pero kahit pa ano ang kahantungan ng buhay ko ngayon, one thing’s for sure. My heart will beat for him alone and so will his beat for me alone. I may not have him with me now, his heart will always be.

-----WAKAS-----

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon