KABANATA 11 - Wrongfully Right (Analyz)

5 0 0
                                    

 “Ana! Naghihintay na sa’yo si Matt at Kat sa baba! Bilisan mo!” sigaw ng papa ko mula sa unang palapag ng bahay namin. Himala at hindi ito maagang umalis ng bahay ngayong araw na ito.

“Opo! Malapit na po akong matapos!” pasigaw rin na sagot ko. Sa lahat kasi ng pinakaayaw nito ay ang hindi ko pagtugon sa mga sinasabi niya. Ewan ko ba pero matagal na talagang OA ‘tong papa ko.

Binilisan ko ang pag-iimpaki ng gamit ko sa paaralan. Unang araw kasi ngayon ng pasukan at gaya ng napagkasunduan namin noon, sabay nga kaming pupunta nina Matt at Kat ng paaralan. Sasakay kami sa magarang limousine nina Kat.

Bago ako lumabas ng silid ay tiningnan ko muna ang kabuuan ko sa salamin. Maikli na ang buhok ko ngayon at rebounded. May bangs na ring tumatakip sa mga mata ko paminsan-minsan. Ang damit ko nama’y isang simpleng dress na kulay asul at hanggang tuhod ang haba. Gone were the old features of Analyz Gonzales.

Nang makababa na ako ng hagdan ay nagtaka ako ng si Matt lang ang nakita kong nag-aabang sa akin.

“Si Kat, asan?” tanong ko kay Matt.

“Hindi bumaba ng sasakyan. Napuyat kasi kakaiyak kagabi.” tsismosong pagbabalita nito.

“Ha? Naku! Hindi na naman ba binigyan ng allowance ng daddy niya?” may pagka-OA o artistahin kasi itong si Kat. Noong minsang binawasan ng daddy nito ang allowance nito ay hindi ito pumasok ng paaralan.

“Hmmm… Mas malala pa diyan.” tinuro ni Matt ang ulo niya. “May sayad na nga siguro ang babaeng ‘yon.”

Dali-daling pinuntahan ko ang sasakyang nag-aabang sa amin sa labas. Hindi ko na hiningi ang permiso ng drayber ng sasakyan at basta-basta nalang akong pumasok. Sumunod naman si Matt pero naghintay lang ito sa labas.

“Kat, what’s wrong?” nag-aalalang tanong ko kay Kat. Pero bahagya akong nagtaka at nabigla nang pinandilatan lang niya ako ng mata.

“Are you seriously asking me what’s wrong, Ana?” matigas na sabi nito sa akin. Ano bang nagawa ko? Bakit ba ito nagagalit sa akin?

“Kat, bakit…”

“Ikaw! Ikaw ang problema, Ana! Walang-hiya ka! Nilandi mo na nga si Yuan ay inakit mo pa pati si Sykes! Alam mo bang nakipagbreak sa akin si Yuan noong mga araw na parati kayong magkasama? At saka, alam mo namang gusto ko rin si Sykes! Ba’t mo siya inagaw?” puno ng pang-aakusa ang boses nito.

“Kat, you don’t understand. Hindi kami…”

“No, Ana! Ikaw ang hindi nakakaintindi rito eh. Daddy ko ang nagbabayad ng tuition mo kaya huwag kang aasta na parang isang prinsesa. You’re nothing but my slave, understand?”

Pagkatapos ng pang-aakusa nito ay walang-pahintulot akong agad na bumaba ng sasakyan. Nang makaalis na ito ay hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nag-iimpit na kumawala sa mga mata ko. So alipin lang pala ang tingin sa akin ni Kat. All these years, akala ko kapatid na rin ang tingin niya sa akin. But I was wrong. I was and have always been nothing but a mere slave to her.

“Shhh.” pagpapatahan sa akin ni Matt sabay tapik sa ulo ko. “Napakafeeler lang talaga ng bruhang ‘yon. Pero teka…” tiningnan nito ang mukha ko. “Pinag-aagawan ka ba talaga ng magkapatid? Chikka!”

“Ang landi na ng beauty ko no?” nag-pose pa ako sa harap nito ito at tinawanan ng ito pilit. Pero mukhang nahalata pa rin nito ang kalungkutan sa mga mata ko.

“Honestly girl, si Yuan ang gusto mo no?” seryosong tanong nito.

“Hindi ah! Ba’t ko naman gugustuhin ang kumag na iyon? Ni hindi nga siya papasa bilang isang prince charming.” pagsisinuwaling ko pero hindi pa rin tinitigan lang ako nito. “Magaling lang talaga siyang gumawa ng kanta.” pag-amin ko rin sa wakas. Sa totoo lang, naalarma talaga ang isang bahagi ng isip ko. Gusto ko ba talaga si Rence? Kaya ba ganun nalang ang naging tugon ko kay Sykes?

“Eh bakit parati mong naaalala ang kanta niya? Or rather, bakit parati mo SIYANG naaalala? Puro Rence nalang ang bukambibig mo tuwing nag-uusap tayo noong summer tapos nag-effort ka pa talagang magpaganda!” pilit nitong tinatagpo ang mga mata ko pero hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. “Ba’t di mo pa kasi aminin girl?”

“Matt…” pinilit kong hindi maluha. “you know I can’t. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao, lalong lalo na ni Kat, pag inamin kong si Rence talaga ang gusto ko? The whole campus knows about Sykes.”

“No, Ana. Can’t you see? If the roles were reversed, you know Kat wouldn’t even hesitate. So what’s stopping you?” puno ng pagmamalasakit na sabi nito.

“Everything, Matt. Everything…” sabi ko sa namamaos na boses pagkatapos ay sinimulan ng lumakad patungong MOA.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon