When I became well months after my operation ay pinayagan na ako ni papa na bumalik ng Pilipinas. I couldn’t wait to see Rence once again. Nang gabing iyon din ay agad kong hinanap ang talang sinabi ni Rence sa akin noong huling pag-uusap namin.
When I looked at it, para bang may kung ano rito na nagpaparamdam sa akin kung nasaan man si Rence ngayon. Today is technically our first anniversary. Isang ngiti ang sumilay sa mga mukha ko ng biglang may tumawag.
“Hello, Kat. Yes, I’m doing fine. What? Seven o’clock? Okay, I’ll be there in a few minutes.” pagkatapos ay ibinaba na ang cellphone. Rence is asking me to meet him at 7pm tomorrow! I can’t wait…
Nang dumating ang alas siyete ay excited na lumabas na ako ng bahay. Sumakay ako ng taxi at pinuntahan na naman ang arena.
Nasorpresa na naman ako ng isang kakaibang tanawin ng arena na naman ang tumambad sa akin. Nakabukas pa rin ang roof kaya klarong-klaro ko ang mga talang nagkikislapan. Napapalibutan ang buong arena ng mga mababangong kandila na siyang nagsisilbing tanging ilaw roon.
As I walked down the red carpet aisle patungo sa gitna ng arena ay narinig ko ang kanta ni Rence.
Missing you, I’m missing you
Because I am missing you
Now, I just call out your name
Like a habit everyday, even today
Napangiti ako ng maalala ang kantang iyon. Sinabi niya kasi ang totoo na ako raw ang inspirasyon niya nang isulat niya iyon. After a while, naging instrumental nalang ang kantang iyon at pumaibabaw doon ang boses ni Rence na nakarecord. I smiled upon hearing his voice.
Welcome home, Manang. I know you’d be strong enough to fight it, no matter what the odds are. Anyway, please promise me one thing first. No matter what happens tonight, never stop believing in fairy tales, okay?
Natahimik sandali ang buong paligid kapagkuwan. Nang maalala ko ang huling pag-uusap namin tungkol sa fairy tales ay bigla akong kinutuban ng masama.
“Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa rin sa fairy tales!” sabi ni Rence.
“Why not? Ang sarap kayang makulong sa mundo ng fairy tales. Lahat may happy ending. At saka kapag naiisip mo ang ganoong klase ng mundo, parang nagkakaroon ka uli ng pag-asa at the same time, nagsisilbi na rin itong isang escape route sa realidad ng mundong ginagalawan natin ngayon.” sagot ko.
“Rence? Where are you?” hindi napigilang sigaw ko. Nang wala pa ring nangyari ay sumigaw na naman ako. “Please show yourself. This isn’t funny anymore.” nagsusumamong sigaw ko habang naiiyak na.
Bigla akong nabuhayan ng loob ng may isang pigurang pumasok sa entrada ng arena. May dala-dala itong gitara at helmet. Napangiti ako. Hinay-hinay pa rin nitong tinatawid ang aisle. Nang hindi na ako makapaghintay ay tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap siya.
“I missed you.” nakangiting sambit ko. Bahagya akong nagtaka ng hindi man lang ito gumanti ng yakap. Hinarap ko ang mukha niyang malungkot ang ekspresyon. When I meet his deep black eyes, agad akong kumawala.
“Sykes… sorry.” hinging-paumanhin ko.
“It’s okay, Ana. I just came here to bring you these.” anito na ang tinutukoy ang gitara at helmet ni Rence.
Kumunot ang noo ko. “Why didn’t he bring it, himself?”
“I’m afraid he can’t.” tugon ni Sykes. Akmang tatanungin ko naman sana si Sykes nang biglang binalot na naman ng boses ni Rence ang buong arena.
I know I’m being selfish for doing this and I know you’re hurting because of me right now. But Ana, I just can’t bear even the thought of you not being here. So please do me a favor and look at the star every night until your wounds heal. Never stop believing in happy endings. I love you so much. HAPPY ANNIVERSARY.
Hindi ko namalayang kanina pa pala nagsilandasan ang mga luha sa aking mga mata. “W-where is he?” tanong ko kay Sykes. Lungkot at sinseridad ang tanging nababasa ko sa mga mata niya.
“He died from a motorcycle accident the same night you were about to leave for States. Without telling anyone, he already planned on giving his heart to you.” ani Kat na biglang sumulpot sa likuran ko. “I’m so sorry, Ana. This is my fault.” umiiyak na sambit nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulhol ng iyak.
“YOU SELFISH BASTARD!” sigaw ko ng pagkalakas-lakas habang umiiyak. “How could you just leave? How could you just decide for yourself?” bulaslas ko sa pagitan ng mga hikbi. Pagkatapos noon ay bigla nalang dumilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen Fictionfirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/