KABANATA 13 - You're Mine (Analyz)

6 0 0
                                    

            Riding a motorcycle with Rence is one of my own personal sanctuaries here on earth. Kasi kahit ramdam ko pa rin ang takot ko tuwing sumasakay ako ng motorsiklo dahil iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ng mama ko, naglakas-loob pa rin akong umangkas kay Rence. It’s one of my limited times alone with him, why would I spoil it?

Nang makarating kami sa arena ay agad naming pinag-usapan ni Rence ang mga bagay-bagay ukol sa proyekto. Napag-alaman nito na hindi pa pala kilala ni Sykes ang kauna-unahang babaeng bumaliwala rito. Kaya naman napagkasunduan namin na gawan ito ng paraan. Ako ang gagawa ng research tungkol sa babae at siya naman ang lalapit rito.

“Didn’t you just reject Sykes?” biglang pag-iiba nito ng paksa.

“A-anong sinasabi mo?” nauutal na saad ko.

“Nakita ko kayo noong gabi ng prom sa may pasilyo. And he asked you to be his girlfriend, right?”

Noon ko lang uli naalala ang tagpong iyon sa JS Prom…

“Ana, would you please ignore Renzo and be Sykes’s girlfriend instead?” tanong ni Sykes sabay abot ng isang gitara.

“Sykes… I’m sorry.” sagot ko.

“Are you serious with Yuan, Ana?” seryosong tanong uli nito.

“Sykes, I didn’t mean to make you assume…” biglang naputol ang pagpapaliwanag ko nang muli itong magsalita.

“I’m asking you, Ana. Do you like Yuan?” mariing tanong nito.

“Yes and I’m sorry.” biglaang sambit ko.

“I’m glad then. So I guess, you’ll still want to be Sykes’s girlfriend for now?” nakangiting tugon nito sabay nguso sa gitara. So, ang gitara pala ang tinutukoy nitong magiging boyfriend ko!

“Ahhh! Ha-ha! Wala ‘yon. Nakita mo pala ‘yon?” kinakabahang sagot ko.

“Hindi ko na narinig ang sagot mo eh.” sabi nito habang tumango-tango.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpakitang-gilas na ito gamit si Mini. I never knew something dangerous could be this amazing! Nakakabilib talaga nitong tingnan habang pinapaharurot nito ang motorsiklo nang sobrang bilis. It is a fast yet secure way of manuevering a vehicle. Then suddenly, he stopped the vehicle in front of me. He took off his helmet and met my gaze with those mesmerizing hazel brown eyes of his.

“You want to drive Mini?” nakangiting sambit nito. Gwapong-gwapo pa rin itong tingnan kahit pinapawisan at medyo messy na ang buhok nito.

Tiningnan ko siya ng isang ‘alien’ na tingin at pagkatapos ay tumawa. Nang hindi ito matinag ay seryosong tinitigan ko siya sabay pakawala ng isang plastic na ngiti. “Thanks, but no thanks.”

“Don’t you trust me?” seryosong sambit nito. Ang mga mata nito ay tila nagsusumamo. Hindi ako sumagot. “Ba’t umangkas ka pa rin sa akin kanina?”

“C-coz…” nag-isip ako ng idadahilan. Think fast, Ana! Anong silbi ng outstanding grades mo? “I don’t have a choice? Yep! I don’t have a choice.” sagot ko sa paraang mas pinapaniwala ko pa ang sarili ko.

“Not bad. Pero sa tingin ko ay hindi ka pa rin papasa sa Drama Club.” nanunuksong komento nito. Pinalakihan ko lang siya ng mata. Laking gulat ko ng bigla nalang niya akong kinarga at pinaupo sa motorsiklo niya.

“Hoy! Ibaba mo ako rito! Ipapahuli kita sa mga pulis! MAMA!! RAPEEEE!” tili ko dahil hinahawakan nito ang tagiliran ko. Ito kasi ang pinakamaselang parte ng katawan ko.

Tumawa lang ito nang tumawa. “Walang makakarinig sa’yo dito. Sound proof and very private itong arena ko.” sabi nito. Tiningnan nito ang kabuuan ko sabay sabi sa napakahinang boses. “Sino naman kaya ang magnanasa diyan sa katawan mo?”

“Hoy Budoy! Kung alam mo lang! Pati aso, hinahabol ang katawan ko.” depensa ko sa pang-iinsulto niya.

Humalakhak ito ng humalakhak. Pero imbis na sabayan ito sa pagtawa ay nakita ko nalang ang sarili kong mariing nakatitig lamang sa mukha ni Rence. Para kasi itong isang bata kung makaakto sa tuwing nasa labas kami ng paaralan. Taliwas iyon sa pasaway, tahimik at misteryosong Yuan na kilala ng marami.

Nang tumingin ito sa direksyon ko ay unti-unting nawala ang ngiti nito. Napalitan iyon ng seryosong ekspresyon palagi niyang ipinapakita kaso may nababasa nga lang akong sinseridad sa pagkakataong ito.

Unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha ko. Kahit NBSB ako at wala pang muwang sa mundo, hindi naman ako bobo para hindi makuha kung anong ibig gawin ni Rence ng mga oras na’to.

He’s going to kiss me, for Christ’s sake! Ang mas malala pa ay hindi man lang ako gumagawa ng paraan para patigilin siya. Instead of stopping him, I just closed my eyes and waited for it. But to my surprise, his lips landed of my forehead.

“That’s my seal. You’re mine, Analyz.” bulong nito sa tenga ko dahilan para tumayo lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Suddenly, everything felt surreal.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon