KABANATA 9 - Fairy Tale Come True? (Analyz)

14 0 0
                                    

            “Ana, can I have this dance?”

tanong sa akin ni Sykes. Mala-prince charming talaga itong tingnan dahil sa suot nitong hango sa kasuotan ng mga prinsipe ng Inglatera.

            Kasalukuyang ginaganap ngayon ang tinaguriang ‘gabi ng mga gabi’ ng mga kabataan ----- ang JS Promenade. And I couldn’t argue less kasi feeling Cinderella talaga ako ngayon dahil niyaya ako ni Sykes na maging first dance niya!

            Pinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paglagay ko sa aking mga kamay sa batok nito habang hawak-hawak niya ang beywang ko.

“You look so beautiful.” anito. Nginitian ko lang siya. We danced together in the rhythm of the melodramatic song Marry Your Daughter. Hinintay kong dumating ang pagkakataong ito sa tanang buhay ko. Pero bakit feeling ko ay may kulang pa rin?

            Your prince is here dancing with you in the magical moment you’ve been waiting for. What more do you want, Ana?

            Nang idilat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko ang pinakapamilyar na pares ng mga matang kulay hazel brown sa aking harapan. Sinalubong ng mga iyon ang tingin ko. Suddenly, my heart skipped a beat.

            “Rence…” biglang sambit ko. Huli na ng maalalang kasayaw ko pala si Sykes.

            Bigla itong huminto sa pagsayaw at iniharap ang mukha niya sa mukha ko. “May sinabi ka, Ana?”

            “H-ha? Wala ‘yon! Napansin ko lang ‘yong mga FRIENDS ko.” pagdadahilan ko. Mabuti nalang at nakapag-isip agad ako ng salitang kasingtuno ng Rence. Whew!

“Ummm… Pwede ko bang hiramin ang partner mo, Sykes?” tanong ni Matt na biglang sumulpot sa likuran ko. Maliban kay Kat ay isa na rin si Matt sa mga maituturing kong soul sister ko. Magkaklase kasi ito at si Sykes kaya ito ang nagsisilbing isa sa mga “source” ko noon tuwing may whereabouts ako. At dahil hindi alam ng huli ang totoong kasarian ni Matt, advantage na rin iyon!

Nginitian at tinanguan lang ni Sykes si Matt.

“Bongga! Ang ganda mo tonight, Ana! Nagparetoke ka no?” anito ng lumayo na si Sykes sabay hampas ng mahina sa balikat ko.

“Hoy! At least, babae ako yesterday, today and tomorrow!” nakangiting tugon ko naman. Pagkatapos noon ay natahimik na kami.

Habang tahimik kaming sumasayaw ni Matt ay napansin kong nasa tabi pala namin sina Kat at Rence. Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang magkatitigan kami ni Rence. Parang galit ito.

“Hoy girl! Ba’t nakatitig ka kina chikka babe Kat at fafa Yuan?”

“H-ha?” wala sa loob na sagot ko.

“Aba! Wag mong sabihing si fafa Yuan na naman ang type mo? Nakakaloka ka girl!

“Hoy! Wag mong igaya ang budhi ko sa mga kalahi mo! At ikaw, wag mong sabihing si Sykes na naman ang next ‘no man is an island’ target fafa mo?” pag-iiba ko ng paksa. Ayon kasi rito, hindi dapat nag-iisa o nalulungkot ang mga kalalakihan kaya karapat-dapat lang na lapitan ang mga ito.

“Hindi no! Shuddi naman ako nang-aagaw ng fafa. Nagkataon lang talagang…” pinutol nito ang iba pang sasabihin nito nang marahil ay napansing may tatakip sa mga mata ko at tuluyan na akong igiya ako sa kung saan.

Tahimik lang ako habang tinatahak ang direksyong sinabi ng isang lalaki roon sa front gate. Nakakahiya mang aminin, pero lihim akong umaasa na sana si Rence ang may pakana nito.

Nang maabot ko ang dulo ng pasilyo, bumungad sa akin ang animo’y isang candlelit dinner na inihanda ng fairygodmother ko. Matatanglaw sa view nito ang isang maliit na man-made na lawang napapalibutan rin ng mga kandila.

Maya-maya ang may isang pigurang biglang lumitaw mula sa gitna ng kadiliman. Nang maalinagan ng kunti ang mukha nito ay gumuhit ang isang ngiti sa labi ko. Rence!

“Ana, would you please ignore Renzo and be Sykes’s girlfriend instead?” tanong nito habang nagtuloy-tuloy pa rin sa paglapit sa kinatatayuan ko sabay abot ng isang bagong gitarang mas maganda pa kaysa kay Renzo.

Hindi ko gaanong maintindihan kung bakit pero nadismaya ako ng masalubong ang mga kulay itim na mga mata sa halip na hazel brown.

“Sykes… I’m sorry.” tanging nasabi ko.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon