First thing I met nang makarating ako sa loob ng silid-aralan namin ay ang mga kulay itim na mga matang malungkot na nakatingala sa direksyon ko. Ipinatawag kami ni Mrs. Mendez, bago magsimula ang mga klase para ipaalala sa amin ang proyektong dapat naming simulan this school year ----- the photo collage.
“Hi.” naiilang na bati nito sa akin pagkatapos naming makausap si Mrs. Mendez. “Magkaklase pa rin pala tayo.”
“Uhhh, yeah. Too bad for you, I guess?” nagpapatawang sagot ko. But it wasn’t completely a joke for me. Too bad coz I’m not Sykes.
“Nah!” anito habang umiiling-iling. Sabay kaming naglalakad patungo sa silid-aralan namin. “I figured I’ll get bored without you around.”
“Kasi wala ng ipapatawag every now and then para maka-interrupt sa klase ng mga boring na teachers? I so agree.” saad ko habang tumatawa.
“Ganun nga! Pa’no mo nalaman?” kunwari ay namamanghang sagot nito. “So, sino ang magiging subject natin for the project?”
“Ewan ko. Pero sa tingin ko mas magiging interesting ang photo collage kung ipapakita nito ang istorya ng isang tao. We’re gonna focus on a human subject, right?” suhestiyon ko.
“Yup! That’s exactly what’s on my mind and actually, nakakita na ako ng perfect subject. All I need is your consent.” nakangiting saad nito.
“Who?” nagtatakang tanong ko.
“Sykes. The most popular guy in school who happens to be your twin brother.” deklara nito. Napakunot ang noo ko. Ano bang interesting sa buhay ni Sykes? Gusto ba talaga nitong ilantad sa publiko ang relasyon nila?
“O-okay. Let me guess, you want me to make a photo story about you two?” kunwari ay natutuwang hula ko. Kapag tinuloy ng Manang nato ang plano niya, I swear! Lilipat talaga ako ng club. Di pa ba sapat dito ang maging girlfriend ng kapatid ko in silence?
“No. Why would I be included in the picture?” kunot-noong saad nito. Are you seriously asking me why?
“Coz you’re together?” pasimpleng sagot ko ng hindi man lang tumitingin ng deretso sa kanya. Darn! Do you really have to make me say it?
“Earth to Rence! Sigurado ka bang magkapatid kayo ni Sykes?” natatawang tanong nito. “We’re never together, Rence. And FYI, NBSB pa ako no?” tumawa ito ng malakas.
Para akong binuhusan ng malinamnam na tubig. Hindi malamig kasi pakiramdam ko na-refresh ang system ko at nagulat at the same time. “Feeling mo naman na boyfriend-girlfriend relationship ang tinutukoy ko.” humirit pa talaga ako.
“Sus! Schedule ng monthly visit mo ngayon no? Denial stage ka na naman kasi.” sabi nito saka ipinagpatuloy ang pagtawa. “Anyway, I was planning to have Sykes as our subject because rumors has it na may pinagkainteresan daw itong babae. But the girl turns out to be a man hater.”
“Oh. Teka, may nagbago sa’yo!” gulat na bulaslas ko sabay hakbang paatras na parang naengkanto.
“Yah! Tumaas kaya ako! Tingnan mo oh, lagpas sa balikat muna ako!” nagmamalaking lumapit pa ito sa akin at sinukat ang ulo nito.
“Hindi eh!” tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Bumilog ang mga mata ko nang ma-realize na naka-dress ito. “WOW! Naging tao ka na, Manang! Pati buhok mo, unat na!” sabi ko sabay takip sa bibig ko.
“Sobra ka na ha?” gigil na hinampas nito ang katawan ko.
“Seriously, you look great.” seryosong komento ko.
“Tama na nga iyan! So kalian natin ‘to sisimulan?” biglang tanong ni Manang ng naging tahimik kami.
“Ummm… You wanna visit Mini?” naiilang na tanong ko.
“Mini?” kunot-noong tanong nito.
“My big bike. I actually, ummm, named her.” nahihiyang pag-amin ko. Hindi kasi nawala sa isip ko ang kislap sa mga mata ni Manang nang magmeet-and-greet sila ng big bike ko.
“Ahhh! Ba’t naman Mini? Eh, BIG bike kaya ‘yon!” kontra pa nito. Ang ingay talaga nito paminsan-minsan. Palagi nalang itong may tanong o isasalungat sa lahat ng mga sinasabi ko.
“Antonym kaya ng big ang ginamit ko!” depensa ko. Ang totoo galing talaga ang pangalang Mini sa first name nitong Minerva na kung basahin ay Mi-nir-va..
“Oo na! Ikaw na! Sige!” pagpayag nito.
“Same time and same place mamaya. Meanwhile, I’ll talk to Sykes about this new rumored girl.” abot-tainga ang ngiti ko.
You’re not going anywhere this time, Manang. Not without me.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Novela Juvenilfirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/