KABANATA 5 - It's Over (Yuan)

6 0 0
                                    

            “Sykes, magbihis ka na! Birthday ni Phia ngayon, remember?” excited na pangungulit ko kay Sykes.

            ”Ayaw kong pumunta. Ikaw nalang total ikaw naman ang may ipagtatapat sa kanya, diba?” walang buhay na sagot nito habang naglalaro pa rin ng Kingdom Hearts sa PS2.

            “Cmon Sykes! You know I can’t do it without you.”

            “More like you can’t do it WITH me, Lawrence.” naiiritang sagot nito. Ibinagsak pa nito sa sahig ang joystick bago pumanhik sa kwarto niya.

            “O-okay!” taas kamay na pagsuko ko.

            “Yuan, you cooperate with Ana.” animo banta ng mas matindi pa sa dragong club adviser namin na si Mrs. Mendez. Kapag may ini-assign itong trabaho sa’yo, dapat gawin mo talaga iyon kung ayaw mong makakita ng walking cadaver na may mga matang umiilaw ng kulay pula.

            “And Ana, malaki ang tiwala ko sa’yo. You have to do this assignment for next year’s special issue. You have to focus on a human subject, okay?” mahinahong sabi naman nito kay Manang.

            Photography nga pala ang isa sa mga hobbies ko kaya naman wala na akong safe club na pagpipilian kundi ang school paper. Kung sa ibang club kasi, NAKU! Pagpipiyestahan lang ako ng mga angry birds.

            “Tayo na, Rence. I don’t have time to lose.” sabi ni Manang matapos itong kausapin ni Mrs. Mendez.

            W-A-I-T!

            “What did you just call me?” tiim-bagang tanong ko. Ano ba talaga ang sayad ng babaeng ‘to at parati nalang niya akong naiinis?

            Tinutop nito ang sariling bibig at marahil ay napamura na rin sa sarili. “Sabi ko R-rence! Bakit?” lakas-loob na sagot nito.

            “Sino ang nagbigay sa’yo ng permiso para tawagin ako ng ganyan?”

            “Bakit? Kailangan pa ba ng ‘name-calling license’ para pwede kang matawag na Rence? Sa gusto ko lang!”

            Napasabunot akon sa buhok ko at napamura. Sumusobra na talaga ang Manang na ‘to ha! “Never dare call me with any name related to my father’s name ever again. You may know that I’m his son, but you don’t know what kind of life I have so don’t try to barge in. Okay ba, MANANG?” nagpipigil ng galit na banta ko sabay diin sa salitang Manang.

            “And what if I don’t want to?” nanghahamong tanong nito.

            Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa naglapat na ang tungki ng mga ilong namin. “You’ll surely regret it.” pagtapos ko sa usapan bago umalis ng nakakuyom ang isang palad.

            “Hey babe! What’s with that face?” naglalambing na tugon ni Kat.

            “Sorry babe. I guess, I’m just tired.” pagsisinuwaling ko. Araw ngayon ng Sabado kaya walang pasok. Kasalukuyan kaming nasa isang mamahaling restawrant ni Kat at wala talaga ako sa mood. Hindi dahil pagod ako kundi dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaalala sa Manang na iyon.

            Nakakainis talaga!

            “Happy 7th monthsary babe!” anito sabay bigay ng isang mamahaling regalo at halik sa akin.

            “Ah, thanks babe.” walang buhay na tugon ko. Tiningnan niyang maigi ang mukha ko.

            “Honestly, ano ba talaga ang problema mo? Hindi ka naman mukhang nakipag-away ah!” mukhang galit na ito.

            “I told you, I’m just tired.”

            “Tired?! Are you really ‘just tired’ or did you just plainly forgot about today because of something else that’s messing on your head?”

            “I’m sorry babe! I’ll make it up to …”

            “You know what? I’ts over and I’m out of here.” galit na sabat nito bago umalis ng hindi man lang lumilingon.

            Great! Thanks for messing with my head, Manang!

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon