“Sykes, do you know someone named Analyz?”
Meet my twin brother, Sykes Thatcher Salcedo. He’s nothing but a complete charmer. Kung meron mang babae sa campus ang hindi pa nakakakilala sa mokong nato, NAKU! Ewan ko lang kung naninirahan ba ang babaeng ‘yan sa kabundukan.
“Analyz? Hmm…” nag-isip ito sabay himas sa baba nito. “Aha! My ex-fling two months ago or the one I met at the bar last night?” seryosong tugon nito habang hinihintay ang reaksiyon ko.
Malabo yatang iisang Analyz lang ang tinutukoy naming ni Sykes. Sa pananamit palang no’n, baka mapagkamalan ng cosplayer ng isang madre sa bar iyon. Tapos, hindi rin naman siguro papatol ang Manang na iyon sa isang heartbreaker.
Hindi nga ba? So, hindi rin siya papatol sa’yo. Heartbreaker ka rin kaya!
ani ng isang bahagi ng isip ko.
Paki mo naman?!
tugon naman ng pride ko.
Ano ba!
Iwinaksi ko ang mga isiping iyon at itinuon ang atensyon ko kay Sykes. “Okay, let me rephrase. Kilala mo ba ‘yong best friend ni Kat?”
Grabe na talaga kung hindi pa nito kilala si Kat. Katherine is the most popular girl in school. Bukod sa maganda, mayaman at sexy ito ay hindi rin ito boring kausap.
But don’t get me wrong, I may be physically attracted to her; I still don’t like her romantically. Pero nang nagpakita siya ng interes sa akin ay agad ko siyang niligawan. She’s single and I’m single, bakit hindi namin subukan, diba?
Pero hindi ko talaga siya siniseryoso. Actually, isa pa lang ang sineryoso kong babae sa tanang buhay ko and it was Phia. Napag-alaman ko rin kasi na si Sykes ang unang nagustuhan ni Kat and wala akong planong magpagamit ulit.
“Oh! Ana Gonzales, the transferee who is said to be the future valedictorian of our batch. Kaklase mo iyon diba?”
“Exactly! Can you provide me some of her info?”
Si Sykes ang isa sa mga pinakamaimpluwensya at pinakatsismosong tao sa MOA. Dala na rin ng pagiging charmer nito, hindi nakapagtatakang marami itong “sources” sa paaralan.
Tiningnan niya ako ng masama bago nagpakawala ng isang nanunudyong ngiti. “You’re interested with a girl, Lawrence!”
“Whatever Thatcher! Basta ibigay mo sa akin ASAP.”
“Why should I?” nanghahamong tanong nito.
“Maybe because we had a treaty effective since a very long time ago?” sarkastikong sagot ko.
Dahil nga walang pakialam si Lawrencio sa amin at maaga ring namatay si Mommy, kaming dalawa nalang ni Sykes ang palaging magkaramay simula pagkabata. Dahil nga mas matanda siya sa akin ng ilang minuto, siya ang palaging gumagawa ng mga “dirty work” at ako naman ang nagpaplano since mas matalino ako sa kanya.
“And maybe we also included in the treaty an excemption, right?” anito sa isang nanunuksong tono.
“You mean…” Hindi ko matapos ang sana ay sasabihin ko dahil hindi ko mapaniwalaan ang posibilidad na naiisip ko.
“Yeah. I met her first so you better back off.”
“Yo-you’re interested in her?” nauutal na saad ko. Matapos kompirmahin ni Sykes ang hinala ko, hindi ko na talaga napigilan ang kanina ko pa kinikimkim na buhakhak. “I didn’t know that your taste in girls has totally gone bad, Thatcher!”
“And so are yours.” pabulong na sagot ni Sykes sabay pakawala sa “killer smile” niya. Based from that smile, I know he’s up to something evil.
“Gusto ko lang malaman kung bakit niya alam ang tungkol sa pagkakaugnay natin kay Lawrencio.” defensive na sabi ko.
“We took interest with the same girl back then, Lawrence. Remember? ” anito sabay labas ng kwarto. Nawala na ng tuluyan ang ngiti ko nang maalala ang pangyayaring iyon.
It was way back in the seventh grade ------- back when I was still the same Yuan I used to be…
“Hi Yuan!” ani ng isang napakagandang boses. Kahit hindi ko tingnan kung sino ang tumatawag, my heart knows it’s Sophia Angelique Cariaso ------ ang kababata namin ni Sykes. “Aren’t you going to ask me out tomorrow night?”
“H-ha? Ahm. Advance happy birthday nga pala.” nahihiyang sambit ko.
“You’ve been saying that since a week ago. Anyway, thank you!” nakangiting tugon nito. I can’t help but be mesmerized by her smile. She was my ‘it girl’ and I never bothered looking at anyone else other than her. “Isama mo si Sykes ha? Sige mauna na ako. Bye!”
Naiwan akong nakatulala pa rin. Daig ko pa si Lil’ Eddie na siyang kumanta sa kantang Statue.
“She’s a bitch, Yuan.” sabi ni Sykes na parang kabuting pabigla-biglang sumusulpot sa likuran ko.
“Alam mo, para kang ka…” natigilan ako nang maalalang tinawag niya akong Yuan. Sykes NEVER do that not unless he’s really serious.
“I told you. She’s a bitch. Forget her.” wika niya sa seryosong tono at walang-salitang umalis.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sykes. “I can’t Sykes. You know I can’t.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1768590-288-k371276.jpg)
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Fiksi Remajafirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/