KABANATA 2 - The more you hate; The more you love (Analyz)

19 0 0
                                    

            My God! Bakit kung makaakto ang lalaking ‘yon ay parang kung sinong outcast ang nakaharap niya. Head to foot pa talaga akong tiningnan ng walanghiya! At bakit kung makatingin ang kurimaw na iyon ay parang ngayon lang niya akong nakita? We’ve been classmates for almost 8 months already! January na kaya ngayon. Ang kapal talaga ng mukha!

            Kung hindi nga lang talaga siya boyfriend ng best friend ko, NAKU! Matagal ko na talagang inupakan ang mokong na iyon.

            Yeah, you heard me right. Boyfriend lang naman ng best friend kong si Kat ang hearthrob, gwapo, genius, pasaway, nakakainis at walang magawa sa buhay na si Yuan Lawrence Salcedo, isa sa mga itinatagong anak ni Lawrencio Salcedo.

            Tutol nga talaga sana ako sa relasyon ng dalawang iyon pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung maligaya naman ang best friend ko? Iwan ko ba kung anong lason ang pinainom ng Yuan na ‘yon kay Kat at sa iba pang mga kababaihan rito sa campus at patay na patay silang lahat sa kanya... at sa super hot na brother niya!

            Actually, isa ako sa mga daig pa ang angry bird na diehard fan ng twin brother niyang si Sykes. Ewan ko lang nga kung bakit may nagkakagusto pa rin sa Yuan na iyon gayong complete package na naman kung maituturing si Sykes. Tapos, total opposites pa talaga ang dalawa! Si Sykes ay easy to be with at charmer unlike Yuan na daig pa ang isang rosary, puno talaga ng misteryo ang mokong! Not to mention he’s also a certified delinquent.

            Kabi-kabila nalang ang pagpapatawag ng mga guro rito dahil sa mga gulong ginagawa nito. Ang nakakainis pa talaga ay “I’m bored” ang palagi nalang nitong dinadahilan tuwing tinatanong ito kung bakit nito ginagawa ang mga bagay na iyon.

Pero kahit ganito pa ito kaangas, sobrang dami pa ring babae ang lumalapit at humihiling na maging girlfriend nito. Hindi naman ito tumatanggi pero palagi nga lang itong may kasamang ibang babae tuwina.

“Nagpapapansin lang ‘yan sa papa niya. At saka, naging ganyan lang daw ‘yan nang malaman niyang niluko lang pala siya ng babaeng nagustuhan niya noon. As a matter of fact, ibang-iba ang kilala kong Yuan Salcedo noon sa kung ano siya ngayon.”

sabi pa nga ng isang source kong kakilala ni Yuan.

            Dala na rin ng pagkainis ko sa pagiging major heartbreaker ni Yuan, lihim na tinatawag ko siya sa pangalang Rence once in a while. Ganito kasi nangyari noong kata-transfer ko lang sa MOA…

            “Ana, you won’t believe it!” excited na saad ni Kat na abot tenga ang pagkakangiti.

            “Hindi talaga ako maniniwala kung wala kang sasabihin.” sarkastikong sagot ko. Kasalukuyan kasi akong nagbabasa ng librong The Last Olympian and everyone knows hinding-hindi ko gusto ang naiistorbo kapag nagbabasa.

            “Yuan and me, it’s official!” deklara nito sabay tili.

            “GFY.” ani ko na hindi pa rin iniaalis ang tingin sa librong binabasa ko.

“Ha? Umaatake na naman ‘yang alien language mo.”

“Sabi ko, good for you!”

            “Yep! Ang gwapo talaga niya tapos ang sweet pa! Not to mention he’s also intelligent.” Nakatungaw ito sa bintana ng sasakyan na naghatid sa amin patungong MOA. Animo nakikita nito ang imahe ni Yuan sa kawalan.

            Tuluyan ng nawala ang atensyon ko sa libro dahil sa kadaldalan nito. “I thought you like Sykes better?”

            Bigla itong natahimik. Kapagkuwan ay ngumiti na naman ito ng pagkatamis-tamis. “I just realized Yuan’s more interesting.” Nagkibit-balikat lang ako. “Nandito na pala tayo! Let’s go!” masiglang tugon niya sabay hatak sa akin palabas ng sasakyan.

Welcome to Mount Olympus Academy, Analyz. Hello junior year!

So basically, palihim ko siyang tinatawag na Rence for my amusement at para na rin itago ang identity niya kay Kat tuwing kinukulam namin ang voodoo doll niya. Kawawang Kat, walang kamalay-malay na ang pinagtatawanan naming doll tuwing hapon ay ang representation ng antipatikong boyfriend niya.

“Ana! Ba’t nakatunganga ka nalang diyan?” pukaw ni Kat.

“Ha? Ah, wala! May iniisip lang ako.” gulat na sagot ko. Hindi ko napansing nakabalik na pala ito galing sa date nila ni Yuan.

“Himala at hindi mo tinutusok si Rence ngayon.” natatawang sabi nito. Ritual ko kasing i-torture ang voodoo doll tuwing hapon lalo na tuwing hinihintay ko si Kat kapag nagkikita sila ni Yuan.

            I’ve been dying to do the real thing with that person, Kat. Ngumiti ako ng masama bago sinundan si Kat papunta sa kinaroroonan ng sasakyan.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon