KABANATA 8 - Because I Miss You (Analyz)

6 0 0
                                    

            “You’ll never know when love started rooting into your system not until you notice it already made a hole in your heart that’s too deep.” mahabang pag-eexplain ng mokong na Rence na ‘yon.

            “Deretsahin mo nga ako. Lalo lang akong kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo eh. Tapos, parang may laser beam pa ang mga tingin mo. Nakakatakot.” kabadong saad ko.

            “And in order to prove it my verdict, I’ll make you fall for me...” seryosong pahayag nito habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. “…Analyz.” He called me by my name!

            “Ha-ha!” tumawa ako ng pagak. “Don’t kid with me. Alam mo namang presidente ako ng fans club ng kapatid mo.”

            “I know, I know. And I also know that my brother also feels the same way about you but I’m not quite sure kung seryoso ba talaga siya sa’yo kaya magiging challenging ang bet na ito.” nakangising sambit nito.

            “You’re crazy…” hindi makapaniwalang sambit ko. “and evil! Gawin na nga lang natin ang kanta.” naiilang na talaga ako. Ano bang nakain ng kumag na’to?

            “Okay. Actually, marami na akong isinulat na mga kanta kaya pwedeng iyon nalang ang gamitin natin.” bumalik na ang natural na pakikitungo nito.

            “Good! May silbi ka rin pala.” duya ko sa kanya.

            “Oh yeah, but the bet is still on. It’ll be effective this Monday.” Sa imahinasyon ko, feel ko nakakita talaga ako ng isang evil lord na naka-evil smile. Nakakakilabot.

            “Ms. Ana Gonzales?” bigla akong nahimasmasan ng mapansin kong may tumapik sa balikat ko.

            “Bakit?” tanong ko sa katabi ko. Ininguso nito ang direksyon ng guro namin sa Music na siya ring adviser ng klase namin. Napatindig ako bigla nang mapansin kong nakatingin nga sa akin ang guro namin. “Yes Miss?”

            “Submit your work.” deretsahang pahayag nito. Mukhang galit talaga yata ito. Dati rati kasi ay palaging mabait siya sa akin pero ngayon ewan ko lang pero parang nagmi-menopause ang drama ni Ma’am ngayon.

            Kinuha ko sa folder ko ang printed copy ng kantang isinulat ni Rence. Pinamagatan iyong Because I Miss You. Anito isinulat raw niya ang kantang iyon noong mga panahong na-miss niya ang mommy niya dahil naging sawi siya sa pag-ibig. Natawa nga ako ng sinabi niya iyon. Nabibigo rin pala ang magkapatid na ito sa pag-ibig? Hindi yata kapani-paniwala iyon.

            Tumayo ako at ibinigay kay Ma’am ang bond paper. Pagkatapos nitong pasadahan ng tingin ang papel, agad niya akong tinanong.

            “Bakit mo inilagay ang pangalan ng lintik na kapares mo dito? Tumulong ba siya?” nakataas-kilay na tanong niya sa akin.

            “Opo Ma’am. Actually, orihinal pa nga po na kanta niya iyan eh.” depensa ko kay Rence. Base sa reaksyon nito pagkatapos nitong makita ang pangalan ni Rence, alam kong may ginawa na namang gulo ang huli.

            “Mabuti naman at may ibang alam naman palang gawin ang batang iyan.” ikinumpas nito ang kamay nito na nagpapahiwatig na pwede na akong umupo ulit.

            Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang kantang iyon. Ipinahihiwatig kasi ng kanta ang labis na pangungulila at pagsisisi dahil naging huli na ang lahat ng umamin ang lalaki. Wala na ang babaeng pinakamamahal niya.

            Pero ang totoong dahilan kung bakit di ko makalimutan ang kanta ay ang buong-pusong pagkanta ni Rence mismo ng kantang iyon sa harapan ko.

Always the exact same sky

And always the same day

The only thing that is different

Is that you are not with me

I thought I have let you go

Without anything left

No, no, no, no I still haven’t

Been able to let you go

Longing and longing for you

Because I am longing for you

I call you and always call for you everyday

Missing you, I’m missing you

Because I am missing you

Now, I just call out your name

Like a habit everyday, even today

Day by day, I feel like I’m going to die

So what do you think should I do?

Loving you, I’m loving you

Because I am loving you

Without even being able to tell you these

I’ve had to let you go

Sorry, I am sorry

Can you still hear me now?

Can you still hear my late confession to you?

I LOVE YOU

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon