Bittersweet

44 1 0
                                    

And even if I cried a thousand tears tonight

Would you come back to me

And even if I walked on the water

Would you come out to sea

Now I can't spend my life standing by

Cause even when I miss you

You're still not missing me

“Missing Me

                                                                                By RJ Helton

PROLOGUE (Analyz)

Naniniwala ba kayo sa true love at fairy tales?

Ako, sobra! Nangangarap ako na baling araw ay darating rin ang prince charming ng buhay ko. Na sana isang araw, may isang lalaking magpapababa ng pride niya para lang makasama ako at BOOM! Ayon na sa harapan ko ang happily ever after!

Pero imposible yatang mangyari sa buhay ng isang Minerva Analyz Gonzales ang mga bagay na iyon. Oo, iyan nga ang pangalan ko pero mas kilala ako sa palayaw na Ana. Kinuha ng mga magulang ko ang pangalang Minerva galing sa Roman goddess of wisdom na kilala bilang Athena sa Greek mythology.

Matalino nga raw ako pero may pagkabobo naman, mabait pero masungit at tahimik na madaldal sabi ng best friend kong si Kat. Sumakatuwid, hindi raw ako ma-define o RANDOM. Kung kulot nga lang siguro ang buhok ko at nagsusuot ako ng salamin at braces ay baka matagal na nila akong tinawag na Ugly Betty.

Hindi naman daw ako pangit sabi ng mga kaklase ko. Maganda rin daw ang hubog ng katawan ko kaso kulang na kulang lang daw talaga ako ng alaga at tiwala sa sarili. At sa kasamaang palad, -5% lang raw ang fashion sense percentage ko.

Naalala ko pa nga noong minsan akong tinanong ng isang kaklase ko noong Grade 7.

“Ana, ilang tao na ang nagsabi sayong maganda ka?”

Nabigla talaga ako at natameme. Bakit sa lahat ng pwedeng itanong niya ay iyon pa? Hindi ba pwedeng ‘if Peter’s age is two times older than his brother, how old is he if their ages will sum up to 42’ nalang?

“Salamat sa kabutihan ng Diyos at ako pa lang ang nagsabi n’on sa sarili ko.” puno ng katapatang sagot ko sa makabagbag-damdaming tanong niya.

Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang beses na akong pinaalahanan ni Kat noon na palitan ang wardrobe ko at huwag bumaluktot habang naglalakad.

Isa na sa mga “kabalbalang” pangyayari ng buhay ko ang pagkakaibigan naming ni Katherine Anne Griffin o Kat, ang best friend ko. Kung langit siya, clouds lang ang level ko; kung pantao ang level ng beauty niya, aso lang siguro ang sa akin. Pero pagdating sa fashion sense: kung gown siya na siya, baka kahoy pa ako.

Tanging sa larangan ng talino ko nalang nga siguro siya malalagpasan. Pero kahit gan’on hindi ko kailanman inalala ang mga pagkakaiba namin. Sexy at sikat man siya sa school namin, medyo may pagka-spoiled brat at OA, samantalang ako ay weird, hindi gaanong pinapansin at simple lang, best friend ko parin siya. Kaya naman naniniwala talaga ako sa katagang “opposites attract.”

Hanggang balikat ang haba ng palaging naka-ponytail kong buhok. Hindi rin ito rebounded. Katamtaman lang taas ko at mahahaba ng mga pilikmata ko.

            Hitsura at pananamit pa lang nga ang pagbabasehan, alam ko at sigurado ako -------- ang happy ending ko’y hahantong rin sa simbahan. Kasi, kahit hindi ako dalhin ng prince charming ko doon, siguradong buong-puso naman akong ibibigay ng papa ko sa kombento para maging isang madre.

            Ironic diba? Naniniwala nga ako sa fairy tales pero napaka-bitter ko naman pagdating sa pag-ibig. Naging idol ko nga lang si Sarah Geronimo simula noong nakita ko ang pelikula niyang Won’t Last A Day Without You at sinabi niya ang katagang Bitter is better. Simula n’on ay iyon na ang naging motto ng buhay ko.

            Pero lahat ng paniniwala, pagkatao at panlabas na anyo ko’y unti-unting nagbago simula noong araw na dumating siya sa buhay ko.

            You’ll never know when it got started not until you notice it already made a hole too deep. I’ll make you fall for me, Analyz.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon